9

198 18 0
                                    

ZAMARA'S POV

Nataranta na ako nang sobra kasi mukhang hindi kami napansin ng librarian na nandito pa kami. Mukhang ni-lock na niya. Ilang beses pa naman nangyayari ito, lalo na't matanda pa 'yon at makakalimutin.

"Blake gising!" Sa wakas na gising narin si blake tumingin ulit ako sa orasan.

"8:45 pm na! Mukhang nasarahan pa tayo!" Natataranta kong sabi.

Buti na lang naligpit na ni Blake yung mga kinuha naming libro. Nagising na lang ako ang linis na ng table namin. Dumungaw ako sa bintana baka may guard na dumaan. Nabuhayan ako nang makita ko yung guard na panot na laging galit.

"Sir!" Taray hindi pala 'to binge narinig agad ako. Mabilis siyang pumunta sa pintuan para buksan iyon. Tinignan ko si Blake na tulala. P*tcha naman ngayon pa niya nagawang tumulala. Kinuha ko ang bag ko pati bag niya at hinatak si Blake palabas ng library.

"Thank you po sir." Pasasalamat ko sa guard namin.

"Bakit gantong oras nandyan pa kayo sa library? At talagang kayong dalawa lang? Kapag yan naulit pa guidance na abot n'yo." Sermon niya sa amin. Grabi talagang panot na 'to sabi sa inyo daig pa principal kung umasta.

"I-ito po kasing kasama–" Nahinto ako sa pagsasalita nang lumingon ako sa likod ko. Argh! Tinakasan ako ni Blake talagang iniwan ako mag isa rito!

Nag pa alam na ako sa guard para makauwi na agad. Nasermunan tuloy ako ng guard. Sus crush n'ya lang yung librarian kaya pinagtatanggol.

Nang makalabas ako ng school lumingga-linga ako sa paligid kaso wala akong nakitang kahit anino ni Blake. Susumpa ko talaga siya.

"Ang kapal ng mukha niyang iwan ako mag isa ron!!" Inis kong sabi at sinipa ang maliit na bato sa harapan ko. Ngumisi ako dahil na sa akin pa pala ang bag niya. Tignan natin kung sinong papasok bukas sa school na walang bag.

Akmang maglalakad na ako nang may biglang bumusina sa akin at nag salita.

"Sakay." Maikling sabi ng isang lalaki. Lumingon ako para tignan kung sino.

Hindi ko sana papansinin kaso bigla niyang binaba ang helmet niya. Si Blake lang pala. Bahagya akong napa atras nang makita ko ang motor.

Huwag ngayon Zamara please. Napahawak ako sa ulo ko nang bigla akong nakaramdam ng kirot, sa sobrang sakit halos mapaupo na ako.

"Zamara?!" Narinig ko ang boses ni Blake na nag aalala.

"Sorry nakalimutan ko." Mahina niyang sabi sa'kin at inalalayan ako.

Nang mahimasmasan ako pinarada muna ni Blake ang motor niya at nagmamadaling pinuntahan ako. Hinawakan ni Blake ang kamay ko at mukhang ihahatid ulit ako ni Blake.

Habang naglalakad kami ni isa samin walang kumikibo ni hindi ko rin maalis yung kamay ni Blake sa kamay ko. I feel safe with his hand. Para akong nanghihina sa nangyari kanina. Hindi naman ako naging ganto nong muntik na ako masagasaan ng lalaking ito.

Binitawan ni Blake ang kamah ko at inabutan ako ng tubig agad ko naman kinuha 'yon. Nauhaw  ba naman ako sa nerbyos.

"I'm sorry for what I did earlier." Nabinge ata ako. Si Blake nag sorry?  Pansin ko sa kan'ya kapag ganitong oras biglang bumabait si Blake. Baka aswang s'ya. Hala Zamara what if?

"I forgot about." Hinintay ko ang sunod na sasabihin ni Blake pero nginitian niya lang ako at kinuha niya ang bag ko.

Wala akong panahon para kulitinnsi Blake kung ano pinagsasabi niya. Hinawakan ulit ni Blake ang kamay ko at naglakad ulit kami. Sa wakas malapit na kami sa bahay namin.

"What's wrong? Is there any problem?" Tanong ni Blake sa'kin nang bigla akong huminto sa pag lalakad.

Mula sa malayo may naaaninag akong tao. Habang palapit na palapit kami, may kaba akong nararamdaman. Mukhang mali ata 'to.

