"Tanga ka ba?" Hindi na nga napigilan ni Magnus na punain ang katangahan ni Luke.

"Who's who? Tinutukoy mo ba ang sarili mo dahil hanggang ngayon ay wala ka pa ring alam?"

Natahimik si Magnus sa ibinatong tugon ni Luke. This jerk knows his words and how to use them for stabbing.

"To where you're not." I spoke out with a British accent making it sound like 'to weyo nawt" close to why not.

He shoved what I said like it was the most natural thing to do.

Nahinto kami sa tapat ng sports room at hinintay kong makalabas si Magnus pagkatapos kinuha ang chess set.

"Should I get the clock too?" He asked to which I shook my head in response.

"Oh, you both play chess?" We looked at Luke in unison and gave him that look that indicates 'Are you really this stupid?'

Bigla namang sumeryoso ang mukha nito na kahit kami ay nagtaka.

"Let's make a deal." his words rang in my ears. Sounds like trouble to me.

"Spill" si Magnus na ang nagsalita habang kunot-noong nakatingin sa nakangising si Luke.

"Diel and I will play. Chess of course." Ano na namang trip nito?

He raised his hand to scratch his chin. The action just revealed the tattoo he has. Nang mapagmasdan ko itong maigi, saka ko lang napagtanto na may peklat pala rito. Pinasadya ang tattoo para takpan ito. He seems unbothered kahit alam niyang nakita ko ito at wala siyang balak takpan kahit pa kalat ang simbolong ito sa buong paaralan kaya kung siya ang killer, bakit niya ito ibabalandra? Hindi ko rin maintindihan kung bakit siya pa rin ang vice president kahit nahuli na ang mga pandaraya nito. Posible bang ang nakatataas sa paaralang ito ang nagbibigay proteksyon para hindi siya mapatalsik? Ngunit bakit? Dahil ba kailangan nila ng tauhan sa council? Dahil malabong pumayag ang presidente sa mga iuutos nila kaya ang vice president ang hawak nila ngayon? Pero bakit si Luke pa rin? Anong kaugnayan niya sa mga Cartosou kung mayroon man. Anong mga nalalaman niya kung sakaling hindi man siya ang salarin sa mga krimeng naganap? Kailangan ko 'yong malaman.

"And?"

"If you win, you can ask me anything you want. Three questions." Parang nabasa niya ang nasa isip ko habang isinasalaysay ito.

"At kung ikaw ang manalo?"

"Make the president give up his seat to me."

"I know you're dreaming to beat me, but if ever that dream of yours comes true, wala ka pa ring makukuha. Dethroning the president is never even to be dreamed of. Hindi niya gagawin 'yon"

"Oh, Santera. Believe me, he will if you ask him to."

I don't believe Luke's bullshit but knowing him, gagawa at gagawa siya ng paraan para makuha ang gusto niya ngunit nais niyang idawit ang pangalan ko ngayon para makuha iyon. I know what he's trying to do. He's making us turn our backs on each other.

"You're spitting bullshit." Now, all kindness in me is in deep slumber.

"I'll take the deal."

"What? Nahihibang ka na ba Magnus? Naniniwala ka sa mga pinagsasabi nito?" Magkasalubong ang kilay na hinarap ko ito at hindi naiwasang mapataas ang boses.

"I'll take my chances, Chandiel. I know na alam mo rin na may nalalaman siya sa mga nangyayari dito. That's my chance."

"But-"

"A chance for Mayvien." tipid itong ngumiti at nilingon si Luke na ngayon ay natutuwa sa nasaksihan. Remind me to collect his blood soon.

"How are you gonna accomplish the deal if I win?" mapanuyang tanong nito kay Magnus.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now