ACAN DISOBEYED GOD

Start from the beginning
                                    

Pinagsabihan na sila, na kapag hindi nila sinunod ang Diyos, sila o siya ay magiging sanhi ng kapahamakan sa kanilang boung lahi.

Ito yung problema mga kapatid.

We can apply this in our church today.

Para maging bahagi tayo ng ikalalago ng ating simbahan, lahat tayo na naririto ay dapat matotoong sumunod sa Panginoon.

Wag nyo isipin na hindi kayo mahalaga, at sasabihin na “ok lang magkasala, hindi sumunod, ako lang naman maapektuhan”

No… wala itong pagkakaiba sa ginawa ni Acan, dahil sa kanyang pagsuway, nagdulot ito ng malaking kapahamakan sa Israel.

I’m not saying that you are special. You are God’s people

B.                                        Acan desires the things belongs to God

Verse 20 Sumagot si Acan “totoo pong nagkasala ako kay Yahweh, ang Dios ng Israel. 21 sa mga bagay na nasansam ko sa Jerico..

Kaya nagkasala si Eva, dahil nagkaroon siya ng pagnanais sa mga bagay na para sa Dios lamang. Noong maranig ni Eva na kapag kinain nya ang bungang pinagbabawal ay magiging tulad siya ng Dios.

Kaya namatay si Ananias at Safira sapagkat kinuha nila ang mga bagay na ipinangako nila para sa Dios.

Dapat maunawaan natin kung ano mga bagay na para sa atin at kung ano ang mga bagay na para sa Dios.

Sabi ng Panginoon, ibigay ang kay Cesar na para kay Cesar, at ibigay sa Dios ang para sa Dios.

Kung may mga bagay na tinuring ng Dios na kanya, ay dapat ibigay natin sa kanya.

Example,

Sinabi ng Dios sa book of Malachi, ang 10% sa kabouhang kita o nakamtan ay tinuturing ng Dios na kanya.

Kung may mga bagay na itinuturing ang Dios na kanya, ibigay natin na may katapatan sa kanya.

Kung may mga pinangako naman tayo sa Diyos, tuparin natin para sa kanya.

In order word, wag natin pagnasahan ang mga bagay na itinuring ng Dios na kanya.

At hindi natin ito magiging problema…

II.             Lesson from The result.

A.    Wrath and Destruction

Verse 12 Iyan ang dahilan kaya sila natalo ng kanilang kaaway. Natakot sila sapagkat sila rin ay dapat lipunin.

Dahil sa disobedience ni Acan, ito ay nag dulot ng kamatayan sa mga sundalo ng Israel.

Means, ganito kabigat ang mararanasan ng tao kung siya ay hindi sumusunod sa Panginoon.

Ito ay katulad sa ginawa ni Adan,

(Acan and Adan halos walang pagkakaiba ang kanilang pangalan)

 noong siya ay mag disobey sa Diyos. Ito ay nagdulot ng kamatayan sa buong mundo.

Hindi lang sa boung Israel kundi maging sa pamilya ni Acan, ito ay nagdulot ng kawasakan.

Verse 15 ang kakitaan ng mga bagay na ipinag-utos kong wasakin ay siyang ihahagis sa apoy, kasama ang kanyang sambahayanan at mga ari-arian, sapagkat hindi niya iginalang ang kasunduang ibinigay ko sa kanila at nag dulot siya ng napakalaking kahihiyan sa boung Israel.

GO PREACH: TAGALOG SERMONSWhere stories live. Discover now