Prologue

34 2 2
                                    

"Eloise, huy gising." Malambing na tono ng boses ang narinig ko at naramdaman ko din ang pagtapik sa balikat ko.

Minulat ko ang mga mata ko at nagulat sa nakita kaya sinuntok ko ito.

"Aray! yung ilong ko!" daing nya at tinanggal ang mascara na suot tsaka hinilot hilot ang matangos nitong ilong.

"Bwiset ka! Bakit kasi tinakot mo ko gamit yang maskara na yan!" turo ko sa maskarang hawak nya. Paano ba naman kasi, clown na hanggang tenga yung ngiti ang design. Hindi ko nga alam san nya nakuha yan eh.

Nag side-eye ito sa akin at natawa habang hilot pa din ang ilong nya. Napafrown tuloy ako at napacross ng arms dahil umaangat nanaman dugo ko sa pinaggagagawa nya. Maikli pa naman pasensya ko baka di ko sya matantya.

"Tara swimming." aya nito sa'kin sabay tayo sa sofa na kinauupuan namin. Inabot din nito ang kamay sa akin na tinitigan ko lang.

"Ayoko nga. Ikaw nalang kung bored ka na dito para naman wala nang asungot sa paligid ko." Pagtataray ko sa kaniya tsaka kinuha yung unan at humiga sa sofa para ituloy ang naudlot kong tulog.

"Ayoko na din, wala akong magugulo dun." ramdam kong umupo ito sa sahig, kaharap ng sofa.

Minulat ko ang isang mata ko para sumilip. Hindi malayo at hindi rin masyadong malapit ang kinauupuan nya. Nakatitig ito sa akin at nakaindian seat while caressing his face with his right hand. His eyes is full of admiration...

"Epal." tumalikod ako sa kanya para maitago ang pamumula ng pisngi ko.

Nakakainis talaga buong pagkatao ng isang Tristan Alferez.

Nakakainis talaga buong pagkatao ng isang Tristan Alferez

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The One I Never HadWhere stories live. Discover now