Eighty Three - Four Seasons

ابدأ من البداية
                                    

            Nag-scoff lang siya tapos tinignan ako taas pababa. Aba! Feeling ba niya nag-iilusyon akong sasadyain ako dito ng CEO nila dahil lang sa ganito ang outfit ko at hindi professional ang dating? Alangang mag-red dress, red lipstick at red stilettos ako para magmukhang kagalang-galang at karapat-dapat na sadyain ng CEO nilang ungas!

            Aaaargh!

                 "Anong pangalan mo, Miss?"

                 "Jiagh. Elaejiagh Fabellar, Chief Operating Officer ng JCLJ Media, pakisabi."

            At that point nanlaki ang mata niya tapos nabitawan pati niya ang brush nung nail polish. Napaka-antipatika naman kasi niya. Hindi naman ganyan ka-antipatika ang receptionist namin. Tsk-tsk. Lichi lang.

                 "Excuse me? Snap out of it, kailangan ko ng floor ng CEO n'yo."

                  "AAAAHHHHHH!" there she goes, screaming and running away from me habang pinagtitinginan siya ng mga tao sa lobby na parang nagkaroon siya ng dalawang ulo.

            Ano ba naman 'tong mga employees dito. Sira ulo rin parang yung CEO nila.

            Haist. Hookay sinong pwedeng pagtanungan? H'wag babae, baka mainsulto na naman ako sapakin ko pa siya ng bongga. Anyway nakita ko si Manong janitor malapit sa elevator. Lumapit ako. "Manong, excuse me po. Alam n'yo po ba kung anong floor ang office ng CEO?"

                 "CEO? Ni Ser Clyde ba? Third floor, Ma'am."

                 "Salamat po."

            Oh di ba? Mas madali kay manong janitor. Dapat si manong janitor ang inilalagay sa reception desk. Mas may silbi siya kesa kay fenk nail polish.

            I went into the elevator, luckily walang sumabay sa akin hanggang sa makarating ako sa third floor. Holy shiz. What now? Kaliwa o kanan? Try natin sa kaliwa. I wonder kung may CCTV dito. Mukha kasi akong trespasser eh. Kung bakit naman kasi walang kung sinong pwedeng mapagtanungan dito. Anyway wala sa kaliwa balik sa kanan.

            Para akong nawawalang aso.

            Nadaanan ko yung conference room. Tapos tapos... napahinto ako. Chief Executive Officer! Bingo! Kyaaaahh! I so deserved a medal for this!

            Pinigilan ko ang sarili kong tumalon-talon habang pumapalakpak sa sobrang tuwa. Overjoyed eh. Anyhooo... walang secretary sa labas. Baka nasa loob? May ginagawang milagro? Hoooolyyy shitzu!

            Maingat akong tumapat sa pintuan at pinakinggan kung may something ba sa loob. Tahimik eh. Yung mahinang swish lang ng aircon ang naririnig ko. May tao kaya dito? There's only one way to find out!

            *Knock! Knock!*

            Walang sumagot. Uulitin ko sana ang katok kaso na-dyahe naman ako. Sisilipin ko na lang!

League Of The Broken Hearts IIحيث تعيش القصص. اكتشف الآن