Robin: Please, message me as soon as you receive this. Nag-aalala na kami sa'yo.



Agad akong napabalikwas nang mabasa ko ang pangalan niya. She was there?



Bong: You met Sara?



Robin: PUCHA! Nagparamdam ka rin!



Bong: Saan kayo nagkita?



Robin: Sa 7/11 nga.



Bong: Anong sabi niya nung nagkita kayo?



Robin: Wala. Nag-tanguan lang kami. Ang tagal na rin nung huli kaming nagkita nun. 9 years? Hindi pa nga ako sigurado kung siya 'yun, kasi hindi ko namukhaan nung una." aniya. "Teka, bakit ba curious ka kay Sara?" dagdag pa niya.



Bumilis ang pagtibok ng puso ko. It's been years. It's been that long.



Bong: Saang 7/11?



Robin: Malapit sa bagong penthouse namin ni Mariel.



Napangiti ako.



Bong: Good.



Robin: Oh eh, kumusta ka naman dyan?



Bong: Pauwi na ako. I'm booking a flight home.



Robin: SERYOSO KA NA DYAN?



Bong: Yes, see you soon. I'll text you the details. Pick me up at the airport.



Robin: Gago ka. Si Sara lang pala magpapa-uwi sayo?!



Napatawa ako sa naging pahayag niya. Kaya kahit alam ko sa kaloob-looban ko na masaya ulit ako kailangan kong i-compose ang sarili.



"What about it?" nasabi ko nalang.



Sara's POV


Katatapos lang ng shift ko sa 7/11 at kasalakuyan akong naghahanda sa pagsundo sakin ni Christina, isa sa mga best friend ko, dahil pupunta kami sa apartment ni Mina dahil kauuwi niya lang din from her shift. She's a flight attendant and a business woman. She's fair and tall kaya maganda talaga siya. Christina is also a businesswoman.


"Guess kung sino passenger sa flight ko this week?" pagbubukas ni Mina ng topic habang kami ay kumakain ng chichirya sa sala.


Sabay kaming napakunot ng noo ni Tina.


"Si Robin ng Quatro Brigade tsaka yung artista niyang asawa, si Mariel."


"Ah okay." Nagtanguan kami ni Tina at pinagpatuloy ang pagkain.


"Wala lang, share ko lang, kasi madalang akong maka-tiyempo ng big artists sa domestic flight." masayang aniya.


Napahinto ako nang napagtanto sino yung tinutukoy niya. Robin..? AH!


"Ah!" I snapped kaya nagulat naman yung dalawa. "Nga pala, coincidence. Customer ko kanina si Robin." Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.


Remembering UsWhere stories live. Discover now