Chapter 1

20 2 0
                                    

Pakiramdam ko ang bilis ng oras, feel ko kakapikit ko palang ng mata umaga na agad.

Agad na akong tumayo ng higaan para maligo at puntahan si Sevi para kausapin. Pero syempre kakain muna ako noh, sino bang tatanggi sa pagkain, bumili pa ako kahapon ng favorite kong ramen sa korean food mart, oh 'diba mamahalin.
--

Pagkatapos ko maligo dumeretso na ako sa kusina para lutuin ang masarap na ramen at nang makakain na.

Pagkatapos ko kumain syempre hinugasan ko wala naman kasi akong yaya dito sa bahay, sa condominium kasi ako tumitira hindi doon sa mismong bahay namin kasi nakakabored doon. 'Di ko naman nagagawa lahat ng gusto ko doon eh. Kaya dito ako nag i-stay.

After ko hugasan ang pinag-kainan ko, bumalik na ako sa kwarto para mag-ready para pumunta kay Sevi.
......

Habang naglalakad bigla ko ulit nakita yung babae kahapon, pero 'di ko makita kung sino talaga siya dahil nakatalikod ito at may kinakausap, pero nilagpasan ko nalang sila at dumeretso sa bahay ni Sevi.

Pagdating ko sa may gate nila ay agad akong nag doorbell, at pagbukas ng gate ay nakita ko ang mama ni Sevi.

"Oh hija napadalaw ka, may kailangan kaba? " tankng sa'akin ni tita. "Nandito po ba si Sevi?" Pagkasabi ko ay agad niya akong pinapasok sa loob.

"Nasa kwarto siya naglalaro lang. Katukin mo nalang ang pinto, sige maiwan na kita hija ha, may ginagawa pa kasi ako." pagkasabi ni tita ay agad na siyang bumalik sa kusina at bumalik sa ginagawa.

Kumatok ako sa pintuan niya at agad niya itong binuksan sabay sabi na "sabi ko umalis kana 'bat nandito ka parin-" napatigil siya ng makita niya ako na nakatulala sa sinasabi niya. Nakngtokwa, anong sinasabi niya.

"Lovey, ikaw pala, sorry kung napasigaw ako. " saad niya ng may mahinahon na boses. "Okay lang, ano pala ginagawa mo? Pwede pumasok? " saad ko ng nakangiti at agad niya naman ako pinapasok at pinaupo sa kama niya, at parang maliligo palang siya dahil hawak niya tuwalya niya pang-ligo.

"Lovey wait mo'ko dito ha, maliligo lang ako" saad niya at agad umalis. Habang naliligo siya, napansin ko na may nag-text sakanya. Pero ang unang bumungad sakin ay nga nickname nito. "My TOTGA" seryoso, sa dami-daming nickname sa mundo TOTGA pa talaga.

TOTGA means (The One That Got Away). At napansin ko din na nawawala yung number ko sa chats niya, dinelete ba niya?

Ang nag-agaw pansin rin sa'kin ay yung number nung babae, syempre alam ko agad na babae yun, sino ba naman ang magse-set ng nickname na TOTGA di'ba.

Familiar yung number kaya agad kong tinignan ang unknown number na nag-text sakin kagabi. And as I expected pareho yung number, kaya agad ko itong kinuhanan ng picture for evidence (evidence pag nag-cheat siya at para nadin madali ako maka move on).
.....

Pagtapos niya maligo ay agad niya akong kinausap. " 'bat pala napapunta ka dito, may sasabihin ka'ba?" Agad akong napangiti (pero plastic na ngiti hehe) "Umm...... Wala naman, kakamustahin lang naman sana kita, 'di na kita tinext kasi baka busy ka, kaya sinadya ko nalang na pumunta dito hehe,sige alis na ako ha ingat iloveyou" pagkasabi ko ay agad na akong tumayo para umalis pero pinigilan niya ako
"Wala ka nga ba talaga sasabihin hmm, well kung ganun, I will ask you some things about our anniversary. " napangiti ako nang binanggit niya yung about sa anniversary namin.

"What is it? May gagawin pa kasi ako sa bahay eh." Palusot kong tanong.

"What do you want to do on our anniversary?" Ano ba namang tanong yan simple lang naman ang gusto ko, ang makasama ka sa araw na yun, pero sana magsabi kana ng totoo kung ano man yang tinatago mo. "Kahit ano gusto ko, basta kasama ka, masaya na ako, kahit mag street foods lang, sapat na" nakangiti kong sagot at ngumiti naman siya.

The Journey of our Love StoryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora