02

16 2 0
                                    

Inaantok na ako, parang hinehele ako ng boses ng mga kaklase kong nagrereport. Bukod sa hindi ko masyadong maintindihan ang sinasabi nila, halos hindi ko pa marinig. Mag sself study nalang ako pagdating sa bahay. Wala naman ding maituturo ang mga professor namin. Kami-kami lang ding magkakaklase ang nagtuturo sa isa't-isa.

Habang nag heheadbang yung ulo ko dahil sa sobrang pagkaantok, may pamilyar na boses akong narinig na nagpabuhay sa inaantok kong diwa.

"Hi goodmorning prof! Pwede po bang mahiram sa inyo si Ms. Ocampo?" Ngiting sambit ni Lauren sa professor na nagllaptop malapit sa entrance sa harapan.

Hinanap ako ni Sir sa klase dahil sa medyo dulo-dulo pa ako nakaupo. Kaya tinaas ko ang kanang kamay ko ng nakangiti at kulang nalang tumalon na. Parang hindi 20 years old eh.

Gusto ko na talagang makaalis dito. Bagot na bagot na 'ko.

Tumingin ulit ito kay Lauren na maamong nakangiti pa din sa prof namin.

"Reason?" hindi ko alam pero parang inaantok na din si sir dahil sa tono ng pananalita nya. Di ko sya masisisi, nakakaantok naman talaga boses ng mga nagrereport.

"Ahhh, may meeting daw po ang student council with the advisers." Sagot ni Lauren sa prof.

"Ms. Ocampo, you can go now." Anunsyo nito.

Dali-dali akong lumabas ng room dala ang mga gamit ko dahil ayaw ko na bumalik don.

"Ano na namang pagmi-meetingan?" tanong ko kay Lauren na nakangiti pa din habang naglalakad kami papuntang faculty.

"Ay di ka pa nagsi-seen 'no?" pangiwi nyang tanong.

Umiling ako bilang sagot. Pagtapos ko kasi syang replyan kagabi na 'hindi pa ako sure kung sasama ako', natulog na agad ako.

"Sasabihin mamaya sa meeting kaya tara na!" Hinila nya ko hanggang makapasok kami ng faculty room kung saan nagkkwentuhan ang mga students at advisers habang nagatatawanan. Naks bonding yarn?

Ilang saglit pa, natapos din ang pagkkwentuhan nila kaya umupo na kami sa nakahilerang upuan at nagsimula nang magsalita ang head ng mga advisers na si Ms. Villanueva.

"Good morning officers and advisers! I will be the one to announce and explain the official update about the council's vacation trip." Pag-oopen nito ng meeting.

Nagpalakpakan kami at ang ibang officers ay nagcheer dahil sa excitement. Itinaas naman nito ang kanang kamay at isinara to form a fist kaya natahimik ang lahat.

"So, as we all know...This trip will serve as your last bond with each other as your graduation is arriving. Our president Ms. Abby De los Santos opened the suggestions of place and allowed each of you to vote. Alam nyo na din siguro as of now kung ano ang most voted place." Nagpause ito saglit.

"Boracay!!" Sigaw ni Lauren.

Hinampas ko ang balikat nya dahil lagi nalang akong nagugulat sa kanya. Nakakainis ah.

Nilabas naman ng iba ang kanilang mga cellphone para icheck.

Nagsigawan at nagtatalon ang mga officers, ang mga advisers naman ay nakangiti lang at natatawa sa reaksyon nila. Ako? pinanonood ko lang sila.

"A moment of silence please. Allow me to discuss the date and time." Pagsaway nya sa mga students na agad namang sumunod sa kanya.

"Since bukas ay Friday, which is ang last day ng pasok this week, our principal decided to suspend it. The students in LPU also gets a vacation break like you guys. Para nagiging fair tayo sa lahat. Use the day tommorow to pack your things kasi linggo na ang alis ninyo. 2 days of packing and 2 days for us advisers to decide what rules and activities you will do. Kung magdadala kayo ng maleta, make sure na kayo ang magbubuhat. About sa time naman, 7:00 am dapat ay nasa airport na ang lahat dahil 8:00 ang flight. The secretary Ms. Ocampo, will send this announcement in our gc para hindi makalimutan ng lahat. Is that okay Ms. Secretary?" Tumingin ito sa akin habang ako nama'y nagmumukmok sa dulo.

The One I Never HadOù les histoires vivent. Découvrez maintenant