Part II: Be Happy I.W.L.Y.G

Magsimula sa umpisa
                                    

Continuation 1..

Isang araw habang naglalakad kami ng mga kaibigan ko papuntang plaza na pinagigitnaan ng school namin at school ni Paulo. Nakita namin siyang nakamotor papunta sa kung saan. Tinawag siya ng mga kaklase ko at kumaway, tumango si Paulo sa kanila ng nakangiti at nasilayan ko din ang tingin niya sakin. Dito ko napagtanto kung gaano ko siya namiss. Sobrang nagbago nadin lahat sa kanya. Marunong na siyang pumorma, tumangkad pa lalo at mas naging gwapo. Dito nadin ako napaamin ng mga kaibigan ko na gusto ko si Paulo. Kaya noong dumaan uli ang motor ni Paulo sa lugar namin ay biglang sumigaw yung isa naming kaibigan st sinabing gusto ko si Paulo. Sobra ang hiya ko noon. Lumipas ang mga araw, nakasabayan namin ng isa kong kaibigan yung isa naming kaklaseng babae noong elem na si Kate na isa ding lumipat sa school na pinaglipatan ni Paulo. Nagulat ako ng sabihin niya na binigay daw niya yung number ko kay Paulo dahil kinukulit daw siya nito ng paulit ulit para makuha yung number ko. Kaya inasar nila akong pareho ng kaibigan ko. Kinilig ako nun at naeexcite sa marereceive na text galing kay Paulo. At di nga ako binigo dahil kinagabihan lang nun ay may nagtext sakin at walang iba kundi si Paulo. Ibang saya ang naramdaman ko noong mga panahong ito, ibang iba sa pakiramdam noong ka text ko yung grade 5. Naramdaman ko dito yung kaba, excite, at yung sinasabi ng iba na butterfly feeling. Tuwing may pagkakataon ay nag tetextan kami para magkamustahan at alalahanin ang nakaraan na pinagtatawanan nalang namin, minsan inaupdate ko siya na may sayaw kami na by partner pero siya yung gusto kong partner ganon din daw siya. Hanggang isang araw, tinanong niya ako kung kami pa ba nung grade 5. Hindi ko alam paano niya nalaman ang bagay na yun, pero siguro ay kinwento narin sa kanya ng iba naming mga kaklase. Sinabi ko sa kanya na wala na. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang sinabi na hindi ko muna gustong mangyare dahil sa nangyare sakin sa grade 5 at sa pagsisisi sa pagsuway ko sa magulang ko. Tinanong niya ako kung pwede daw ba uli akong ligawan. Sinabi ko sa kanya noon na hindi pa ako handa uli. Alam kong nalungkot siya nun pero wala akong magagawa. Pero naiintindihan niya kung bakit. Kaya naisipan ko nalang na sabihin sa kanya na kung kaya niyang maghintay then why not. Dito na nagkaroon ng pangako saming dalawa na pinanghahawakan ko. Nangako siya nag maghihintay siya hanggat pwede na. Nagtiwala ako sa pangako niya, ipinako ko yung sarili ko sa kanya sa pangako niya dahil siya nalang yung gusto ko hanggang sa huli sana. Kasi di ko pa pwede gawin yun noon dahil bata pa at baka di nako pakawalan ng konsensiya ko na sumuway sa bilin ng magulang na wag munang mag jojowa kahit laro lang yung nangyari noon samin ng grade 5 ay parang malaking kasalanan padin yun na nagawa ko sa magulang ko na pinagsisihan ko ng sobra.

Continuation 2..

Naging consistent ang pangangamustahan naming pareho sa text. Tinanong niya din ako kung may manliligaw o kung may gustong manligaw sakin. Sinabi ko sa kanya na merong gustong manligaw pero ayoko. Halatang interesado siyang malaman kung sino kaya sinabi ko sa kanya, noong malaman niya na hindi ko pinayagan ay ramdam kong naging masaya siya. Bago mag pistang patay ay tinatanong niya ako kung saan kaming sementeryo pupunta. Sabi ko sa public cemetery, nalungkot siya nun kasi sa private cemetery sila medyo malayo sa lugar samin. Noong christmas party naman nagtext siya na may ibibigay daw siya sa aking regalo. Akala ko niloloko niya lang ako kaya di ako naniwala. Hanggang sa sumapit na ang christmas party sa school namin. Habang naglalaro kami ay biglang may isang bata na kumatok sa pintuan ng room na may hawak na regalo. Pinapaabot daw yun ni Paulo sakin. Madami ang kinilig maging yung teacher namin. Tinanong ko yung bata kung nasan yung nagpabigay sa kanya, ang sabi niya ay inabot lang daw ni Paulo yun sa main gate namin at umalis na. Sobrang akong kinilig noong mga panahon nato, pero nalungkot dahil wala man lang akong naibigay sa kanya na regalo. Ayoko muna sanang buksan yung regalo sa school pero dahil sa excited yung mga kaklase ko ay sila na mismo ang nagbukas nun para sakin. Hawak ni Gerald na kaibigan ni Paulo yung regalo niya sakin na damit na plain faded pink na color. Narinig kong sabi nito na "uy imported sabi na nga yan ibibigay niya sayo kasi umuwi yung lola niya" sabi nito sakin pero di ko nalang pinansin. Si Gerald din yung isang pinakakaibigan ni Paulo noon at si Gerald din ang naging pinaka close kong lalaki noong grade 7 kami na kung saan para akong pinapabantayan ni Paulo sa kanya. Na kapag may umaway ay si Gerald ang magtatanggol sakin. Dahil tuwing may nakikita lang si Gerald na parang maling ginagawa sakin ng kaklase ko ay sinisita niya kaagad at sinasabing wag akong awayin at isusumbong daw niya kay Paulo. Dahil siguro sa tinaguriang siga si Paulo noon ay parang takot sa kanya ang iba. Kay Gerald ko din nalaman na ang password daw ng Dota noon ni Paulo ay ang pangalan ko pero hindi ko alam kung totoo o pinagloloko lang ako. Pero balik tayo sa damit na regalo. Malaki yung damit sakin kaya inaasar ako ng mga kaklase ko na ang laki naman daw, yung iba tumatawa. Di ko nalang sila pinansan dahil kahit malaki yung damit, sobra ko paring naappreciate. Kinahapunan nun ay nag text ako sa kanya at nagpasalamat. Ang sabi niya pa ay kung nagustuhan ko yung regalo niya at pasensiya na daw kung yun lang naibigay niya pero sobra sobra kong naappreciate yun kaya sobra akong nagpasalamat sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Be Happy I.W.L.Y.GTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon