CHAPTER 2

5 1 0
                                    


"Class dismissed"

Kakatapos lang ng klase namin sa marketing at hanggang ngayon hindi pa rin maalis-alis sa isipan ko ang lalaking bumangga saakin sa corridor. Base sa uniform niya college of architecture ang course niya. Archi pala siya. Wow.

"Cana, are you okay? Kanina ka pa nag-s-space out.." nag-a-alalang tanong ni Frida na nagpabalik din saakin sa reyalidad.

"Yes, I'm fine. By the way Frida, do you perhaps know someone sa architecture department?" Nagbabasakali kong tanong Kay Frida.

"Speaking of architecture, I have to stop by pala sa department nila. Remember Celine? I asked her a little favor. What about architecture tho?" sambit ni Frida.

"Nothing naman. You're going sa archi dept?" Tanong ko

"Uhm, yeah... you can wait me naman here if tired ka na." sagot ni Frida na tinanggihan ko.

"NO! I'm not tired...yet..." kinakabahan kong sagot sa mapag-usisang mata ni Frida. Knowing Frida, alam na niya na may tinatago akong sikreto.

"Spill it."

"Spill what?" Nagkukunwari kong tanong kahit batid ko na ang nais niyang sabihin ko.

"Come on, Cana! You're acting very weird. Plus Hindi ka naman ganito ka-excited whenever we go sa archi." Nakakunot na tanong ni Frida.

"Alright, alright. I wanna know more about sa guy na nakabangga ko kanina sa corridor" pagsuko ko

"Ooh, the guy named... what again... ooh Mason!" halos pasigaw niyang sabi kaya halos itago ko na aking mukha sa hiya kaya't agad ko siyang niyaya umalis.

***************************
Pagkarating namin sa architecture department agad hinanap ni Frida si Celine. Habang ang mga mata ko ay palinga-linga nagbabasakaling makita ang lalaking gumugulo sa isipan ko.

"Frida! Cana!" sabay kaming napalingon ni Frida sa babaeng parating dito. Si Celine pala. Nakita kong may inabot siyang Chanel paper bag Kay Frida kaya't nagninggning ang kanyang mga mata. Habang kami ay nagkukwentuhan may malakas na sigaw ang pumukaw ng atensyon ko.

"Aye Mason!" Sigaw ng isang lalaki na batid ko ay isang atleta.

Awtomatiko akong napalingon sa lalaking tinawag niya. At doon ko rin nakita ang lalaking gumugulo sa aking isipan.Nanitiling walang emosyon ang kanyang mukha kahit nakikipagusap sa varsity. Varsity din kaya siya? Hindi maipagkakaila na siya ay isang atleta. Malaki ang kanyang pangangatawan. At nasa 6'2 ata ang kanyang height.

"Cana, tumutulo laway mo." Pangaasar ni frida. Agad kong dinakma ang aking labi at wala naman akong naramdaman. Awtomatiko akong tumingin kay Frida na ngayon ay tawang-tawa. Habang si Celine naman ay halatang nagtataka.

"Ikaw naman kasi sobrang halata. If you're gonna make titig make sure na walang makakakita sayo." Conyo niyang pagsabi.

"What's happening? You like Mason, Cana?" Nagtatakang tanong ni Celine.

"Celine, Celine, obvious naman. Now tell us, what do you know about that guy."nakangising sabi ni frida. Hindi ko na iyon tinutulan dahil naiintriga rin akong malaman sino siya.

"He's Alarick Mason Aragon. 21 years old. Scholar. I think nagpapart-time siya as a barista. Rank 1. Sobrang talino niya like super legit. First to pass his plates then siya rin yung highest scorer. No doubt, he'll graduate as summa cum laude. Other than being mysterious and cold, wala nako masyadong alam sakanya." pagkukuwento ni Celine. Mas lalo lang akong naintriga kay mason.

"Wala ba siyang friends? Or girlfriend?" tanong ni frida. Agad akong lumingon kay Celine inaasahan ang kanyang sagot.

"Mhmm, in terms of friends, I think he has one. Si Riguel. Scholar din siya. Wala naman ata siyang girlfriend. No one would dare to mess up with him. Isang tingin lang niya mahihimatay ka na sa takot." sagot ni Celine

"Is he an athlete?" Tanong ko. Base sa katawan niya Pasadong-Pasado siya maging atleta.

"I don't think so. Pero, I think he's playing basketball and chess. Hobby Siguro?" Patanong na sagot ni Celine

"Well, considering his physique he can slay any sport." That's true. He can play any sports kung gugustuhin niya add mo pa na he's very smart. Madali lang niya mauutakan ang kalaban niya.

Napatingin ako sa orasan ko, patapos na pala ang break time namin. Agad kaming nagpaalam Kay Celine. Medyo Malayo-layo ang archi dept sa business ad. Dali-Dali kaming naglakad ngunit sa pagmamadali may nagbunggo akong lalaki na sanhi ng pagkahulog ng mga libro ko.

Anak ng tokwa. Late na nga eh

Ang hindi ko inaasahan ay...

"Watch where you're going, you keep on falling whenever we meet."

Shems.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reach the DiamondWhere stories live. Discover now