Chapter 25: Dangerous

239 17 1
                                    

VAI.

"It's not that easy."

Iyon ang naging sagot ko kay Rye. Napagpasyahan naming pumunta sa park kung saan din kami pumunta noong prom para mag-usap.

Sa ganitong paraan, walang sinumang makakaabala sa pag-uusap naming dalawa.

Rye stood near me. "It never was. But if it's with you, it will be."

***

"Vai, pwede mo bang ihatid ito sa office ng Principal?"

Tumango ako kay Teacher Xy na kasalukuyang nagte-training ng mga baong alphas. Inabot niya sa akin ang isang box na siyang kinuha ko.

Kung sa isang normal na paaralan ito ay para na kaming graduating na alphas, at dahil doon ay hindi na kami pinagtutuunan ng pansin ng mga professors. Ilang buwan na lang din ay maaari na 'ko lumipat sa Beta.

Napatigil ako sa paglalakad nang biglang may humarang sa akin na isang grupo ng kalalakihan. Napakurap ako at lumingon sa paligid kung sakali mang may mahihingan ako ng tulong, pero ganoon na lamang ang pagbagsak ng balikat ko nang nasa isang liblib na lugar na kami at walang katao-tao.

"Oh, hindi ba't ito 'yung sinasabi niyong babae ni Van?" Tanong ng isa sa kanila sa kasamahan niya.

Nagtawanan sila habang hawak-hawak ang bakal sa kanilang mga kamay. Mukha silang mga basagulero kaya nanlamig ang kamay ko dahil may posibilidad na atakehin nila ako.

Lalong-lalo na dahil sa sinabi no'ng isa sa kanila.

Humakbang ito ng isang hakbang papalapit sa akin. "Hindi ba baguhan ka, miss?"

"Inakit siguro niyan si Van, tanga naman 'yon kaya siguro nadala kaya ayan, ang bilis nakatungtong sa posisyon."

Napaawang ang labi ko nang marinig iyon.

Itong grupo ba na ito ang isa sa mga sinasabi nilang rebelde sa Fryxelle High?


"Wala akong alam sa sinasabi mo," sagot ko rito. Mas tinapangan ko ang mukha ko dahil ayoko namang ipakita sa kanilang natatakot ako sa maaaring mangyari.

Mas lalong lumakas ang tawanan nila.

"Wala pala 'to, e. Palaban din, gusto mo labanan tayo, miss?" Nanunuyang tanong nu'ng isa kanina.

Hahakbang pa sana siya nang bigla siyang napako sa kinatatayuan nang maramdaman ko ang isang presensya sa likuran ko.

Kaagad ko siyang nakilala nang tumabi siya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko.

"V-van!" Kabado nang tumawa ang lalaki. "Naparito ka pala, ano ka ba, naglalaro lang kami. 'Di ba, miss?"

Umigting ang panga ni Rye, his eyes was void of any emotions.

"Really? I didn't see any sense of joke about what you said earlier." Sagot niya.

Pinakawalan niya ang kamay kong hawak niya at siya na ngayon ang humakbang papalapit habang ang grupo ay unti-unti nang umaatras. Just how . . . how can just a mere presence of this man scare the hell out of these guys?

"I can tolerate you talking shit about me. I would even listen to it clearly and gladly." He grabbed the collar of the guy who was now in the verge of crying. Hindi naman ganoon kahigpit ang hawak ni Rye dahil tinatakot niya lang naman ito.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now