Aalis na sana siya ng kunin ko ang baso na naglalaman ng juice at ibinuhos sa kaniya‚ napatigil siya sa gulat. Namumula ang mga mata nito ng tumingin siya sa’kin.

“Why the hell did you do that?!” she asked me angrily.

“Deserve.” bagkus sagutin ko siya sa tanong niya ay ito ang sinabi ko. Kaya mas lalong nadagdagan ang galit sa mukha niya‚ akmang susugurin niya sana ako ngunit napatigil rin siya ng makarinig ng isang baritonong boses.

“What was happening here?” lahat ng taong nagsasalita‚ nagtatawanan ay napatigil nang dumating si Edmund.

Iniwas ko ang paningin sa dalaga at tumingin sa likuran ko. Gano’n nalang ang gulat ko nang sobrang lapit ng mukha ng binata sa mukha. Kasabay ng pagtibok ng aking puso ay siya ring paglunok ko. Napatitig ako sa mata nitong malalim‚ nagtatanong kong ano ang nangyayari. Ilang segundo kaming nasa gano’ng posisyon. Napaiwas lang ako ng tingin ng may nagsalita.

“Binuhusan po ng juice ng babaeng iyan si Nice‚ Sir.” napatingin ako sa babaeng nagsasalita. Nakaturo ito sa akin. So her name is Nice. Ang ganda ng pangalan‚ ang pangit ng ugali.

“Is that true‚ Tanya?” napatingin ako sa binata ng tanungin niya ako.

“Di’ba totoo naman na binuhusan mo si Nice ng juice?”

“Oo nga! Kita ng dalawa naming mata. Kaya huwag ka nang magsinungaling.”

Palihim na napairap ako sa mga sinasabi ng mga tao‚ “Yeah.” tanging isinagot ko nalang.

“Why did you do that‚ Tanya?” muling tanong ng binata.

“Di’ba pwedeng gumanti lang.” sabi ko.

Nangunot ang noo niya‚ “Why? Anong ginawa niya sa’yo?”

“Kinuha ni Nice ang pagkain ko at itinapon sa akin.”

Imiba ang tempal ng mukha ng binata‚ “Why did you do that‚ Miss Martin?”

“I just wanted to help you‚ Sir. Gusto kong ilayo ka sa babaeng iyan. Dahil malandi siya‚ Sir! Hindi mo ba napapansing nilalandi ka niya?”

“Miss Martin‚ before you judge‚ know the person first. For those who doesn’t know‚ Tzaliyah Cardinal is my wife. So it is normal for her to flirt with me.” napasinghap ang mga tao sa paligid dahil sa gulat. Tiningnan ko naman si Nice na ngayon ay gulat rin.

Hindi ko maiwasang kiligin dahil pinagtanggol ako ng binata at pinakilala sa mga tauhan niya na asawa niya ako.

Hinawakan ng binata ang papulsahan ko‚ “Let’s go Tanya.” sabi at hinila ako ng marahan. Ngunit napatigil rin at muling nasalita‚ “You can now clean yourself Miss Martin and leave. Don’t ever comeback again.”

“Bakit mo ‘yon ginawa?” tanong ko sa binata ng nasa loob na kami ng elevator. Sumulyap siya sa akin saglit habang nakakunot ang noo‚ “Do what?” tanong niya.

“Yong kay‚ Nice. Bakit mo siya tinanggal sa trabaho?” tanong kong muli kay Edmund.

“Well... She deserves it. Another one‚ tinawag ka niyang malandi. Tinaponan ka rin ng pagkain. That’s why‚ Miss Martin deserve to be out of this company. We don’t need her. We don’t need her in this company.” ni kahit isang sulyap sa akin ay hindi ginawa ng binata habang nagsasalita. Tumahimik nalang‚ baka rin kasi tanggalan niya ako ng trabaho.

Nang huminto na ang elevator at bumukas ito‚ kaagad akong iniwan ng binata. Tiningnan ko siya habang naglalakad hanggang makapasok na ang binata sa kaniyang opisina ‘saka ko na iniwas ang paningin ko. Ang sarili ko naman ang tiningnan ko‚ mukha na ako ngayong basura. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago lumabas sa elevator at pumasok sa opisina ko.

A Contract with a Billionaire (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon