Challenge # 19

118K 4.1K 643
                                    

"Uuwi ka na ba?"

Nabungaran ako ni Simoun sa kusina habang nagluluto ng almusal niya. Uuwi ako ngayong umaga dahil kailangan kong maunahan si Mama at Papa na umuwi sa bahay namin. Nag-half day na lang ako sa hotel.  Really felt guilty about staying here for the night. Wala naman nangyari sa amin ni Simoun - at hindi ko alam kung dapat bang makadama ako ng panghihinayang dahil walang nangyari sa amin at virgin pa rin ako - kasi naman hindi naman dapat at hindi pa dapat pero gusto ko na kaya lang nahihiya akong magsabi! - I just rolled my eyes. Ngumiti ako sa kanya.

"Oo. Darating na kasi si Mama galing Antipolo. Hindi rin ako papasok ngayong umaga sa hotel. Doon muna ako sa bahay." Nagulat ako nang yakapin niya ako mula sa likuran. I stiffened pero saglit lang iyon. Hinagkan niya ang leeg ko.

"I love you, Leira." He said to me. May kung anong humaplos sa puso ko. Huminga ako nang napakalalim. Mahal ko na ba si Simoun? Hindi ko pa rin kasi alam dahil hindi ko pa alam. I sighed. Minsan nawawalan ng logic ang pag-iisip ko dahil kay Simoun. Humarap ako sa kanya. Hindi ko pa kayang sabihin - hindi pa ako sigurado. Gusto ko kapag binitiwan ko sa kanya ang salitang iyon, ay sigurado na ako dahil wala nang bawian iyon.

"Ang landi mo." Pigil ang ngiti ko.

"Wala bang I love you too?" Itinaas baba niya ang kilay niya. I made a face. Kinabahan ako. Hindi ako mapakali. Ayoko pang sabihin dahil hindi ko pa alam kung ito  na ba ang tamang panahon. Alam kong kung may makakarinig sa iniisip ko ay maiinis sila sa akin. Here's Simoun - a man who's holding out his heart for me, saying that he loves me and yet I'm not sure. All I know is that I like him.

"Wala?" Tanong niya. "Ano, Leira, kaunting ligaw pa?" Kinindatan niya ako. I knew that he's kidding but somehow, I found myself nodding. Hinagkan naman niya ako sa noo at saka niyakap.

"Sige, kaunting ligaw pa." Bulong niya. Kilig na kilig na naman ako. