WHO IS JESUS TO YOU

Comenzar desde el principio
                                    

>Hesus ay huling propheta ng Diyos kung saan siya lamang ang nakakakita at nakakarinig sa Diyos.

>Kung paano si Moses bilang isang propheta nakikipag usap sa Diyos ng harapan, Ganun din ang Panginoon, siya lamang ang nakakakilala at nakakita sa ating Diyos Ama.

> ang propheta ay nagpapahayag ng salita ng Diyos. means, nagsasalita ang Diyos sa propheta at sinasabi naman ng propheta ang mga salita ng Diyos.

John 17: 7- 8: “Alam na nila na ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo; dahil ibinigay ko sa kanila ang mga salitang ibinigay mo sa akin, at tinanggap nila. Natitiyak nilang ako'y tunay na galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.

>Malinaw na ang Panginoon Hesus ay kumikilos bilang isang propheta ng Diyos.

>Naniniwala tayo na ang lahat ng mensahe ni Hesus ay galing talaga sa tunay na Diyos. sapagkat siya ay propheta ng tunay na Diyos.

Conclusion

Ang ating Panginoon Hesus ay huling propheta ng Diyos! maliban sa kanya wala ng sumunod o susunod na propheta magmumula sa Diyos.

Tapos ng ipinahayag ng Panginoon ang lahat ng mensahe ng Diyos para sa atin. Kaya mahalaga na nag babasa tayo ng bible. Upang masunod natin ang lahat ng mensahe na ibinigay sa atin ng Diyos.

Kaya kung may magsasabi na siya ang huling propheta ng Diyos wag kayong maniniwla. Tulad ni quibuloy sinasabi ninya na siya si Jesus at huling propheta ng Diyos. tulad ng muslim: sinasabi nila si Mohammad ang huling propheta ng Diyos. hindi po iyon totoo dahil bago si Mohammad isinilang naisulat na ang huling aklat ng Diyos “Revelation o kapahayagan.”

Pangalawang kapahayagan ng pagiging Kristo ni Hesus!

II. Jesus is the King <Si Jesus ay Hari>

What is King? Siya ay may kadakilaan at kapangyarihan sa lahat ng kanyang nasasakupan.

“Ang salita ng Hari ay hindi kayang baliin”

Hindi matatawag ang isang tao na King kung siya ay walang nasasakupan!

Pero ang ating Panginoon ay may nasasakupan at tayo ay kanyang pinamamahalaan.

John 18:36 “Sumagot si Jesus, “Ang kaharian ko'y hindi sa sanlibutang ito. Kung sa sanlibutang ito ang aking kaharian, ipinaglaban sana ako ng aking mga tauhan upang hindi maipagkanulo sa mga Judio. Ngunit hindi mula sa sanlibutang ito ang aking kaharian!”

Revelaton 17:14 “Makikidigma sila laban sa Kordero ngunit tatalunin sila ng Kordero, sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari. Kasama niya sa tagumpay ang kanyang mga tinawag, pinili, at tapat na tagasunod.”

Ephesians 1:20 -21 ang muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa kalangitan. 21 Mula roon ay namumuno si Cristo sa lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating.

*Ang physical na kaharian ng Panginoon ay darating kasama ng kanyang pagbabalik sa mundo. Subalit, kahit na wala pa ang physical kingdom tayo ay pinaghaharian na ng Diyos.

*ang mga utos ng Panginoon ay nagpapatunay na siya ay kumikilos bilang dakilang Hari sa atin.

Kaya kung hindi tayo susunod sa mga utos ng ating Hari, tayo ay parurusahan o didisciplinahin ng ating Panginoon. dahil ang “Salita o utos ng Hari ay hindi mababali”

So, maliwanag na ang ating Panginoon ay Propheta at Hari,

Pangatlong kapahayagan ng pagiging Kristo ni Hesus!

III. Jesus is the High Priest (Punong Pari)

What is priest? Taong naglilingkod sa Diyos.

 *kung ang gampanin ng propheta ay magpahayag ng salita ng Diyos, ang gampanin ng High priest ay mamagitan sa kasalanan ng tao sa Diyos.

