"Huy... hindi ko naman kasalanan na mahal ako ni Azul." Mahinang wika ko. She laughed. Umiling siya at pinahid ang luha niya.

"Swerte ka talaga, Leira. At inggit na inggit ako sa'yo." She sighed again. "May anak kami. Dalawa na sana. Kaya lang, wala eh. Iyong isa, pinalaglag ko, iyong isa, binuhay ko pero hindi ko na alam kung nasaan. Ang alam ko lang, maayos ang buhay niya at mahal siya ng mga taong kasama niya ngayon. Hindi kasi siya pwede sa akin. Tama na iyong ako na lang ang magdusa sa katangahan ko sa ama niya. Malaki kasi ang posibilidad na tulad ko, ayawan din sila ng ama nila kaya... ipinamigay ko iyong isa, iyong isa, hindi ko na binuhay. Kasalanan iyon sa Diyos. Alam kong sa impyerno na ako mapupunta. Choice ko iyon."

Wala akong nagawa kundi ang titigan lang siya. Umaagos ang mga luha niya pero hindi siya humihikbi. Pinahid niya ang kanyang pisngi at ngumiti.

"Kaya ikaw, swerte ka. Mahal ka ni. Mr. Azul - na kahit ginagawa ni King David ang lahat mawala ka lang sa landas niya para maibigay kay Arruba ang lahat - ikaw pa rin ang pinipili niya. Swerte mo, madalang sa mundo nila ang ganyan."

Inubos niya ang isang kaha ng yosi sa harapan ko at nang matapos siya ay lumabas na siya sa silid namin. Ewan ko. Bigla akong nanghina dahil sa usapan naming dalawa. I suddenly wondered if David knew about those kids - siguro oo - siguro ay hindi.

Lumabas na rin ako ng silid namin. Habang naglalakad ay nasalubong ko si Arruba. Irap lang ibinigay ko sa kanya. Nakakaramdam ako ng inis sa kanya - lalo na ngayon na nalaman ko ang kwento ni Mariella.

"Leira, mag-usap tayo." Tinawag niya ako. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na lang sa kanya. Maganda talaga si Arruba - kung titingnan ay para bang may hawig siya kay Mama Mary pero mabait si Mama Mary - si Arruba ay plastic. Hindi na talaga mababago ang tingin ko sa kanya.

"May dapat ba tayong pag-usapan?"Ipinahalata ko ang inis ko. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Ayoko siyang kausapin. Ayokong mag - bitch mode on dahil mas gusto kong alalahanin si Azul kahit na nag-aalala talaga ako sa kanya. Hinarap ako ni Arruba.

"Mahal mo siya..." Wika niya sa akin. Itinaas ko ang palasingsingan ko kung saan naroon ng wedding ring namin ni Azul.

''Kasal na kami." Mariing wika ko. Natulala siya sa singsing na nasa daliri ko. She just smiled. Napapailing siya habang nakatingin sa akin.

"That's the same ring he gave me back when we were still together."

Kumunot ang noo ko. Tiningnan ko siya. Ibinaba ko ang palasingsingan ko habang nakatitig pa rin sa kanya. My ngiti ng tagumpay sa bibig ni Arruba pero wala akog pakialam.

"Ibinigay nga sa'yo, ikaw ba ang pinakasalan? Bakit ba hindi mo na lang tanggapin ang pagkatalo, Arruba? Ako ang pinili, ikaw nganga!"

"Dahil hindi ko kayang tanggapin na ipinalit ka sa akin! Ano ka lang ba? He just took you from the slums tapos ang yabang mo na ngayon!?" Sinampal niya ako. Nanlaki ng mga mata ko at sinampal din siya. Nag-init ang ulo ko. Anong karapatan niyang husgahan ang buong pagkatao ko. Wala siyang pakialam sa akin!

"Hindi nakikita sa panlabas na anyo ang pagmamahal!"

"Alam ko! Pero kaya mo kayang tanggapin na iyang taong ipinaglalaban mo ay ang siya mismong taong pumatay kay Maximo Sarmiento?"

Natigil ako at tulalang humarap kay Arruba. Alam kong kayang pumatay ni Azul. Tanggap ko iyon, hindi naman niya ginagawa iyon para sa personal niyang interes o kung anuman. Ang pagkakintindi ko ay para siyang si Robin Hood - he kills for justice - no mater how melodramatic that sounds, he kills for justice kaya lalong hindi ko maintindihan si Arruba. Sinisiraan niya lang si Azul. Umaasa siya na matatakot ako o iiwan ko si Azul dahil lang sa dahilang iyon. I am so over the fact that he could kill.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeWhere stories live. Discover now