Hindi ko pinansin si Blake na mukhang naguguluhan. Nang nasa tapat na kami ng bahay naabutan namin si kuya na nakasandal sa gate na hindi matimpla ang mukha habang si Lucas nginangatngat ang kuko. Kahit kailan parang isip bata 'tong si Lucas.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni kuya at nakatingin sa kamay namin ni Blake. Sinusubukan kong alisin ang pagkakahawak nya sa kamay ko pero masyadong makulit si Blake lalo lang talaga hinihigpitan.

Tinignan ko ng masama si Lucas pero ang sira*lo tumingin lang sakin na akala mo walang sinumbong kay kuya. Nag papa inosente pa ang abn*rmal.

"Good evening po, Zamara's boyfriend." Sabi ni Blake at hinawakan ang bewang ko.

Gulat na gulat si kuya sa narinig niya maliban kay Lucas na parang alam niya talaga.

"I told you Zavier I am not lying." Kampanteng sabi ni Lucas na titig na titig samin.

"K-kuya!"

"Zavier!"

Sigaw namin ni Lucas nang biglang kinweluyahan ni kuya si Blake. Mahinahon lang ang reaction ni Blake habang si kuya galit na galit.

"You still have a few minutes to take back what you said." Seryosong seryosong sabi ni kuya kay Blake.

Isa rin kasi itong si Blake napaka tarantado ginagawang biro lahat.

"Kuya tama na!" Hinila ni Lucas si kuya habang ako nasa gitna nilang dalawa ni Blake. Hinawakan ni Blake ang braso ko.

Pumiglas si kuya sa pagkakahawak ni Lucas sa kan'ya at tinalikuran kami.

"Pumasok na kayo, isama mo 'yang boyfriend mong kuno." Nagtinginan kaming tatlo sa sinabi ni kuya. Sumunod naman si Lucas kay kuya.

"Aray!" Daing ni Blake sa'kin nang bigla kong sinipa sa binti.

"Seryoso ka?! Pinapahamak mo ako! Paniguradong magagalit lalo si kuy–" Natigilan ako nang bigla akong hinalikan ni Blake.

"I'm willing to be your boyfriend." Natameme ako sa sinabi ni Blake.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba Zamara?! Dapat magalit ka bukod sa palaging sira ang araw mo kinuha pa niya ang first kiss mo!!

"Be my girlfriend, Zamara." Biglang namungay ang mata ni Blake na titig na titig sa akin.

Nagmamadali akong pumasok sa bahay naabutan ko si kuya na nag aasikaso ng hapunan namin.

"Oh? Na saan ang boyfriend mong kuno?" Sabi ni kuya na may hawak ng pinggan at tinaasan ako ng kilay.

Binaba ko ang bag ko sa sofa at lumapit sa kila kuya.

"Pinalayas–"

"I'm here." Napatingin kaming lahat sa may pintuan nang biglang nagsalita si Blake na palapit sa amin.

"English english ka pa kapag iyan ginamitan ko ng japanese languange ko tulo uhog niyan." Bulong ni kuya. Ayan na nagsisimula na magyabang hindi porke marunong mag japanese.

Nagsiupo na kami nang maihahin na nila kuya lahat ng pagkain.

"Hindi pa ba tayo kakain?" Tanong ko sa kanila kahit kinakabahan ako kay kuya.

Bakit ba ako kinakabahan dapat nga hindi ako apektado sa pinagsasabi ni Blake. Pero sinong hindi magiging apektado ron?

"Hintayin muna natin si mama." Sabi ni kuya habang titig na titig kay Blake. Yung tingin na parang pin*pat*y na niya itong kasama ko. Maya-maya pa lumabas na si mama mula sa kwarto niya at lumapit na sa amin. Nang makaupo na sa tabi ni Lucas si mama. Bali katapat ko si Lucas habang si Blake katapat si kuya.

"Ang seryoso niyo naman ata?" Takang tanong ni mama sa amin. Tumingin si mama kay kuya at tinuro ni kuya si Blake.

Nagulat si mama nang makita si Blake. Mag kakilala ba sila?? Yung mga tinginan kasi ni mama parang kilala niya si Blake.

"Parang kilala kita?" Nagtatakang sabi ni mama. Biglang kumunot noo si kuya at itong Lucas pasimpleng kumakain.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now