3

419 19 0
                                    

ZAMARA'S POV

"Oh? Bakit gan'yan mukha mo?" Tanong ng kaibigan ko. Huminto siya sa paglalakad at napahinto rin ako.

Tapos na ang klase namin, uwian na. Huminga muna ako bago siya sagutin.

"Ang malas ng araw ko."  Busangot kong sagot at hinarap siya. Napakunot noo ako kasi bigla siyang tumawa na kahit walang nakakatama.

"Para ka namang bob* diyan bhie."  Mas lalo niya akong tinawanan.

"Aray!" Daing niya nang batukan ko siya bigla.

"Bakit last subject ka na pumasok?? Pumasok ka pa." Sabi ko sa kan'ya.

Hindk kami mag kaklase nitong kaibigan ko nalaman ko lang sa president nila.

"Pano mo naman nalaman 'yon?"  Taka niyang tanong at naglakad siya nang mabilis.

Gawain niya' yan para makalusot siya. Akala n'ya naman makakalusot siya sakin. Mabilis ko siyang hinabol at inakbayan.

"Oh siya, ichika mo na lang sa'kin kung ba't malas araw mo."  Excited niyang sabi habang hinatak ako at naghanap ng mauupuan. Nang makahanap kami mabilis kaming umupo.

"Habang naglalakad kasi ako papuntang school may bakulaw na lalaki na biglang nag busina ng motor nang sobrang lakas. Edi ako naman nagulat. Natapon ko pa 'yong sandwich na gawa ko. Ang nakakainis pa rito. Siya na nga' tong muntik makasagasa siya pa 'yong galit."  Bumabalik na naman inis ko kapag naaalala ko' yon.

"Oh tapos anong nangyari?"  Tanong ni Alexis habang nginangatngat ang kuko niya.

"Yon nagtalo kami sa daan. Ang nakakainis pa ron nagkasugat pa ako sa tuhod."  Inis kong sabi habang tinuro ko ang sugat ko.

"Nong na sa school na ako. May isang lalaki pang nakabunggo sakin sa hagdanan argh! !  Nakaka badtrip talaga!"  Nakakainis talaga.

Kahit tapos na talaga 'yon nanggagalaiti talaga ako.

"Yuui what if?" Sabay kaming natawa sa sinabi ni Alexis.

Isa pa 'to.

"Ayos na kasi." Sabi ko sa kan'ya at bigla siya umayos nang upo.

"Yong lalaking muntik na akong masagasaan. Nagulat ako bigla akong binuhat hanggang 4th floor kasi nga ika-ika–" Hindi ko natapos yung sasabihin ko nang bigla siyang tumili dahilan para hampasin ko siya.

Jusmeyo naman gabi na at na sa gilid pa kami ng kalsada mamaya saks*kin na lang kami bigla rito.

"True ba?? Hala?? What if siya talaga para sayo?" Kilig niyang sabi sakin. Napairap ako sa sinabi niya. Ang asim din nito ng kaibigan ko.

"Kadiri ka naman." Inirapan niya ako sa sinabi ko.

"At may isa pa."  Nanlaki ang mata niya at tinitigan ako sa mata na akala mo naghihintay ng candy.

"Yong lalaking nakabunggo ko sa hagdanan kaklase ko!" Nagulat siya sa sinabi ko.

"Ay ang taray mo sis ha."  Natatawa niyang sabi sakin.

"Kilala mo si ma'am Reyes?" Tanong ko sa kan'ya at tumango siya.

"Oo, teacher ko 'yon."  Sagot niya.

"Pinasagot kami sa blackboard kasi nakita niya kami ni Lucas na nagdadaldalan."  Tumawa nang sobrang lakas si Alexa bigla kong tinakpan ang bibig niya at bahagya siyang hinampas sa braso.

"Hoy ano ba?! Nakakahiya ka naman eh!"  Reklamo ko kay Alexis.

"First time mo 'yon ha? Teka?  Yung Lucas yung nakabunggo mo sa hagdanan?"  Tanong niya sakin at tumango ako.

"Malas ba 'yon?  Kasi kung ako ikaw isang malaking karangalan sakin yon." Biro niyang sabi.

Kahit kailan talaga 'to. May boyfriend na lahat lahat.

Maya-maya pa dumating na ang boyfriend ni Alexis kasi ihahatid siya sa bahay nila. Inaya pa nga akong sumabay sa kanila kaso tinanggihan ko. Bukod sa ayokong maging third wheel. Gusto ko rin muna mapag isa.

Nagkaroon lang kami ng kaunting usapan ni alexis kung ano nangyari sa buong araw namin.

Napatingin ako sa cellphone ko huminga ako nang malalim nang makita ko ang oras. 8:56 pm na.

Gusto ko ng umuwi kaso ayaw pa ng paa ko. Tumingin ako sa langit na puno ng bituin. Bigla ko na lang naalala na uuwi na naman akong mag isa. Walang kasama sa bahay. Bahagya kong pinunas ang luha ko at yumuko.

Kailan kaya babalik ang dating mama na nakilala ko noon?  Kailan ko kaya masisilayan yung totoong ngiti ni mama?  Kailan ko kaya muling mararanasan ang pagmamahal ni mama?

Simula nong namat*y si papa pati ang ate ko dahil sa motor accident. Biglang naging pariwa si mama. Binago niya nang sobra yong sarili niya to the point na naadik kakasugal. Halos hindi na umuuwi sa bahay. Umuwi man umaga na tapos aalis rin para magsugal ulit.

Alam kong masakit sa part ni mama na mahirap para sa kanya tanggapin lahat. Maski ako naman nahihirapan lalo na't sa nangyayari kay mama. Wala akong magawa hindi siya nakikinig sakin.

"Gabi na malamig na rito."  Napaangat ako ng tingin nang may isang lalaking biglang nagsalita. Nang maaninag ko ang mukha niya halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang makilala ko kung sino siya.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now