"Akala ko ba tita susunod ka?" Tanong ko sa kan'ya nang nakasakay na kami ng kotse.

"Oo, nauna nga lang ako sayo." Lah? Lakas talaga ni tita.

"Alam ko kasing kasal ni Lucas kaya hindi ako pwede na wala. Ikaw lang talaga walang alam." Natatawa niya pang sabi.

"Tita sana po sumabay ka na lang sakin wala ka tuloy kasama." Napangiwi siya sa sinabi ko.

"At sino naman nag sabi na wala akong kasama?" Nagtaka ako sa kan'ya. Napalingon ako nang tumingin siya kay Tristan.

Ah kaya naman pala.

May kasabay.

Ang dami ni titang dalang chika walang ibang ginawa kung hindi mag kwento nang mag kwento sa amin.

Buong byahe puro tawanan lang kami ni tita syempre maliban kay Tristan.

Kj yan e.

Maya-maya pa dumating na rin kami sa venue.

Ang taray hotel.

Yayamanin yorn.

Pumasok na kami sa loob at ina-assist na kami kung saan kami uupo nang naka upo na kami biglang lumapit si Lucas sa amin.

"Long time no see Zamara!" Tatayo sana ako kaso bigla ako nakaupo kasi bigla akong hinampas ng malakas ni Lucas sa balikat.

Naknamputch* talaga.

Buset na lalaki 'to.

Ngayon na nga lang ulit nag kita maghahampas pa.

Ano 'to pinag sama-sama ba lahat ng sama ng loob sa loob ng sampung taon?

"Ay sorry!" Nang aasar niyang sabi.

Kalma muna tayo kasi bagong kasal ang bugok.

"Kumusta na kayo?" Tanong ni Lucas sa amin.

Inirapan ko si Lucas nang tignan ako nang nakaka asar.

"Ayos lang naman kami! Nakakaloka kang bata ka! Dati tulo uhog ka lang ngayon kinasal ka na!" Nasamid bigla si Tristan sa sinabi ni tita habang ako tawa nang tawa.

One point para kay tita.

"Grabi ka naman po tita! Talagang naalala niyo po yan ha!" Natatawang sabi ni Lucas at bahagyang hinampas si tita.

Yung pang hampas na parang gay.

Hindi talaga nahiya si Lucas syempre makapal ang mukha e.

Walang hiya-hiya sa kan'ya.

"Ay oo nga pala tita si Aya. My dearest gorgeous wife." Pag papakilala ni Lucas sa asawa niya.

Mukhang japanese din ang babae.

"Hello po!" Ngiti sabi niya sa amin habang kumakaway.

Ang ganda ni Aya partida ang simple lang yung make up niya ang puti puti niya ang ganda pa ng mata.

"Ikalma mo Zamara alam ko maganda ang asawa ko wag mo na itangkang agawin." Nag tawanan silang lahat napaka siraulo talaga ni Lucas.

Sampung taon ng tahimik yung anger issue ko mukhang magigising na naman ang nananahimik kong apoy sa ulo.

"Ay tita oh! Nagagalit na po ata si Zamara wag naman sana." Ang lakas ng tama nito.

Tignan ko ba naman ng masama bigla ako sinumbong.

Tumawa ako nang malakas dahil sa sinabi ni Aya sa kanya.

"Umayos ka nga Lucas! Ngayon na nga lang kayo nagkita aasarin mo pa si Zamara!" Suway sa kanya ni Aya sabay hampas sa braso niya ngumuso naman bigla si Lucas. Ngumuti ako ng ng malapad kay Lucas lalo na nung bigla ako kinindatan ni Aya it means kakampi niya ako.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now