Chapter 2

14 2 0
                                    

Hindi ko na alam kung ano ang uunahin kong isipin, ang problema ba between sa Dela Cruz Family at Montefalco Family, o ang mangyayari samin nina Sevi at Jesica.

Sobrang gulo na ng utak ko, litong-lito na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko. Dahil sa dami ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Pag-gising ko parang ang bigat ng katawan ko, parang gusto ko nalang matulog hanggang bukas, pero kailangan ko pang puntahan si Kisha para magkaroon ng kasagutan ang mga tanong sa isip ko.

Pinilit kong bumangon para maligo para naman mahimasmasan ang magulo kong isip. Pagkatapos ko maligo ay nag prepare na ako para ountahan si Kisha, kasi nabo-bored na din ako dito sa bahay.

Bago ako umalis, pumunta muna ako sa kusina para uminom ng gamot dahil sa sobrang sakit ng ulo ko kahit nakatulog na ako. Pagkatapos ko uminom ay umalis na ako, hindi na ako nagpa-alam dahil alam kong hindi nila ako papayagan na lumabas lalo't masakit ang ulo ko.

Dahan-dahan lang ang paglalakad ko, dahil hindi ko talaga kaya ang sakit, may kalapitan lang ang bahay nina Kisha kaya kakayanin ko nalang makapunta para lang alamin ang totoo.

Pagkatok ko sa pintuan nila ay agad niya utong binuksan. Dahil sa sakit ng ulo ko natumba ako bigla, hindi naman nahimatay or nakatulog, natumba lang sa mga kamay niya. Habang sinusubukang tumayo, tinulungan ako ni Kisha na umupo sa couch.

"Ash, ano bang ginagawa mo, alam mong masakit ang ulo mo pero pumunta ka parin dito. Bakit ba? May kailangan kaba?" Saad niya habang nag-aalala parin sa'kin.

"Gusto kong malaman ang lahat. Sino yung TOTGA ni Sevi?, ano ang ginagawa niya sa bahay nila?, ano ang kailangan niya kay Sevi?, kilala ko ba siya?" Saad ko ng mabilisan, kaya hindi niya naintindihan ang mga sinabi ko.

"Teka, isa-isa lang naman, 'di ko kaya ng sabay-sabay." Saad niya at pinakita sakanya ang picture na kinuha ko sa cellphone ni Sevi.

"Mygosh, bes san mo nakuha yan? Yung number, kilala ko." hindi nga ako nagkamali ng nilapitan, tama nga ako, kilala niya yung number at ako lang ang walang alam kung sino ito.

"S-sino? Wag mong sabihin na si Jesica yan ha, alan kona na nandito siya sa Pilipinas, sinabi sa'kin ni mama." Bigla nalang siyang napasimangot na nag-aalala. Tinapik noya ako sa balikat at sabay sabing "I'm sorry Ash, si Jesica yun."

Ang sikip sa dibdib, 'di ko alam ang gagawin ko. Lalong gumulo ang isip ko. Nagkagusto ba ulit si Sevi kay Jesica, sana wag, ayoko nang masaktan lalo't malapit na ang 2nd anniversary namin, ayokong may mangyaring masama.

Pagkatapos namin mag-usap ni Kisha ay bumalik na ako sa mansion para magpahinga. Hindi ko pa kaya bumalik sa condo kaya dito muna ako mag i-stay hanggang maging maayos na ang pakiramdam ko.

Pagkahiga ko palang sa kama ay agad na akong nakatulog. Nagising ako at tinignan ang orasan, at mag alas-tres na ng madaling araw. Kinuha ko ang phone ko at nakita na ang daming messages and nagulat nalang ako, may message si Sevi, at hindi lang siya, pati na rin si Jesica.

Bukas ko nalang bubuksan ang mga message nila. Dahil hindi ako makabalik sa pagtulog, ay nagbasa nalang ako ng Wattpad at tapusin yung istorya na binabasa ko. Naka-ilang chapter din ako ng nabasa, pagkatapos ay nanood ako ng K-dramas hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog na pala ulit ako.

Pag gising ko ay pumunta na ako sa cr para mag toothbrush at maligo para makabalik sa condo bago ko basahin lahat ng messages nila at halos nadagdagan pa ito, pati si Kisha nag-message din. Nakaktamad mag-basa lalo't sobrang dami, parang mas madami pa ito sa binasa kong nga chapter eme hahaha.
--
To: Unknown Message

The Journey of our Love StoryWhere stories live. Discover now