Ch. 1: Toxic Meet Cute

308 8 0
                                    

More than two years ago...

"SAGUTIN mo na kasi si Timothy, akling," sabi kay Monty ng kaibigan niyang bakla na si Gerald. Nasa rooftop sila ng pinagtatrabahuhang kompanya. Magkatabi sila, nakatanaw sa iba't-ibang kulay na city lights. Pareho silang naninigarilyo.

"Ayaw," sabi ni Monty. Inilaglag sa lupa ang sigarilyo at tinapakan. "Mas bakla pa sa akin 'yon. Niliparan ng ipis sa pantry, ang lakas ng tili. Nagpanic 'yong ipis."

Bumaling sa kanya ang kaibigan, nakaipit ang sigarilyo sa labi. Kinuha iyon gamit ang isang kamay saka sinabi, "Eh ano gusto mo? Straight?"

"What's wrong with wanting someone straight?"

"Ay, akling, maniwala ka, kung ilusyon mong may magkagusto sa 'yong straight, sampalin mo na sarili mo. Do it with a raketa ng badminton, para mas dama mo. Para magising ka. Iyong straight na nagkakagusto sa bading, mas myth pa yan kesa kay Santa. Lalo na... sorry, friend, honestly lang... 'di ka naman babaihan. Ala kang suso."

"Papakabit ako," sabi ni Monty, humawak sa magkabilang dibdib.

"Pero 'yong mukha mo, mukhang si Taguro ng Ghost Fighter. Sino'ng straight na lalaki ang magkakagusto kay Taguro na may dede?"

Sumimangot si Monty. "'Di ka rin naman maganda."

"Kaya nga," sabi ni Gerald. Hinulog na rin ang sigarilyo at tinapakan. "Kaya I date gay men. I date men who find me handsome. Realistic kasi ang vagina ko. 'Yong vagina mo, ang daming terms and conditions bago may maka-enter. Ano 'yan, porn site?"

"I am just not attracted to gay men," sabi ni Monty. "Masama ba 'yon?"

"Masama. Homophobic kang bakla," sabi ni Gerald. "Tara na akling, tapos na break ko."

Bumalik na sila sa pinagtatrabahuhang opisina. Pareho silang nagtuturo ng English sa mga Koreano online. Dahil hindi pa tapos ang break ni Monty, naisipan niyang bumili muna ng maiinom na kape sa convenience store na katapat ng building nila. Pagbukas niya ng pinto ng convenience store ay dumiretso siya agad sa refrigerator--mas gusto niya ang malamig na kape--kumuha ng isa bago maglakad sa counter.

Sa counter ay nagagalit ang crew sa bumibiling costumer.

"Ba't di ka nagdala ng pera?" inis na sermon ng babaeng crew. Nakataas ang isang guhit lang na kilay nito, kasingnipis ng dental floss. "Napunch ko na, utoy. Da't sure ka na may pera ka bago mo inabot."

Napakamot sa ulo ang customer. "Nakalimutan ko po sa bag ko 'yong wallet ko. Diyan lang naman po ako sa malapit nagtatrabaho."

Base sa pananamit ay mukhang construction worker ang lalaki. Gray na jogging pants na putikan. T-shirt na putikan din at pudpod na tsinelas. May ginagawang building sa tabi ng opisina nila, doon siguro ito nagtatrabaho.

Tiningnan ni Monty ang mukha ng lalaki. Natigilan siya, hindi magawang maalis ang titig sa mukha nito. Matangos ang ilong, mapupungay ang mga matang napaliligiran ng makapal at malantik na pilik. May kakapalan ang labi pero may kurba. Mestiso ang kutis, may kaunting namumulang pimples sa mukha.

Hindi ito ang depenisyon ng guwapo. Hindi ganoong klaseng mukha ang maglo-launch ng libong ships, o magiging inspirasyon ng isang makata sa pagbuo ng tula.

Pero malakas ang dating nito. Parang madudurog at mabubuo siya sa bisig nito. Parang masarap ibabawan ang matigas nitong katawan. Parang masarap itong tuklasin.

"Nako, malapit kunwari pinagtatrabahuhan, tas di naman babalik," pagsusungit pa ng kahera.

"Babalik ako. Promise." Itinaas pa ng lalaki ang kanang kamay nito na parang manunumpa.

Toxic (R-18)Where stories live. Discover now