Chapter 28: Beating Hearts

58 13 0
                                    

VAI.

Buong araw akong lutang sa mga sumunod na araw. Sobrang dami ng kailangan kong isipin kaya hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.

Pakiramdam ko nga ay magkakasakit ako pero parang hindi rin naman kaya hindi ko alam ang gagawin.

Napabuntong-hininga nalang ako habang nakatingin sa labas ng bintana at hawak-hawak ang isang libro. Dati, kapag may pino-problema at iniisip ako at hindi ko magawang solusyonan kaagad ay nagbabasa nalang ako para maibsan ang pag-iisip ko roon.

I just realized na ever since pumunta ako rito sa Fryxelle High, parang nagbago na rin ang mga routine ko. Unang una, hindi na ako nananaginip ng mga baril o bomba. E, nakakatawa dahil palagi 'yong nangyayari noon. Ni halos hindi nga ako makatulog dahil doon.

It's like, everything changed when I transferred here. . . Or did everything really change? Or it just went back to the right places?

Kasi ang alam ko ngayon, dito ako nabibilang. Dito ko mahahanap ang totoong ako. Dito ko matatagpuan ang mga bagay na hindi ko makita noon. Kahit gaano pa 'yan kahirap.

Siguro minsan, nami-miss ko lang 'yung dating buhay ko kaya gano'n. Homesick, kumbaga. Pero kapag naman nasanay ano na dito ang tirahan ko at ito ang buhay ko ay hindi naman na ako maho-homesick sa sarili kong tirahan.

Siguro . . . kaya ko nami-miss ang dating buhay ko ay wala akong maraming problema noon. Paggising sa umaga, kakain. Tapos pupunta sa school, mag-aaral. Gagala kasama ang mga classmates ko at kaibigan. Tapos matutulog na pagod lang sa klase at gala.

Looking back, Uncle Drew might have raised me well. But I admit, a little bit spoiled. Hindi ako nasanay humarap ng problema dahil siya ang naghahanap ng solusyon no'n para sa 'kin. Kaya ngayon ako na ang kailangan humarap ng problema ko ay naiintindihan ko kung bakit nahirapan ako.

"You also like reading books during your free time?" Napatingin aki kay Liliane na tumabi sa akin. Tumango ako sa kanya.

She smiled. "Nice, at least there's something we are both doing. Medyo nagtatampo na rin kasi ako sa 'yo dahil si Acantha lang 'yung palagi mong nakaka-bonding."

Natawa kaming pareho. She might have said that she was jealous but her voice didn't sound so. Parang nang-aasar lang siya na nagtatampo siya pero hindi naman talaga.

"Hindi 'yun gano'n, ano ka ba." Sagot ko sa kanya. "Syempre minsan kami ni Acantha ang magkakasama dahil siya 'yung palagi akong dinadala sa mga ginagawa niya. Tsaka, alam mo namang sobrang inti yourself ka kaya minsan 'pag gusto ka namin sinasama ay hinahayaan ka nalang namin."

She nodded. "I understand, though. I'm that kind of person who likes to spend time on my own and without the presence of others. Simula bata pa ako . . . sarili ko lang ang kasama ko."

Napalingon ako sa kanya nang mahimigan ko ang pait sa boses niya. "Did you knew the story on how Evanther and I entered Fryxelle High? On how we both became members of the Detective Club?"

Umiling ako.

"It's all because of Rye," she smiled. "Growing up, Evan and I were friends. Simula pa lang yata nang isinilang kami ay magkasama na kami. We both share the same hobbies, the same interests, the same space. Everything. Lahat ng mayroon ako ay mayroon din siya. I was a good kid, he was also a good kid. I was intelligent, he is as well."

"We are both jack of all trades. Pero alam mo kung ano ang mahirap kung lahat ng bagay, marunong ka?" She asked.

Tumango ako. Jack of all trades is a master of none . . . a person who can do many different types of work but who is not necessarily very competent at any of them.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now