*Ang High Priest ang nakikipag sunod sa Diyos upang patawarin ang mga tao sa kanilang kasalanan.

*In Old Testament araw araw kinakailangan ng high priest mag handog sa Diyos sa bawat taong nagkakasala.

>Kung ang Israel ay mahigit hundred thousand, bawat isa doon kailangan niyang mag alay ng handog sa Diyos para patawarin ang kanilang mga kasalanan.

Pero hindi ganun ang pagiging high priest ng ating Panginoon. hindi siya araw araw na naghahandog sa Diyos. kundi ginawa niyang isang besis ang paghahandog para patawarin ang kasalanan ng tao.

Hebreo 7: 27 “Hindi siya katulad ng ibang mga pinakapunong pari na kailangan pang mag-alay ng mga handog araw-araw, una'y para sa sarili nilang kasalanan, at pagkatapos, para sa kasalanan ng mga tao. Minsan lamang naghandog si Jesus, at ito'y pangmagpakailanman, nang ihandog niya ang kanyang sarili.”

Nagkaroon tayo ng pinaka perfectong pari kung saan naging taga-pagmagitan ng tao at ng Diyos.

<Pinagkakasundo ang nag-aaway ayon sa kasulatan>

Hebreo 6:20 “Si Jesus ay naunang pumasok doon alang-alang sa atin, at naging Pinakapunong Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

<Melquisedec is the King and high priest of Salem (Jerusalem) “king of righteousness” >

Awit 110:4 “Si Yahweh ay may pangako at ang kanyang sinabi, hinding-hindi magbabago: “Ikaw ay pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”

Hebrews 2: 14-15 “Kaya nga, magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong Dakilang Pinakapunong Pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Diyos. Siya'y walang iba kundi si Jesus na Anak ng Diyos. 15 Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala.

Bakit kailangan ng Panginoon magtiis ng hirap sa lahat ng tukso?

Hebreo 5:8-10 “Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutunan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. At nang siya'y maging ganap, siya ang naging sanhi upang magkamit ng walang hanggang kaligtasan ang lahat ng mga masunurin sa kanya. 10 Ginawa siya ng Diyos na Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

Nagtiis siya sa lahat ng tukso para maging ganap na Pinunong Pari

Hebreo 7: 27 “Hindi siya katulad ng ibang mga pinakapunong pari na kailangan pang mag-alay ng mga handog araw-araw, una'y para sa sarili nilang kasalanan, at pagkatapos, para sa kasalanan ng mga tao.

Yung mga naunang high priest lagi silang nagkakasala araw araw. Hindi katulad ng ating Panginoon.

Hebreo 2:15 “Ang ating Pinakapunong Paring ito ay nakakaunawa sa ating mga kahinaan sapagkat tulad natin, tinukso siya sa lahat ng paraan, subalit kailanma'y hindi siya nagkasala.”

Alam ng Panginoon lahat ng ating kahinaan, pero nagbigay siya ng halimba na kailangan magtiis para mapagtagumpayan ang ating kahinaan.

Review:

Who is Jesus you? He is the Christ

i.                Siya ay huling propheta

ii.              Siya ay dakilang hari

iii.             Siya ay Pinaka-pinunong Pari

Ginampanan ng ating Panginoon ang tatlong gampanin na ito upang tayo ay magkaroon ng perpektong relasyon sa Diyos na hindi gawa ng tao kundi gawa mismo ng Diyos.

Kaya kapag may nagtanung sa atin, sino si Jesus, ang isasagot natin SIYA ANG KRISTO, at may tatlong kapahayagan ang salitang Kristo, bilang Propheta, Dakilang Hari at Pari magpakailanman…

I believed, na ano man ang hinaharap mo o haharapin natin in the future. Alalahanin natin palagi ang tatlong kapahayagan ng Panginoon. matutugunan ang bagay na kinakailangan natin. Amen.

Question: Alin sa tatlong kapahayagan ng pagiging Kristo ni Hesus ang nagbigay pansin sayo ngayon at bakit?

GO PREACH: TAGALOG SERMONSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora