"Amadelle, nag-set na ulit ng schedule si Ms. Gwenn. Tomorrow morning daw. G ba?" Tanong ni Troy sa 'kin habang nasa sasakyan kami.
"Sige, wala naman na tayong sched bukas, 'di ba?" Tanong ko naman kay Troy habang naka-tingin sa kalsada na pinagmamaneho ko.
"Yup. Sa pagkaka-alam ko nga ay wala din."
"Sige, go mo na 'yan."
"Saan ba galing ang asawa ni Ms. Gwenn? Bakit na-delayed ang flight?" Tanong ko naman kay Troy.
"Sa Singapore daw. Dahil nga daw sa bagyong paparating na hindi naman natuloy." Sagot naman ni Troy.
"Oh, sa may fairview daw meet-up kung okay lang." Napakunot naman noo ko. Fairview? Teka, do'n ako nag-college dati, ah.
"Saan sa fairview?" Tanong ko.
"Sa.... sa fairview terraces. Sa bagong bukas na restaurant doon, sabi ni Ms. Gwenn." Ngumiti naman ako.
Shet, mapupuntahan ko na ulit ang F.T na 'min ni Dani.
"Sige, sabihin mo."
"Okay."
Liit nga naman talaga ng mundo, oh.
-
Kina-umagahan ay nag-ready na kami ni Troy para sa meeting for the wedding of Ms. Gwenn and her husband.
"On the way na rin daw si Ms. Gwenn and soon-to-be asawa niya." Sabi ni Troy. Tumango lang ako at lumabas na sa bahay. Sumunod naman si Troy sa 'kin.
"Let's go." Sabi ko naman at nagsimula ng magmaneho.
Halos isang oras kaming bumyahe dahil na din sa traffic.
Nang makita ko ang F.T ay hindi ko mapigilan na maalala ang mga nangyari sa 'kin dito.
Sobrang saya ko no'n kahit madaming hinanakit akong naranasan.
Pero kahit kailan ay hindi ko ito pinag-sisihan. Dahil isa 'yon sa mga dahilan kung bakit ako naging ganito, kung sino ako ngayon.
Nagpark lang ako at bumaba na rin kami ni Troy. Kinuha ko na rin ang mga kailangan namin for the meeting.
Habang naglalakad ako papasok ay nakakaramdam rin ako ng excitement. Aba, tagal ko na kayang hindi nakapunta dito.
Limang taon.
Agad naman nawala ang ngiti ko ng makarating kami sa loob.
Hindi ko na makita ang coffee shop na favorite tambayan namin ni Dani.
Hindi ako nagkakamali, dito talaga naka-pwesto 'yon, dito mismo sa kinatatayuan ng restaurant na 'to.
Oo, madaming nagbago pero sigurado akong dito 'yon naka-pwesto.
"Huy, tara na. Nando'n na sila Ms. Gwenn." Sinundan ko naman si Troy papasok sa restaurant.
Nakakalungkot na nawala na pala ang tambayan namin ni Dani do'n.
Chineck ko naman agad ang lamesa na madalas namin upuan ni Dani. Isang malaking paso na lang ang nakita kong nakalagay do'n.
"Hi, Ms. Gwenn." Tumingin naman agad ako sa harap kungsaan nakatayo si Gwenn.
At laking gulat ko ng makita ko kungsino ang kasunod niya.
Teka, namamalik mata lang ba ako?
S-si Rechz ba 'to?
Kamukha niya lang ba 'to?
Baka kamukha niya lang?
Ilang segundo din akong nanigas sa kinatatayuan ko.
At sa hindi ko inaasahan ay bumilis ulit ang tibok ng puso ko. Biglang pumasok sa utak ko ang mga nangyari noon, kungsaan palagi ko siyang tinititigan dati.
"Huy, Amadelle. Ayos ka lang?" Tanong ni Troy.
"H-ha? Oo, ayos lang." Ngumiti ako at iniwas ang tingin kay Rechz.
Ngayon ko lang ulit siya nakita.
"This is Rechz, my fiance. Love, this is Troy and this is Ama-"
"Yah, I know her." Tumingin lang ako kay Rechz.
"You know her? H-how?" Nagtatakang tanong ni Gwenn.
"She's... she's my college friend. Hi, Amadelle. It's been a long time."
YOU ARE READING
Dear, Amadelle (The Unread Letter Series #1)
General FictionAmadelle who is pretty smart, has a angelic face, and great in academics but in almost everything, is known to be a top achiever from primary school until she entered college school. She has boy 'friend' named Rechz, who she used to have a crush on...
