Chapter 29: Son's happiness

5.2K 114 4
                                    

Chapter 29: Son's happiness

~~~

"What do you mean he threatened you Kc?" Tanong ni Elaina kay Kc ng mapag-isa sila.

"H-he said na gagawin niyang miserable ang buhay namin ni Carl. I'm sorry Elaina you're my friend but I love Carl so much." Wika nito sa kanya. Tumango-tango siya at nginitian ang kaibigan.

"I'm sorry kung nagalit ako kanina sayo. I understand okay." Wika niya dito pagkatapos ay yinakap niya ang kaibigan.

"Pupuntahan ko lang sila." Wika niya pagkatapos ay lumabas sa kwarto ng kausap. Hindi siya pwedeng magalit kay Kc dahil kung tutuusin marami na itong nagaw para sa kanya.

Naabutan niya ang dalawa na nag-uusap sa sala. Nang makita siya ng mga ito ay tumigil din ito sa kung ano ang pinag-uusapan nito.

Tumayo na si Dagon at hinalikan sa noo ang anak.

"I'll leave for now Nyro. I promised I'll be back." Wika nito sa anak niya.

"Opo papa." Sagot ng anak niya na halatang malungkot ng magpaalam ang ama.

Bigla siyang nagulat at natigilan ng yakapin din siya ni Dagon.

"Mag-isip kana. It's either you come to me together with Nyro or kukunin ko siya sayo." Bulong nito sa tenga niya at hinalikan pa siya sa pisngi.

Nakalabas na ito ng bahay pero hindi parin siya nawala sa pagkakatayo sa parteng iyon ng sala. Bigla siyang nanghina. She don't know. Pero ang alam niya lang ay wala na siyang choice sa ngayon.

---

Maaga siyang pumasok sa kompanya dahil sa blueprint na hindi niya pa natatapos. May deadline iyon kaya kailangan niyang pag-igihan.

Nang makarating sa kompanya ay agad-agad siyang nagtungo sa opisina niya at sinimulan ang gagawing desinyo.

Tutok na tutok siya sa ginagawa kaya hindi niya namalayan ang pagpasok ni Dagon. Nag-angat lang siya ng tingin ng tumikhim ito, matiim itong nakakatitig sa kanya hanggang sa umupo ito sa sofa na kaharap ng working desk niya.

"What can I do for you sir?" Tanong niya rito kahit nakaramdam na naman siya ng pagkairita dito.

"O' Tsk. formality? I'm just here to ask you kung ano na ang desisyon mo?"  Tanong nito sa kanya.

"What decision?" Nagmamaangan na tanong niya tsaka ibinalik ang tingin sa ginagawa. Ofcourse she know what this demon is talking!

"Wag kang magtanga-tangahan Elaina as if hindi mo alam. You know what exactly I'm talking about. I need your decision now!" Inis na wika nito.

"We will never be together Sir? So please stop planning things. Dahil hindi mo kami makukuha ng anak ko." Mariin niyang sagot.

"So it seems that you doesn't understand what I told you yesterday, pack Nyro's things later and I'm going to get him. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin kaya wag ka nang magtangkang itakas sa akin ang anak ko." Mariing sabi nito tsaka siya iniwan na naghihina sa loob ng kanyang opisina. Anong mangyayari sa kanilang mag-ina? Alam niyang wala na siyang kalaban-laban dito.

---

Nang matapos ang trabaho ay nagmadali siya sa pag-uwi, maraming bagay ang tumatakbo sa isip niya. What if wala na si Nyro sa bahay nila? What if kinuha na ito ni Dagon?

Agad siyang kumatok ganun na lamang ang relief na naramdaman niya ng makita na ang anak ang nagbukas ng pintuan para sa kanya.

"Mama!" Masayang wika nito, yumuko siya para maglevel ang height nila atsaka niya ito niyakap ng mahigpit. Hindi niya namalayan ang pagtulo ng luha niya kaya naman nakita ito ng anak niya ng kunalas ito sa yakapan nila.

"What's wrong mama? May umaway po ba sayo???" Tanong nito, ramdam niya ang galit sa tono nito.

"No baby, wala na-miss kita e'" wika niya atsaka kinarga ang anak sa loob ng kwarto nila.

"Miss din kita Mama, pero diba kanina lang ikaw umalis?" Tanong nito ng maupo sila sa ibabaw ng kama.

"Oo nga, pero anong magagawa mo na-miss kita e!" Sabi niya at kiniliti ito sa bewang. Rinig niya ang hagikhik niyo.

Lumapit siya sa may closet at naglabas ng maleta doon. Binuksan niya ito at inumpisang eempake ang mga gamit ni Nyro.

"Sa'n tayo pupunta Mama?" Tanong nito hababg nakatingin sa mga damit na eni-empake niya.

"Sa papa." Tipid niyang sagot. Nakita niya ang pagningning ng mga mata nito at paglapad ng ngiti.

"Talaga?! Yes! Makakasama ko na si Papa my complete family na ako." Masayang bulalas nito.

She decided to go with him and follow what Dagon say dahil alam niyang wala siyang laban sa lalaki and it's for her son's happiness.

---

Sorry for errors.

Trapped with HimOnde histórias criam vida. Descubra agora