Prologue

23 2 0
                                    


......

Hi, my name is Ashly Montefalco.

I have a boyfriend named Sebastian, nagkakilala kami since highschool. Our love was like "from strangers to friends, from friends to lovers". Sabi nila 'yung mga ganito daw ay hindi nagtatagal dahil sinusundan ito ng " from lovers to strangers again".

Pero hindi ako naniwala doon, kasi halos matagal na kaming magka-relasyon. Marami na kami napagdaanan at nalampasan. Nagkaroon din kami ng di pagkaka-unawaan, pero 'lagi namin yun inaayos.

Malapit na 2nd anniversary namin, pero halos 'di kami nakakalabas dahil sa kaka-review para sa darating na exam, at pareho pa kami ga-graduate ng college, same year kami, course lang hindi.
......

Pag gising ko, agad ko siyang chinat, dahil ito 'yung araw kung kelan ang exam namin. Lagi kami sabay mag review kahit magkaiba ang nire-review namin, para pareho kami pumasa sa exam.
......

To:My luv

"Good morning luv, don't forget to eat breakfast" saad ko at agad naman siyang nagreply
"Good morning too lovey, eat ka na rin"
"Done na luv, ikaw? "
"Done na din. Good luck sa exam later lovey, galingan mo ha , iloveyou"
"Thanks luv, good luck too do your best. Sabay tayo pasok later ha, iloveyou too" pagtatapos ko.
......

Pagkatapos namin mag usap, agad na ako pumunta sa cr para maligo. Pagkatapos magbihis ay dumeretso na ako sa kusina para magluto ng almusal at baon na rin para sa school.
......

Pagkatapos ko kumain, bumalik na ako sa kwarto ko para magsuot ng uniform at mag-ayos ng mga gamit kasi small bag lang ang gagamitin ko or lets just say na exam bag, kasi kunti lang naman dadalhin ko para 'di masyado mabigat.

Habang nag aayos ako, ay biglang nagchat sakin ang boyfriend ko.
......

To:My luv

"Hi lovey, naka-prepare ka na? Papunta na ako"
"Done na luv, hinatayin nalang kita sa gate ha, ingat iloveyou"
"See you lovey mwaa" pagtatapos niya.
......

Pagdating namin sa school, naglakad na kami sa hallway para pumunta sa room namin, tutal magkalapit lang naman room namin kaya sabay kami pumapasok.
......

-Lunch break-

Agad ko pinuntahan si Sevi para tanungin if may baon siyang lunch, kasi nagdala ako ng extra kung sakali mang wala.

"Hi luv, may baon kang lunch? Tara sabay na tayo. "
"May dala ako, but umm...sorry lovey, kasabay ko kasi tropa ko eh, bukas nalang"
"Ayy, ganun ba, sayang naman, nagdala pa naman ako ng extra para hati tayo eh. Pero sige, eat well luv, pati sa mga kaibigan mo ingat. "
"Eat well too lovey ingat, bye bye. "

Pag-alis niya ay bumalik nalang ako sa room namin para kumain, tutal wala naman ako kasama pag sa cafeteria ako kumain.

Pag-upo ko palang ay bigla nalang tumabi ang kaibigan ko, sabay lapag sa hawak niyang baong pagkain.

"Oh bes, 'di mo yata kasama boyfriend mo" saad niya habang binubuksan ang baong pagkain.
"Kasama daw tropa eh, kaya di na ako sumama. " sabay subo ng pagkain.
" 'di ka sumama o 'di ka pinasama? " dahilan para tignan ko siya ng masama.

After namin mag usap tungkol dun, kumain nalang kami at nanahimik nalang.

Ayoko na din pag-usapan ang tungkol dun, kasi kilala ko si Sevi, 'di niya ako ipagpapalit sa tropa niya, maliban nalang kung may malalim siyang dahilan.
......

Pagkatapos ko kumain, binalik ko na sa bag ko yung lagayan at nagligpit sa study desk ko nang biglang nay sabihin ang kaibigan ko. Syempre chika yun, pero sinong tatanggi.

"Bes" pagtawag niya sakin at nginitian ko lang sabay sabing "what's the chika?" Pero halos hindi na mai-pinta ang mukha niya sa hindi ko maintindihang dahilan.

"Oh 'bat ganyan mukha mo, may nangyari ba?" Halos nag aalala siya ng makita kong napakaseryoso ng mukha niya.

"Bes, naalala mo ba si Jesica? Yung nagkagusto sa boyfriend mo 'nung highschool tayo?" Natahimik ako sa tanong niya na 'tila may mangyayaring di maganda.

"O-oo bakit? Anong meron?" Sagot ko.
"Nakita ko sila ni Sevi na magkasama kumain, at mukhang masaya sila." Bigla akong natahimik sa sinabi niya.

"Baka naman kamukha lang niya. Nakita mo ba ng harapan? Sigurado kaba ha?" Nag aalalang tanong ko.

Pero imposible, nasa ibang bansa si Jesica at halos dalawang taon palang sila doon. At ang pagkaka-alam ko ko doon daw siya sa States ga-graduate at baka doon na din siya magtrabaho tutal nandun rin ang negosyo nila.

Nakakapagtaka naman kasi, malapit na ang graduation 'saka pa siya umuwi, or baka tapos na siya maka-graduate at bumalik dito sa Pilipinas.

Pero ang inaalala ko, yung sinabi ni Kisha na magkasama raw sila. Natatakot ako na magbago ang lahat sa pagitan namin ni Sevi lalo na't nagkagusto din si Sevi kay Jesica noon bago pa kami magkakilala. Yes Jesica likes Sevi, kaya natatakot ako na maagaw niya ang boyfriend ko.
.....

Last period na ng exam namin, at umaasa ako na walang nagbago matapos ang lunch na yun. Ayoko man maniwala, pero kung totoo man, wag naman sana.

---

Habang naglalakad pauwi ng mag isa, dahil hindi ko kasama ang boyfriend ko, 'di talaga ako mapakali sa sinabi sakin ni Kisha. At para malaman ang totoo, kailangan ko kausapin si Sevi, kasi natatakot talaga ako maiwan. Alam niya ang nangyari sa nga past relationships ko or sabihin na natin na last relationship ko noon.

Dahil nag-aalala nga ako binilisan ko nalang ang paglalakad para maka-uwi na, pero habang naglalakad ako nakita ko yung kaibigan ni Sevi na may kausap na babae, at parang familiar siya, pero 'di ko maalala kung sino. Parang nakita ko na siya noong highschool, pero may pinagbago, kaya lalo ko pang binilisan ang paglalakad, muntik pa nga ako matisod sa kakamadali.
.....

Pag-uwi ko ay halos pagod na pagod ako kakalakad o parang tumatakbo na nga ako ng mabagal eh. Pag bukas ko ng cellphone ko ay may nakits akong message from unknown number kya binasa ko nalang, para malaman kung sino.

To:Unknown Number

"Hi Ashy, you miss me? ",hindi ko kilala kung sino ito, pero iba ang naramdaman ko habang binabasa ito.

"Sino toh? Kilala ba kita? " saad ko ng may pagtataka, pero hindi ito agad sumagot.
.....

Kakaiba yung pakiramdam ko, feel may mangyayaring 'di maganda. Siguro ililigo ko nalang toh, para naman mahimasmasan ako.
.....

Pagkatapos ko maligo, nagpatuyo na ako ng buhok para matulog kasi gabi na din kaya ko natuloy na kausapin si Sevi, kasi baka nagpapshinga din siya. Grabe naman kasi yung exam, mula umaga hanggang hapon, tapos hindi kami 'pede maglibang sa room or mag-cellphone man lang, pinapagalitan kasi kami, wala naman kasi magawa sa room, puro nalang tunganga, hayss buhay nga naman, napaka istrikto pa ng mga teacher namin.

Bukas ko nalang pupuntahan si Sevi para magtanong at itutulog ko muna toh.
__

Authors note.

Believe in yourself. If you want something do anything you can, base on my experience, hindi sa lahat ng pagkakataon magagawa natin lahat ng gusto natin, just like me. 2 years kong ginusto na maging writer, pero hindi ko magawa dahil din sa busyness, but now, I slowly following my dreams. Just believe in yourself and follow your dreams. Ang pangarap, hindi agad-agad natutupad, kailangan muna natin itong paghirapan at bigyan ng atensyon, para unti-unti natin itong matupad. Keep it up, work hard, you can do this!

--

The Journey of our Love StoryWhere stories live. Discover now