CHAPTER 1

10 1 0
                                    




"Cana gising na, papasok ka na"

AGAD akong napatayo ng marinig ko ang boses ni Manang. 6:00 am na pala, kailangan ko nang mag-ayos. Growing up, marami na ang ekspektasyon na nakapalibot saakin. I can't afford to disappoint my parents kaya I always do my best to live up to their expectations.

I quickly got up and took a bath. Sinuot ko ang school uniform namin. Black Blazer and skirt na hindi umaabot sa tuhod ko. I applied light makeup and wore my favorite perfume. Lipgloss and blush lang naman ang ina-apply ko. Hindi kasi ako mahilig sa mabibigat na makeup. Plus, as much as possible I'd like to keep my face natural. After finishing my routine, I went down to eat breakfast. Kung sinasakto nga naman...

"Cana, come and join us for breakfast" sambit ni Mommy. Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod sa dining area.

"Good morning po" sambit ko sabay halik sakanilang pisngi.

"How are your grades? Nabalitaan ko may school event daw Kayo?" nakakunot na tanong ni daddy.

"My grades are fine. Part pa rin naman po ako ng dean's list, Dad. And about the event, foundation day po ng school next week" tugon ko. Halos lumabas na ang puso ko bawat magsasalita si daddy. Totoo naman, Hindi man ako ganon kasipag but I still manage my time wisely. From my freshman years, I'm a consistent dean's lister which is something I'm very proud of. Hindi kaya biro ang college especially with my course, business ad.

"You must get that laude, Cana. We have high expectations of you. Sayo nakasalalay ang future ng Sandoval Corp. Pinaghirapan ito ng mga ninuno natin. Don't disappoint us." pagpapaalala ni dad na sinang ayunan din naman ni mommy.

"Yes, I will. But I have to go na po. I have an 8:00 am class." pagpapaalam ko sabay beso sakanilang pisngi. I was born with a silver spoon in my mouth. Akala ko magiging madali na ang buhay ko, Hindi pala. High expectations, Big Responsibilities, bata pa lang ako nakasulat na sa libro ang kinabukasan ko. My course, how the way I act, my likes and even my dislikes are influenced by my parents. I'm not blaming them. From the very beginning, It's my choice to follow them. The desire to make my parents proud is the sole reason why I continued this path.

***********************************

Sinalubong ako ng sariwang hangin karating ko sa eskwelahan. De La Sagrada. It is a prestigious school where all the elite kids study. Hindi madali Ang makapasok sa eskwelahan na ito. It's either sobrang yaman ng pamilya niyo or sobrang talino mo pero bihira lang ang makakuha ng scholarship sa eskwelahang ito.

"Cana!" nagulat ako ng tawagin ako ni Frida, Ang best friend ko. Galing din siya sa isang mayamang pamilya. They own a clothing line.

"Frida! I missed you! How's Japan?" pangangamusta ko, galing kasi ang pamilya niya sa Japan.

"Japan is great! I brought you pasalubong!" sabi niya na ikinatuwa ko. Inabot niya ang isang Dior paper bag. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang Dior Bag.

"This is so beautiful! Thank you so much, Frida!" Hilig ko rin kasi ang mangolekta ng mga designer bags kaya sobrang tuwa ko kapag nakakatanggap ako ng mga bags. She gave me the 30 Montaigne east-west Dior bag. Frida has a nice taste when it comes to bags or clothes that's why their line of business matches her well.

"I knew you would love it! Considering your obsession with bags! But we have to go na, it's almost time na pala." Agad akong napatingin sa aking orasan. 10 mins nalang pala bago mag-umpisa ang klase namin. Niyaya ko na siya pumunta sa classroom namin. Buti nalang at malapit lang ang classroom namin, 3-minute walk lang ang kakailanganin.

Tanaw ko na ang classroom namin pero habang papalapit ay bigla akong natumba sa laki ng katawan ng bumangga saakin. Rinig ko ang pag-aalala ni Frida ngunit iba ang nakakuha ng aking pansin. Isang lalaki na kulay tsokolate ang buhok, kayumanggi ang balat, matangos ang kanyang ilong at defined ang kanyang jaw line. He has almond eyes which made him look more masculine.

"I'm sorry" baritono niyang sabi. Hindi pa man ako nakakasagot ng biglang may tumawag sakaniya.

"Mason, Tara na!" pagmamadali sakaniya kaya't mabilis siyang tumakbo papalayo.

Mason. Huh.

Reach the DiamondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon