Wrong School

3.2K 38 7
                                        

RANCE

"Eighteen ka na bukas!"

"Yes, aalis ka na sa wakas!"

Alam mo yung tipong mas excited pa sila sa birthday mo bukas kaysa sayo? Ano pang dapat iexcite kung bukas na rin magwawakas yung pagiging petiks mo sa buhay?

Nasa tradition na kasi ng pamilya namin na once mag eighteen ka na, automatic na yan na ipapatapon ka sa City para ipagpatuloy ang buhay mo. Hindi naman sa ayaw na nila sayo (grabe lol), pero dahil they believe na --- teka, speech tayo:

"...That independence is one step towards productivity and success. When one is trained to live independently, he or she will be able to experience the life of the real world beyond the comfort zones they're in. Life may throw them unexpected happenings that may cause hardships, losses, or even drag them down. Mature enough, they'd not be thinking twice of getting back in the track and continue what they have to accomplish. Hence, independence will be one of the ways of molding an individual into a successful one..."

Nagdugo ilong ko akala niyo lang. Bumuhos parang La Mesa Dam.

"Tumatanda ka na!" Sigaw ni Carlo.

"Huwag ka nga,"

"Ano oras ba flight mo bukas?" Tanong ni mommy habang tumutulong asyusin yung mga damit ko.

"7:00 am po, pero darating si Jen dito ng mga 3:00."

"Aww, mamimiss ko naman yung big sister ko," pa plastic na pang - asar na sinabi ni Carlo (he's 16 by the way). Tinitigan niya ako at tumawa. Hay saklap magkaroon ng ganito ng kapatid. "Edi solo ko na pala yung bahay?" He adds, stretching his arms wide.

"Solo mong linisin? Ay no prob." Sagot ko. Ngiti nalang siya.

"Utot mo."

Pagkatapos ayusin yung mga dadalhin, natulog na sila. Maliban ako. Hindi ako excited. Natatakot ako. Kung akala niyo, masaya maging independent? Hindi.

Oonga na ikaw yung makakapili ng school na papasukin mo. Pero sa unang semester ka lang makakalibre (bayad na kasi ng parents) dahil for the rest of the year and the following years, ikaw ang magtatrabaho at magiipon para sa tuition mo. Ikaw rin ang bahala kung saang lugar ka titira. Yan raw ang tunay na independent.

Confetti.

Hay, bahala na talaga si spiderman (palagi nalang kasi si batman eh, kawawa naman).

***

Imbis na magising ako sa alarm clock, nagising ako sa tili ni Jen, best friend ko, pagkapasok sa kwarto ko 1:00 ng madaling araw. Ang bakla ng best friend ko huwag kayo. I'm actually the total opposite of her.

Siyang yung girly na bakla pero hindi siya bakla. Labo ko haha.

Kung dress, shorts, at skirts ang peg niya, maong or black pants ang akin.

Kung hilig niya ang makipagfriends sa boys, hay nako. Kinasusuklaman ko silang lahat.

Siya make - up? Sabon ako.

Conscious sa iba't ibang hairstyles? Jusme, hindi nga ako nagsusuklay eh. Ano pa bang isusuklay kung halos apple cut na boy cut ang buhok ko?

Hindi ako tibs just so you know.

"Are you ready?" Tanong sa akin ni Jen. I nod.

The door slowly screeches open, nakasilip si mommy, "Rance?" She asks. "Hi ma," I answer. "Di pa ako nakaka alis kalma lang." I smile at her. Pumasok siya then hugs me tight. Aw.

"Happy Birthday," sabi niya for the 11th time. Oh my, please huwag kang umiyak. "I will miss you." She adds.

"Me too," I answer back. Hindi parin ako binibitawan ni mommy, it's okay. Sa doorway, I see Carlo standing and smiling at us. Magulo yung buhok niya na kung tutuusin mas bagay pa nga sa kanya, tapos parang Vogue ang peg dahil nakasandal siya sa wall, posing unconsciously.

