#6: Mahal, Bahaghari Yata si Ronnwell

33 1 5
                                    

Wagi sa Write-A-Thon Challenge 3.0 ng AmbassadorsPH, Hunyo 2023.

Tema: "Flash It! (June) — Bahaghari, Pag-ibig, Tahanan"
Bilang ng Salita: 300

Sa pamilya si Ronnwell unang natutong magsalita, sa kanila rin siya natutong lumakad, bumasa, tumakbo, at higit sa lahat ay maging isang mabuting huwaran sa kapwa niya tao. Si Ronnwell ay isang mabait na bata, masunuring anak, at malapit din siya sa Diyos.

Pero sa kabila ng mga ito, isang sikreto umano ni Ronnwell ang matutuklasan ng kan'yang ina na sasabihin naman nito sa kan'yang ama. Ano ba ang pagtanggap? Ano rin ba ang pakiramdam ng kalayaang ipakita ang tunay nating anyo—kung ano talaga tayo?

Started: June 13, 2023
Finished: June 13, 2023

Magiliw na ginagawa ni Teresa ang pagwawalis sa kuwarto ng kan'yang kaisa-isang anak na si Ronnwell, ilang buwan na kasi 'yong 'di nakakalikot nang dahil sa sobrang abala ng bawat isa sa kanilang mga trabaho

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Magiliw na ginagawa ni Teresa ang pagwawalis sa kuwarto ng kan'yang kaisa-isang anak na si Ronnwell, ilang buwan na kasi 'yong 'di nakakalikot nang dahil sa sobrang abala ng bawat isa sa kanilang mga trabaho.

Habang winawalis ang ilalim ng kama ng kan'yang anak, nasungkit ng walis ni Teresa ang isang papel. Napakunot naman ang noo nito, napansin niya kasing may parang liham na nakasulat do'n. Saglit niya pang sinilip ang ilalim ng kama ni Ronnwell at nakita nito ang isang maliit na kahon.

Hindi pamilyar si Teresa sa mga gamit na 'yon ng anak niya, kaya't binasa niya ang nakasulat sa liham. Huli na nang matanto niyang isa pala 'yong liham ng pag-amin, at ang mas nakagugulat pa ay para 'yon sa isang lalaki—at si Ronnwell mismo ang nagsulat ng liham na 'yon.

Parehong nabitawan ni Teresa ang liham at ang kahon, at pagbagsak ng kahon sa lupa ay natapon mula rito ang samu't-saring larawan ni Ronnwell kasama ang lalaking tinutukoy niya sa liham.

Napahawak si Teresa sa kan'yang dibdib, kaagad niyang iniligpit ang kahon at ang liham. Saglit pa ay nagtungo siya sa kusina kung saan ay naroon ang kan'yang asawang si Vicencio na kasalukuyang humihigop ng matapang na kape.

Nais sabihin ni Teresa sa kan'yang asawa ang kan'yang natuklasan, ngunit dahil sa nais niyang protektahan ang anak kung magalit man si Vicencio ay pinangunahan siya ng pagaalinlangan. Ngunit gayunpaman, sinabi niya pa rin ito sa asawa.

"Mahal, bahaghari yata si Ronnwell." Saad niya rito.

Alam ni Vicencio ang termino kaya't seryosong napatingin ito sa kan'ya at ibinaba niya ang tasa, ipinakita ni Teresa ang liham at mga larawan. Ngunit salungat sa inaakalang mangyari ni Teresa at napangiti pa si Vicencio at saka bumuntong-hininga.

"Ang pag-ibig ay walang pinipili, mahal. Hindi ako pinanganak noong nakaraang siglo para hindi ito maintindihan." Ngiti nito sa kan'yang asawa.

"Hayaan nating maging masaya si Ronnwell kung ito man ang nais niya. Tayo ang kan'yang tahanan, kaya tayo dapat ang unang tumanggap sa kung ano man siya." Gulat man si Teresa ay kaagad niyang niyakap ang asawa sa narinig niya.

"Hindi ako nagkamali ng pinakasalan." Saad niya sabay halik sa pisngi nito.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay naroroon na pala si Ronnwell sa likod ng pintuan at nakikinig sa kanila. Lumuluha siya habang nakatakip ang bibig, dahil sa tuwa marahil 'yon.

Nang dahil doon, mas naging malaya si Ronnwell na ipahayag ang tunay niyang nararamdaman dahil tanggap siya ng kan'yang pamilya. Sa aspeto ng pagkatao, at sa pagmamahal na ibinabahagi niya sa kapwa.

Kung ano man tayo ay hindi natin ito dapat na itago, dahil ang pagtanggap sa kung ano tayo ay dapat ding matanto ng iba. Sila na rin mismo ang dapat malinawan na tayo ay nilalang ng Diyos upang hindi manghusga ng katangian ng isa't isa.

Mister Sadista's Notebook Where stories live. Discover now