#2: Aalis Tayo sa Tunay na Mundo

55 2 10
                                    

Write-A-Thon Challenge 3.0 ng AmbassadorsPH, Pebrero 2023.

Tema: “Jopay Love on You”
Bilang ng Salita: 1000

Sa likod ng bawat pahina ng isang aklat ay ang istorya ng isang manunulat. Si Jomie Caro o mas kilala sa kaniyang sagisag-panulat na “Jopay”, isang awtor ng isang nailimbag nang nobela, ay minsang naglahad ng karanasan ukol sa kaniyang sagisag-panulat at sa kaniyang akda.

Ano nga ba ang dahilan sa likod ng akdang kinaaliwan ng mga tao at ang manunulat na gumawa nito? Aalis sa tunay na mundo, ngunit ang isa ay maiiwang sugatan ang puso? Masasagot ito sa isang kuwento, isang kuwento ng pag-iwan at ng pag-ibig.

Started: February 14, 2023
Finished: February 14, 2023

Maganda ang panahon nang makababa ako sa kotseng sinasakyan ko, ang mga ulap ay siyang balance lang sa kalangitan maaliwalas

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Maganda ang panahon nang makababa ako sa kotseng sinasakyan ko, ang mga ulap ay siyang balance lang sa kalangitan maaliwalas. Ang sikat ng araw at ang malamig na hanging tumatama sa ’king balat at sakto lamang upang magbigay sa ’kin ng isang preskong pakiramdam.

Inilabas ko ang isang kahon pagkababa ko ng kotse, isang maliit na kahon na may lamang isang makapal na nobela.

Napangiti ako matapos kong makita ang pamagat ng librong isinulat ko—namin. Isinulat naming dalawa.

“Aalis Tayo sa Tunay na Mundo, isinulat ni Jopay.”

Ang pangalan ko ay Jomie Caro ngunit ’yon ang pamagat ng libro at ang pangalang inilagay ko bilang sagisag-panulat.

Oo’t isa nga akong taga-hanga ng bandang gano’n ang pamagat at liriko ng kanilang awitin, ngunit sa iba pang kadahilanan kaya gano’n ang inilagay kong titulo at pangalan ng may-akda.

Isang ngiting may halong pighati ang napawi sa aking muka nang mapag-isip-isip kong tumuloy upang basahin ang librong iyon dito sa parkeng pinuntahan ko.

Nais ko lang mapag-isa at magmuni-muni, walang gaanong tao rito sa parke kaya nagtungo na nga ako sa loob. Nang makakita ako ng malilim na lugar na may mauupuan din ay kaagad ko na iyong pinuntahan.

Binuksan ko ang libro kung saan ang bida ay isang babaeng iniligtas ng isang lalaki sa tiyak na kapahamakan, isang nobelang kathang-isip ang mga pangyayari. Isang pantasyang hinango sa buhay niya.

Pamilyar ang titulo sa ’king memorya dahil ito ang madalas na sinasabi niya tuwing kami’y magpapalit ng mga ideya sa librong sinusulat namin. Kaya naisip kong ’yon ang gamiting titulo sa nobela namin.

At nang buksan ko ang aklat, dito na nga pumasok ang mga alaalang nais kong balikan, ngunit sa ibang banda ay ang pinakamasakit ding yaman ng aking memorya.

***

“Handa ka na ba, aalis ulit tayo sa tunay na mundo!” saad ni Pairon Domingo—ang aking kasintahan.

Kapwa namin ihinanda ang aming mga panulat at dito nga ay umalis kami sa reyalidad sa pamamagitan ng pagsusulat. Nakatutuwang isipin, nakatutuwa ring gawin.

Ngunit ito na nga lang ang nagagawa namin bilang libangan dahil palagi namang na sa higaan niya itong si Pairon. Ito’y sa kadahilanang siya ay may Leukemia o ang kanser sa dugo na tinatawag na na sa ikaapat nang estado.

Halos makalbo na ang buhok ni Pairon dahil sa kan’yang gamutan, isinasailamim kasi siya sa Chemo. Nangangayayat na rin siya epekto ng kan’yang sakit.

Sa ibang kadahilanan, masaya rin naman ako. Unti-unti na rin namang nakakamit ni Pairon ang paggaling niya at sa katunayan nga ay ang huling gamutan niya bago ulit siya tuluyang palabasin dito sa ospital.

Pinayagan na kasi ng doktor na makauwi si Pairon matapos ang gamutan niya bukas, kaya napakalaki ng pag-asa kong gagaling na rin sa wakas ang taong pinakamamahal ko.

“Bukas ka na nga pala lalabas ng ospital, ano? ’Di ka ba masaya?” tanong ko.

Napangiti naman si Pairon, tumango siya sa ’kin at saka’y sumagot.

“Siyempre masaya ako, sa wakas ay makakauwi na rin ako at ’di na palaging bubungad sa paningin ko ang lugar na ’to.” Ngisi niya.

“Ang lugar na ito’y parang tinik sa lalamunan ko, ang daming pasakit at bawat araw ay isang hamon.” Paglalahad pa niya.

“Pero wala lang naman ang mga laban na ’yon kung sa dulo’y narito ka naman at binibigyan mo ng kulay ang pananatili ko rito sa ospital.” Ngiti niya pa.

Dito nga’y nagsulat kami ng mga ideya sa gagawin naming kuwento, umalis kami sa tunay na mundo. Tumakas kami sa reyalidad na kinakaharap namin upang kahit sandali lamang ay malimutan namin ang mga problemang kinakaharap naming dalawa ni Pairon sa araw-araw.

Dito na namin naisip na paglaruan ang mga reyalidad namin, ginawa namin itong isang kuwento. Isang istorya patungkol sa isang bidang may sakit na base kay Pairon.

Hindi nga naglao’y nagpaalam na kami ni Pairon sa isa’t isa, ako kasi ay kailangan ko pang umuwi at siya nama’y nananatili rito sa ospital para nga sa kan’yang gamutan.

“Dadalawin kita ulit bukas pagkatapos ng mga klase ko!” paalam ko kay Pairon bago ako lumabas ng pinto ng kuwarto niya sa ospital.

Kinabukasan matapos kong manggaling sa mga klase ko sa eskuwelahan ay nagtungo kaagad ako sa ospital upang bisitahin si Pairon. Bumili muna ako ng prutas na kakainin namin habang nagsusulat bago ako pumunta sa ospital.

Ngunit pagdating ko sa mismong silid niya, nagulantang ako at naihulog ko sa sahig ang mga pinamili kong prutas. Namuo ang luha sa ’king mga mata nang makita ko si Pairon na pinalilibutan ng mga doktor, sinusubukang siyang buhayin.

Sarado nang patag ang linya ng kaniyang pulso at ’di na tumitibok ang puso niya ayon sa aparatong ginagamit sa pangunguha ng mga lagay ng tibok ng puso at pulso pasyente.

Naroroon din ang nga magulang ni Pairon, kapwa sila umiiyak at magkayakap. Tulala ko na lamang pinagmasdan ang mga nangyayari, hanggang sa tuluyan na siyang sukuan ng mga doktor at nars na pilit siyang binubuhay.

“Oras ng pagkamatay, ganap na ika-lima’t labing apat nang hapon.” Saad ng doktor na siyang kinumpirma ang kinatatakutan ko.

Wala na si Pairon, iniwan niya na ako.

***

Isinara ko ang libro habang malinaw pa rin sa ’king alala ang pagkamatay niya noon. Ni hindi ako nakapag-paalam sa kan’ya at gano’n din naman siya sa ’kin. Basta niya na lang akong iniwan.

Pinili kong tapusin ang nobelang isinusulat namin noon ni Pairon, at nang matapos ko ’yon ay ibinigay ko nga ang pamagat na, “Aalis Tayo sa Tunay na Mundo.”

Bukod rito, hinayaan ko ring pagsamahin ang pangalan namin upang maging sagisag-panulat.

Jomie Caro at Pairon Domingo.

Jopay

Ngayong nailimbag na ang librong isinulat namin, isa na ’yong malaking katuparan sa nga pangarap ni Pairon para sa ’ming dalawa.

Masaya na ’kong kahit iniwan niya ako ay iniwanan niya rin naman ako ng mga sari-saring mga alaala habang narito pa siya sa mundong ’to.

At kailanman ay nauukit ang mga alaalang ito sa puso kong palagi siyang mamahalin.

Mister Sadista's Notebook Where stories live. Discover now