Hays, umagang umaga umaatake yung kasamaan nya.

Merk

We still have 1 day bago bumalik sa city and I can't wait na bumalik ulit ron at tuluyan ng mag move on.

Sa ngayon... hahayaan ko munang masaktan ang sarili kong nakatingin sa babaeng mahal ko na masayang kasama ang iba.

I clench my chest when I saw how happy she is together with calliopi.

Kasalukuyan silang nagtatampisaw sa tubig habang nagtatawanan at nag aasaran. Hindi ko pa talaga nakita si ave na ganyang kasaya. Kapag kasama nya si calli palagi... hindi nawawala ang kasiyahan sa mga mata nya.

*sigh*

Kaya nga napag desisyonan kong isama sya dito kasi sobrang lungkot nya nang hindi man lang nya ma kontak si calli ng  dalawang araw. Sobrang nag aalala sya to the point na kinukulit nya yung mga friends ni calli na hindi rin naman alam kung nasan sya. Kaya nong malaman ko kay sister na nandito si calli, sinabihan ko kaagad sya. Kaya ayun, pagdating nya dito parang biglang nawala na parang bula yung pagkalungkot nya at napalitan ng excitement.

Dito ko lang napagtanto kung gaano nya kamahal si calli. At dito mas naging buo ang desisyon kong itigil na ang nararamdaman para sa kanya. Mahal nya talaga eh, wala akong laban dyan.

Kaya kahit masakit, tinitiis ko ang mga nakikita ko ngayon lalo na kagabi na sabay sabay kaming nag inoman. Fvck. Ramdam ko ang sarap ng pagmamahal ni ave nong binantayan at inalagaan nya kagabi si calli na lasing na lasing. 

I wish I was her..

Nabalik ako sa reyalidad nang makarinig ng tunog ng can.

I looked to my side and saw my sister looking at ave and calli's direction while clenching the can that she was holding.

Sa kanya pala galing yun!

Ano kaya problema nya? Bakit para naman syang galit?

She throw the can bago pumasok ulit sa loob habang kunot noo ko naman itong sinundan ng tingin.

Meisi

Lumabas na ako ng kwarto ni lolo matapos ko syang makausap. Nandito narin naman ang private doctor ni lolo na si Doc Monverde na daddy ni calliopi kaya mas minabuti kong umalis muna.

Sa ngayon umo-ok na ang pakiramdam ni lolo di katulad nong nakaraan. I'm grateful that Doc Monverde helped him a lot to get better. Hindi lang basta bastang pagpapagamot ang ginagawa nya kundi pati narin ang pagpapagaan ng pakiramdam ni lolo. Yan din ang sinabi ni lolo sakin nang mag kwento sya. Lolo also said he never left by his side and really took care of him.

No doubt that he's one of the best doctor.

"Ma'am, eto na po." Kinuha ko ang medyo hindi kalakihang kahon mula kay yaya nimfa.

"Thanks, yaya."

Tumalikod na ako at naglakad na bitbit ang kahon. May laman itong meat and drinks. I was planing to visit my tree house and stay there for a while to relax.

I built my tree house on the forest when I was only thirteen. Nong dito palang ako pansamantalang tumira sa isla.

No one knows it yet including my two brothers. Only yaya nimfa knows it at sya pa nga mismo yung palaging naglilinis don kapag wala ako. Paminsan minsan naman pinapa renovate ko yung tree house sa mga workers para hindi naman tuluyang masira.

Mabuti nalang wala ng sagabal ngayon at makakapunta na ako don ng matiwasay. Umalis na kasi kahapon si dricko pati na mga pinsan ko at sina aunte at uncle. The very good thing is, saviel and kelly also left dahil sa naiwan pa nilang mga trabaho. Thank God, hindi ko na kailangang makipag plastikan sa kanilang lahat.

Never ThoughtWhere stories live. Discover now