Chapter 27: Protect

68 15 0
                                    

VAI.

Fayea Lee Valiente is a Serpentine undercover.

Matapos ang nangyaring iyon ay nagkaroon ng interogasyon sa aming tatlo ni Jam at Fay bago pa man ito dumating sa nakatataas-na paniguradong dadating din sa kanila anumang oras ngayon at kailangan nilang magpataw ng parusa kay Fay.

Alam naming hindi biro ang pagtataksil ni Fay sa Fryxelle High dahil maaaring malagay sa alanganin ang paaralan dahil sa ginawa niyang pakikipagsabwatan sa mga Serpentines. Hindi lang ang pagkakaibigan na mayroon kami ang masisira dahil maaepktuhan nito ang mga estudyante at mga guro sa loob ng paaralan.

Who knows, she might already tell the Serpentines some secrets that are only for Fryxelle High. Halatang ang misyon niya sa pagiging spy ay ang maghalungkat ng mga bagay-bagay para may maipaglalaban sila laban sa mga tao rito.

As someone who considers her a friend of mine, I wanted to know her reasons.

Kasalukuyan kaming nasa dorm kasama si Jam, na ngayon ay diring-diri kung makatingin kay Fay. "I hate you. I hate you soo much, Fay. We were together ever since, ni wala pa si Vai no'n ay ako ang nakakasama mo. Hindi mo man lang ba naisip na nakaka-guilty ang ginagawa mo?" Jam lashed onto her.

Nanatiling umiiyak na nakayuko si Fay. Ni hindi ko din alam kung ano ang gagawin sa pag-iyak niya. Gustong-gusto ko siyang daluhan pero pinipigilan ako ng katotohanang hindi na kagaya ng dati ang pagkakaibigan namin.

Bumuntong-hininga ako. Umangat ng tingin si Fay sa 'kin at bigla nalang siyang lumuhod sa harap ko, nagmamakaawa.

"I-I'm... I'm sorry, Vai. S-sorry, nagawa ko iyon... I was just blinded with m-my feelings-"

"Shut up, Fay." Si Jam ang sumagot. "I'm sorry, too. Dahil nasira na ang tiwala ko sa 'yo, you did something that almost killed Vai-and she's a friend, Fay! Kaibigan mo siya!"

Fay kept uttering her apologies but Janis was too angry to accept and validate them. "I'm sorry, din. Dahil unti-unti nang nagbabago ang tingin ko sa 'yo. Really, cooperating with them? Serpentines? Because of what-you were jealous because you liked Rye and Rye didn't like you back because he liked Vai? That's . . . just too shallow, Fayea."

A tear fell on jam's eyes. She tried so hard not to cry and vent our all her emotions, dahil alam kong ayaw niyang nakikita namin siyang nahihirapan. Pero hindi niya mapigilan ang sarili niya.

"O kung may ibang dahilan ka pa para pagtakpan ang kapangasahang ginawa mo, sabihin mo na dahil ngayon lang ako tatanggap ng paliwanag habang hindi pa 'ko nalalamon ng galit ko sa 'yo."

Umiiyak na lumabas si Jam sa silid. Naiwan kaming dalawa ni Fay, na binigyan ako ng nagsusumamong tingin. "Hindi ko sinasadya, Vai. Nadala lang ako sa galit at selos nang . . . nang makita ko kayo ni Rye at nang malaman kong ikaw ang tunay na tagapagmana ng titolong inaasam ko."

"I can forgive you . . ." sabi ko sa kanya at napalingon sa pintuang nilabasan ni Jam kanina lang. "But I don't think she can."

And since then, our bond with Fay was never the same again.

***

Malakas akong napabuntong-hininga habang nakatingin ako sa pintuan ng Detective Club. Ilang araw ko rin silang hindi kinausap kaya napagdesisyunan kong kausapin sila ngayon. Dahil tulad ng sinabi ni Jam, alam kong may rason sila sa lahat ng ginawa nila. They are keeping secrets becuase they have their reasons.

Masyado lang talaga akong nagtampo noon kaya hindi ko sila kayang pakinggan at harapin.

Hindi ko pa nakikita si Rye dahil ang sabi nila ay may ibang importante siyang ginagawa-he's looking for someone . . . or something that he doesn't want to tell, that's why.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now