Chapter 2: Bucket List

8 1 0
                                        

Bucket List


"Liviaaaa!"sigaw ng mga pinsan ko habang winawagayway ang banner na hawak nilang may nakalagay na 'Welcome Home!'.


Gusto ko mang bilisan ang lakad ko ay hindi ko naman magawang iwan si lolo at tita Vienna.


"Go on, Reagan. Mukhang gustong gusto ka nang mayakap ng mga pinsan mo." sabi ni tita Vienna na nasa tabi ko at minumwestrahan akong bilisan ang lakad ko papalapit sa family naming nagaantay sa may waiting area ng airport.


Dali dali akong lumapit sa mga tito tita ko at yumakap sa kanila.


"Livia! I miss you so much!" sabi ng pinsan kong si Nialla habang yumayakap sa akin nang mahigpit.


"We have so many things to talk about. I miss you, Livia." sabi naman ng pinsan kong si ate Diana.


"Hi baby Becca!" bati ko sa pinsan kong 5 years old at saka ito binuhat at hinalikan sa pisngi.


"Hello po ate Wivia!" bati niya sa akin at saka humalik din sa aking pisngi.


"Where's kuya Jaxon and Perth?" tanong ko nang hindi ko makita ang dalawa ko pang pinsan.


"Ah, they just went to SB to buy some drinks, di nakatiis yung dalawa." halakhak ni ate Diana.


"Heyyyy." sa dikalayuan ay nadinig ko ang boses ng pinsan kong si Perth at saka ito lumapit sa akin para yumakap.


"Grabe, hindi ka manlang tumangkad?" pang-aasar niya sa akin kaya binatukan ko siya.


"Livia. Na miss kita! Finally, may taga bake na kami ng brownies. We missed you so much." sabi ni kuya Jaxon at saka yumakap sa akin.


Nakalapit na sa amin sina lolo at tita Vienna.


"Kids, we have to go now. Ate Vien, pa, pinakuha na namin sa guards yung bagahe niyo at nakalagay na raw sa kotse natin. Tara na po!" sabik na sabi ni tita Fionna, mommy ni Dianna at Perth.


Bumyahe na kami papunta sa bahay namin. At buong byahe, puro kami kwentuhan ng mga pinsan ko. Grabe. Nakakatuwa dahil ganun parin sila. Na miss ko talaga sila nang sobra.


Pagpasok namin sa bahay ay nakapatay pa ang ilaw. Maya maya ay biglang may pumutok na party popper sa harap ng banner na may nakalagay na 'Welcome Home!'. Iginiya kami ng aming mga helper sa dining area kung saan nakahanda ang mga pagkaing pagsasalo-saluhan namin.


Sa kalagitnaan ng aming pagsasalo-salo ay napag-usapan ang tungkol sa pagpasok ko sa eskuwelahan.


"So, Reagan, where do you want to study? Madami namang schools dito sa Manila. You can freely choose where you want to study." panimula ni tita Vienna.


"Uhmm.." napatingin ako kay Perth at Nialla. We're on the same year kasi at ramdam kong gusto nilang sa school nila ako mag-aral.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 22, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Only RemedyWhere stories live. Discover now