SUE Confession #1

2.8K 98 12
                                    

Si Ateng Dancer ng Engineering

Sa lahat na ata ng dancers na babaeng napanood ko, ikaw lang at si Chachi ang nagustuhan ko. Ang astig mo lang lalo na kapag nagfi-freestyle ka. Ang astig mo din pumorma. Sana maging kaibigan kita. Kaso hindi naman matanggal ang torpe ko. Ate, wag kang tumigil sa pagsasayaw. Ang galing mo, sobra!

From: 2nd year, M, Architecture

Posted.

Pagkatapos, ini-minimize ko yung Facebook tab. Ngayong araw na to, 21 na ang nagsend ng confession sa dropbox ko. Araw-araw, hindi bababa sa sampu ang nagsesend sakin. Marami talaga sa campus namin ang torpe at mahilig magtago ng feelings nila para sa isang tao. Minsan unfair kasi kahit gusto mong malaman kung sino ba yung nagconfess ng feelings sayo, hindi mo malalaman kasi anonymous lang siya at hiindi pwedeng ilantad ang identity. Pwera lang kung siya mismo ang lalapit sayo at aamin.

Na malabong mangyari kasi bakit pa nga ba naman nila kailangan pang i-submit sakin ang confession nila kung kaya naman nilang sabihin pala sa personal? Pahanga lang?

Ang confessions ang kasangga ng mga taong walang lakas ng loob na umamin sa taong gusto nila. At the same time, ginagawa lang ding laro ng iba. Yung iba kasi minsan, nakakatanggap sila ng tatlo o apat na confessions sa kanila sa isang araw lang. Hindi mo alam kung siya ba mismo yung nagsa-submit ng confession para lang masabing sweetheart o heartthrob siya o kaya naman napagkakatuwaan lang ng ibang estudyante. Anyway, that's none of my business.

Ako lang ang taga-tanggap at taga-post ng confessions ng mga estudyante samin. It was so unlikely for a timid and taciturn girl like me to put up such page. Wala naman qualifications sa pagiging isang confession page admin, diba?

Ito ang naging routine ko araw-araw: ang magbasa ng confession ng iba para sa ibang estudyante ng unibersidad namin. Nakakaaliw din. Pampalipas-oras. Nakakatawa yung mga "confession gone wrong" na sina-submit nung iba. Nakakakilig din yung mga sinasabi ng mga nagko-confess sa crush nila. Mapapatango ka nalang sa mga reklamo at komento ng mga estudyante sa mga professors, subjects, grading system, presyo ng bilihin sa canteen, maduming CR, masungit na guard at kung ano-ano pa.

It all started just for fun, until my Santillan University Exposed became a major thing in our university. The funner part is that, no one knows I'm the handler.

Ilang beses nilang sinubukang hulaan kung sino ang admin pero walang nagtagumpay. I'm the least person they would expect to become its handler.

Ang gago kong boyfriend

Tngna ka talaga, Mark Johnson! Pagkatapos ng ilang taon nating pagsasama, pagkatapos kong ibigay sayo lahat, ako pa rin ang aakusahan mong nagtataksil sayo? Kailan ako tumingin sa ibang lalaki? Kailangan ako nakipagtext sa ibang lalaki? Kailan ako nakipag-sex sa ibang lalaki? Kahit kailan, hindi nangyari yun! Sayo lang. Sayo lang ako tumitingin, nakikipagtext... Lahat na nga sayo eh! Tapos nakita mo lang na inakbayan ako ng kaklase kong lalaki, nakipagbreak ka na agad sakin? Ptngna mo talaga! Wag na wag kang magpapakita sakin. Fck you!

From: Ex-girlfriend mong papatay sayo pag nakita ka hayop ka

Minsan, yung confessions na sinesend sakin, nagli-live up sa pangalan ng page ko: Exposed. Yung iba, kahit kaya naman nilang sabihin nang harapan sa taong kinaiinisan nila, dinadaan nila sa confessions na to para malaman ng maraming tao. Sometimes, I pity those people who got themselves exposed. Sometimes, I don't because they just deserve it.

ANG JAEKO HERALD PANDELA NG BUHAY KO

Title pa lang, natigilan na ako. Pang-apat na beses na sa araw na to na may nag-confess kay Jaeko. Kung pwede lang i-delete para hindi niya malaman dahil baka ito pa ang maging tulay ng lovelife niya, ginawa ko na. Kaso kapag ginawa ko yun, magtatanong yung nag-confess kung bakit hindi pa rin napo-post yung confession niya.

Campus ConfessionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon