#Wattpadzoned

87 5 3
                                    

Minahal mo siya sa bawat salita.
Nayayamot ka minsan sa kanya,
Pero bawat pangakong kanyang ginawa,
Pinaniwalaan mo dahil mahal mo siya.

Natawa ka sa corny niyang mga linya.
Pinapabilis niya ang tibok ng puso mo,
Sa tuwing naririnig ang kanyang tawa.
Perpekto siya at iyon ay alam ko.

Pero bigla mo na lang naalalang,
Di kayo pwedeng mag-kasintahan.
Hindi dahil sa magulang niyang mayaman,
Kundi hindi mo siya mahawak-hawakan.

Isa lang siyang panaginip,
Na binabasa mo kapag ika'y naiinip.
Isang taong nasa Wattpad,
Na hindi mo pwedeng angkinin.

©ImTheJeridude
May 23, 2015

#Pumapag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon