""Because of Lucas, that's why I was in the Philippines at that time. I knew him he only listened to me, nobody else. When your brother passed away, he couldn't accept it for a while. He couldn't tell anyone that he was weak at that time." Paliwanag niya sa'kin.

Halos iisa narin kasi sila ni kuya kaya siguro hindi matanggap ni Lucas kaya rin siguro hindi siya nagpakita nang ilang araw.

"Actually kakauwi ko lang rito sa Japan para ipaabot sayo ito." Iniwan na naman ako ni Tristan na tulala habang nakatingin sa papel na parang invitation.

Ano 'to? Kanino galing 'to? Tanong ko kaya kay Tristan?

Napalingon ako sa kan'ya kasi bigla siya nagtanon.

"Wag kana mag tanong sakin kahit ako hindi ko alam. Iniwan lang yan sa labas ng bahay ko."

Napangiwi ako sa sinabi sakin ni Tritan.

Mas malamig pa siya sa mas malamig.

Maya-maya pa dumating na rin sila para ituloy yung meeting namin.

Halos isang oras din kami nag usap at nauna na silang umalis kasi may kailangan pa raw silang gawin.

Lumingon ako sa loob ng starbucks at wala akong nakitang Tristan.

Mag papaalam na sana ako sa kan'ya kaso mawala siya bigla kaya umalis na lang ako. Mag grocery pala ako ngayon para may stock sa bahay namin ni tita.

10 years na nakakalipas, sa 10 years na 'yon ang daming nag-bago. Hanggang ngayon hinahanap-hanap ko pa rin presensya nina mama lalo si kuya.

Kahit na sa Japan na ako bawat sulok ng bahay ni tita siya naaalala ko lalo na sa mga kwento ni tita kung gaano raw kaseryoso ni kuya.

Aral, bahay, aray, bahay lang daw puro ginagawa. Mas lalo ako nagulat no'ng pumasok ako sa kwarto niya no'ng umuwi ako rito sa Japan.

Bumungad sa'kin yung puro picture ko.

Karamihan talaga puro stolen walang matinong picture. Kung kasama ko lang si kuya baka nasakal ko na yun.

Pero hanggang ngayon hindi na namin nakita ang katawan ni kuya.

Parang bula si kuya naglaho na lang bigla.

Ang hirap hanapin, hindi namin alam kung saan magsisimula.

Sa tagal ng panahon taon na yung lumipas tinanggap na lang namin lahat.

Na hindi na namin siya makikita.

Pero ako umaasa....

Umaasa ako na babalik siya.

Sa daming nag-bago.

Na aalala ko pa rin yung taong walang ginawa kun'di mahalin ako.

Kumusta na kaya siya?

Ayos lang kaya siya?

"Pati ba naman dito tulala ka." Nagulat ako nang may biglang sumanggi sa'kin.

Si Tristan na naman.

"Nakakaumay na mukha mo." Walang gana kong sabi at binitbit lahat ng pinamili ko.

Napahinto ako at lumingon kay Tristan kasi narinig ko siyang tumawa.

Lah? Siya ba yun? Oh sinapian lang ng masamang spirit?

Umiling-iling siya sa akin at kinuha sakin yung pinamili ko at siya yung nag buhat.

Tulala akong sumusunod kay Tristan papunta sa kotse niya.

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now