Kapitulo Quince

4.7K 263 7
                                    

Hello, Boyfriend!

Andres'

I would do everything to be with Ayen. I want her to wake up next to me today and assure her that I will always choose her, pero may mga bagay akong kailangan gawin sa ngayon kaya imbes na ipagpatuloy ko ang pagtulog ay bumangon ako at naghanda na. Sa isipan ko ngayon, haharapin ko ang pinakamalaking pagsubok sa buhay ko at sa magiging relasyon namin ni Ayen. I had been so scared for a long time that I never had a chance to be happy for myself. Ang tagal – tagal kong tinatanggio sa sarali ko ang nararamdaman ko kay Adriana. I tried talking to him last night, it didn't do any good. I will try again today. I hope that he listens to me. I hope he considers. Gagawin ko talaga ang lahat para lang matanggap niya kaming dalawa ni Ayen. Mahal na mahal ko sio Ayen.

Hinagkan ko siya sa noo at saka ako lumabas ng silid. I saw my mother at the hallway, nagtatakang ngumiti siya sa akin. Huminto naman ako sa tapat niya para humalik sa kanyang pisngi. I sighed again.

"Anak, hindi ba umuwi si Ayen kagabi? Hindi ko siya nakitang umalis." Malumanay na tanong niya. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Mama.

"She's still asleep, Ma. Kapag nagising siya, pakisabi po na bababalik rin ako agad. May mga kakausapin lang po ako." Ngumiti ako kay Mama, siya naman ay hinaplos ang pisngi ko.

"I'm glad that you're doing something for your happiness, anak." Sabi ni Mama sa akin. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. When I ha that talked with my father, something in me snapped. Ayokong mabuhay nang maraming pagsisisi. Nakikita ko kung gaano kalungkot si Papa, nakikita ko kung gaano ang pangungulila niya sa pamilyang iniwanan niya noon. Ngayon mas naiintindihan ko si Gerardo kung bakit ginawa niya ang lahat para lang makuha si Saina at ang kasiyahang matagal na niyang inaasam. I kissed my mother again and left. Sumakay ako sa kotse ko, punong – puno nang pangamba ang puso ko. Haharapin ko na si Tita at Ate Alona, bahala na kay Adi, kakausapin ko rin siya mamaya sa opisina pero kailangan ko munang kausapin ang natitirang magulang ng babaeng pinakamamahal ko.

I never thought my love story will be like this. I always thought that when I find the one, it will be a funny story. Iyong light lang, iyong walang masyadong problema, iyong sakto lang sa panlasa ng lahat. Pwede naman iyon, boy meets girl, they fall in love, they grow together, decided to get married and live happily ever after. Iyon lang ang gusto ko pero noong si Ayen ang napiling mahalin ng puso ko, na-realize kong hindi pala ganoon kadali ang pagmamahal. I have fallen in love before, I have wanted to get married before, pero hindi ganito ka – intense ang nararamdaman ko and because of this, I know and I am sure that Adriana is the one for me.

Fifteen minutes later, nakarating ako sa bahay nila Ayen. I got out of the car and walked towards their entrance. Ilang beses na akong naglabas- pasok sa bahay na ito, ilang beses na ba akong sinalubong ni Tita Alyana at niyakap nang mahigpit. This is home to me too. It cradled me in my younger days. I felt their love for me. I felt the care they have for me, but as I walk inside now, ang dami – daming kaba sa isipan at puso ko. Paano kung hindi rin ako matanggap ni Tita Alyana? Paano kung magalit din sa akin sj Ate Alona? Paano kung kahit kailan ay hindi ako matanggap ng mga magulang ni Ayen? What if I become the boyfriend that her family doesn't like? That will put pressure on her thus, it will end badly because Ayen will be forced to choose, and I will want her to choose her family. Hinding – hindi ko babawiin si Ayen sa pamilya niya sa ganoong paaran. I would want her to always be with her family. Kahit na ako na iyong lumayo.

Will I be able to take that risk? I will. I want to. Lahat ay gagawin ko para kay Ayen.

Kumatok ako sa pinto ng bahay nila. Hinfi naman nagtagal ay bumukas iyon at sinalubong ako nang nakangiting mukha in Ate Alona. Sumaludo muna ako sa kanya. Kahit naman pareho kaming nakasibilyan ngayon ay hindi naman maitatangging mas mataas pa rin ang ranggo niya sa akin. After saluting, she smiled at me again.

Trouble is YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon