“What are you doing here? Hindi ba sa labas ang office mo? You are watching us?” As if naman gusto kong mapanood 'yang mahaba mong nguso na dumadampi sa pisngi ni Hammer. Ngayon pa nga lang gusto ko ng durugin.

I faked a smile at her. “I'm sorry to interrupt you, guys but you are blocking my way kasi.” Sinusubukan ko lang naman maging nice habang may pasensya pa akong naitatabi.

“What does she mean, honey?” Humawak pa talaga siya sa dibdib ni Hammer.

“Ah! Hehe... I'm sorry, Miss. Tiarra pero ayon po ang table ko at dito ako sa loob ng office ni Sir. Hammer nagta-trabaho.” Tinuro ko ang table na tinutukoy ko.

“What?!” She almost exclaimed. “You let her stay here?!” Matinis na sigaw niya kay Hammer.

“So?”

Opss, ngayon ko lang narinig na nagtaray sa kaniya si Hammer.

“Anong so?! Anong so?! Hammer, lalandiin ka ng babaeng 'yan! Ang landi niyan! Sa labas nga halos lahat ng lalaki nilalandi niyan, ikaw pa kaya?! Kayong dalawa lang sa loob ng office na 'to!” Pabulyaw na lintanya niya.

“Teka lang!” Pigil ko sa kaniya. “Kung maka-accuse ka naman akala mo ginalaw ko na 'yang boyfriend mo. HOY! For your information wala pa akong ginagawa sa boyfriend mo! Kabahan ka kapag palaging naka-lock ang pinto dahil hindi lang milagro ang ginagawa namin kung 'di bata!” Balik-salita ko sa kaniya.

She laughed sarcastically. “So, may balak ka nga talaga?! May balak ka, ha?! Did you hear that, Hammer?! You heard that!” Dinuro niya ako. Major duro talaga dahil naduduling na ang mata ko sa kakatingin sa daliri niyang halos tumusok na sa ilong ko.

“AHAS ANG BABAENG 'YAN! Naglalaro lang naman ng mga lalaki 'yan! She's just playing you. She want to get your for her own needs! Hindi ka pa ba kontento sa asawa mo at kailangan mo pang umagaw ng boyfriend ng iba?” Namewang siya.

Talagang hinahamon na akong babaeng 'to. Akala mo naman aatrasan kita. Excuse me, wala sa lahi namin ang umaatras sa laban!

“Wala akong inaahas sa'yo, Tiarra. Masyado ka naman yatang delusyonada at feeling mo aagawin ko sa'yo 'yang boyfriend mo.”

“Bakit? Hindi ba? Doon ka naman magaling, ah!” Sumusobra na talaga 'to hindi na nakakatuwa!

Humalukipkip ako at ngumisi. Nagkakamali ka ng binanggang tao, Tiarra.

“Bakit natatakot ka ba na baka maagaw nga ng babaeng may asawa na 'yang boyfriend mo?” May panghahamon na tanong ko sa kaniya.

Lalo siyang nang-galaiti. Gumagalaw na ang panga niya sa sobrang galit.

“YOU! YOU HAVE NO RIGHT TO STEAL MY MAN! YOU'RE JUST EX! PINAGLUMAAN KA NA!” Sigaw niya sa akin. Pulang-pula na siya sa sobrang galit. Naglabasan na ang litid sa leeg niya.

Lumapad ang ngisi ko. “Tama ka. Ex na nga lang ako, anong kinatatakot mo? Ay, oo nga pala! Nakalimutan ko. Hindi nga lang pala ako basta EX ng boyfriend mo. Ako lang naman ang babaeng kinabaliwan niya ng husto.” Inangasan ko ang pagkakasabi ko sabay malakas na flipped ng buhok ko papunta sa aking likuran.

Playful TemptationWhere stories live. Discover now