Tama nga ang sinabi nila na nakakalimot ang utak pero ang puso hindi kailanman......




"Gusto mong kape?"

What the hell?

"Who are you!"nabibiglang ani ko at lumingon sa pinanggalingan ng boses..

"Hmp!mag tagalog ka po,di kita maintindihan"sagot naman agad nito...

Base sa boses ay batang babae ito.....

"Ang ibig kong sabihin sino ka?"ulit ko sa tanong ko...

"Ikaw sino ka rin po?"

Anak ng?

"Ako ang may ari nitong Hacienda"seryusong sagot ko nalang.

Katahimikan at walang sumagot....

Pero ramdam ko na tumayo ito at naglalakad lakad sa harap ko...

Bata ba talaga to?

"Di ikaw pala ang boss ng nanay ko?"maya maya ay bigla na naman itong nagsalita..

"What?sino bang nanay mo?"naguguluhang tanong ko naman..

"Hindi mo siya kilala,pero maganda yun"agad na sagot niya...

Huh?

"Sino ka ba bata?"ganito na ba ang mga bata ngayon...

"Dito ako nakatira no"

What!

"Dito?Bakit dito?"agad na tanong ko naman

"Bakit naman hindi"mas mabilis na sagot niya!

What's happening?

"Alam mo bang ako na ang bagong may ari ng Hacienda na ito?"

"Opo sinabi mo na kanina eh"

Alam niya naman pala eh,hindi ba siya natatakot na paalisin ko siya?

"Eh ano ngang ginagawa ng batang katulad mo rito?"tanong ko na naman...

"Sinabi ko na kanina eh,paulit ulit ka naman po"

Damn this kid!

"Sinong kasama mo kung ganun?"tanong ko na naman...

"Yung nanay ko nga po"

"Eh nasan yung nanay mo bakit hinahayaan ka niyang pakalat kalat dito"medyo. seryusong tanong ko...

"Hinahanap ko nga rin siya eh,nawawala nga po siya eh"sagot naman nito...

What is wrong with this kiddo!

Yung nanay pa talaga yung nawawala ha!

Kakaibang bata to grabe.....

"Ano gusto mo po ba ng kape o hindi?"maya maya ay tanong niya..

Really?

Isang batang nag aalok ng kape?

"Gusto mo ba o itatapon ko to."

What!

"Bakit mo itatapon?"naguguluhang tanong ko..

"Kung hindi mo po iinumin,sinong iinom?di naman ako nag kakape?Hindi ko naman pwedeng iuwe to kase malamig na pag dating sa bahay"

Oh god is this for real??

"Bakit ka ba kase may dalang kape?"

Patience Vale.......

"Ha?hindi ko naman dinala yan eh"sagot niya..

Napapikit nalang ako sa sinabi niya...

"Hindi mo naman pala dala,bat inaalok mo sakin?"

"Nandiyan na po yan talaga"sabi naman niya...

I get it......

Meron na talagang nakahandang kape dito bago pa ko dumating.

"Vale hijo napag antay ata kita,at mukang naunahan na ko ng batang ito sa pag salubong sayo"

Napalingon ako sa kanan ko at alam kong papalapit na si Mr. William Vientes....

"It's okay Don William"formal na sagot ko....

"Princess ano bang pinag uusapan niyo ni Mr. Winderson hmm?"tanong ng Don sa bata...

Princess.........

Bakit parang biglang may kakaiba akong naramdaman.......

"Tungkol po sa kape,sinabi ko po na pag ayaw niya itatapon ko nalang"agad na sagot ng bata..

At napatawa naman ang matanda.....

"Ganito talaga itong batang ito Mr. Vale.
Parang matanda minsan kung makitungo...
Palibhasa wala kaseng ibang bata dito bukod sa kanya...."ani ng matanda...

"Siya nga pala nasan na ang nanay mo?"muling tanong ng Don..

"Nawawala nga po siya eh"

Napailing nalang ako sa sagot niya....

"Pwede mo ba siyang hanapin kung ganun?"pakisuyo ng matanda...

Really?

"Matanda na po yun,hindi na kailangan hanapin po,at napakalaki ng mansion niyo mahirap mag hanap"parang matanda talaga tong batang to...

Rinig ko agad ang tawa ng matanda.....

"Oo nga naman,sige mag laro ka nalang muna dun sa garden at mag uusap kami ni Mr.Vale.."utos ng matanda..

"Hindi po ba kayo makakapag usap pag nandito ako?promise di ako sasabat makikinig lang"walang habas na sagot ng bata...

Ano bang klaseng bata to?

Pala desesyon......

How old si she?

"How old are you young lady?"naitanong ko nalang bigla...

"Ano po?"sagot niya

"Ilang taon kana"ulit ko naman

"Apat palang po"

"Ah mag lilimang taon kana kana pala"sabi ko naman at napatango....

"Kung matutuloy po"

Nagulat naman ako sa naging sagot niya..

What does she mean by that?

"Matutuloy ang alin?"naguguluhang tanong ko..

"Ang birthday ko syempre"baliwalang sagot naman nito ..

"What?may birthday bang hindi natutuloy?"sagot ko naman..

"Opo pag walang handa"agad na sagot niya..

Ah this kid.....

Natatawa nalang si Don William sa mga sinasabi nitong batang to...

Sino bang mga magulang nito? bat ganto to?

"Alam niyo parang kilalang kilala niyo na ang isat isa kung mag usap kayo"natatawang sabat ng Don...

"This kid is something"nasabi ko nalang..

"Kinagigiliwan ng lahat ng taga Hacienda ang batang ito Mr.Vale.
Dahil sa kanyang pananalita at napaka cute talagang bata"ramdam ko ang saya ng Don habang sinasabi ang mga iyon....

"Tiyak hindi ka maiinip dito Mr. Vale dahil dito rin titira ang batang ito.
Anak siya ng personal assistant mo na kinuha ko.
At wag kang mag alala masipag ang ina ng batang ito,kakaiba din mag isip ang isang yun.Sigurado ako mag kakasundo kayo..."dagdag pa ng Don....

"Thank you Sir William,pangako hindi ko papabayaan ang Hacienda mo"sagot ko naman

"Alam ko naman yun hijo,asan na ba ang nanay mo bakit wala pa siya..."agat ng Don

"Hmp!hahanapin ko na nga siya,baka kung saan na napunta yun"sabat naman ng bata at narinig ko ang maliliit na yapak niya paalis

Oh god......


San kaya pinaglihi yung batang yun?


The last heir Where stories live. Discover now