"Selos ako," panira niya. Then mom lets go of me slowly.

"Yiee mamimiss niya ako," sabi ko.

"Hi Carlo!" Kaway ni Jen. Kaway din siya.

"Hindi ah," he retorts but slowly walk towards me then gives me a hug.

After fixing all of my things, nilagay na namin lahat sa car ni Jen. I kiss and hug mom for the last time then I wave at Carlo to say goodbye. Sumakay na ako sa kotse then Jen drives off.

3:00 palang pala.

***

4:00 kami nakarating ng airport. Pasalamat nalang ako sa Lord at buhay pa akong nakarating dito. Ano ba naman yung parang nangangarera si Jen kahit ang luwag ng highway? Sinong hindi aatakihin doon?

Habang naghihintay, kumain muna kami ng breakfast malapit lang (walking distance) sa airport.

"Anong school kukunin mo sa City?"

"Hindi ko pa nga alam eh," sagot ko, sabay inom ng juice, "Bahala na,"

"Ano ka ba? Dapat you have plans agad. Pasukin mo yung school na may poging boys ah tapos ipakilalala mo ako to them." She smiles at me. The heck? Bakit ko gagawin yun?

"Ewan ko sayo, kilala mo naman ako diba? I don't like them,"

"Raancee," sabi niya, "Could you be a girl kahit ngayon lang?"

"Babae naman ako ah,"

"No, I mean... Ah basta, mageget mo rin,"

"Anong mageget?" Kulit ko ba? Haha. Pero get ko siya I'm not that stupid.

"Basta nga, kulit mo naman." She takes the last bite of her sandwich. I finish my juice then I stand up.

"Leggo?" I ask her. She nods.

Pagdating sa door (kung saan off limits na), doon nag breakdown si Jen. Please don't cry ano ka ba, naiiyak rin ako eh.

"I will miss you so much," sabi ni Jen softly.

"Parang mamamatay na ako ah," I tease her. She laughs. After wiping her tears away, may binigay siya sa akin na papel.

"Since best friend kita, I did this for you." She explains. "Open it pagdating mo sa City."

"Okay," I assure her. Ano to drawing? Letter? Cash? Lol. How sweet.

We hug for the last time then she kisses my cheek. Tadtad na ako ng halik. Chicks talaga eh noh? Joke.

I wave her goodbye as I walk away, increasing the distance between us. Pang MMK to.

***

"Please fasten your seatbelt...."

Memorize ko na yata yung mga lines na yan. I remember last year, nasa elevator kaming tatlo ni Carlo at Jen nang gayahin namin yang ginagawa ng mga stewardess. Nag mukha kaming timang. Tawa naman yung mga tao sa loob.

Ilang minutes after yung mga safety and precaution speech (I was expecting na sasayaw yung mga stewardess habang ginagawa nila yun), umalis na kami.

Ay shocks, ang dami ko pa palang poproblemahin.

Saan ako titira? Nakaka hanap ba ako agad ng trabaho? Anong school ang papasukin ko? Mabubuhay pa kaya ako?

Bigla kong nakita yung papel na binigay sa akin ni Jen. Ano ba kasi laman nito? I try to open the folded paper pero nakatape siya. Wow ha, secured. Baka cash yung laman (kapal noh?). May nakita akong butas at sumilip, expecting may blue and yellow bills. Pero bakit parang naging transparent yata yung bills ngayon? Instead, may nabasa ako.

Sarah,

Sarah? Sino si Sarah?

Oh well, saka nalang pagdating ko sa City babasahin ko yung 'cashless' letter ni Jen. Haha.

City, hindi ko alam kung bakit yun ang tawag sayo pero, okay. Here I come. Also, tadhana, yes I'm talking to you since ikaw lahat ang may pakana ng kamalasan o kaswertehan sa buhay, please be nice to me.

Wrong SchoolWhere stories live. Discover now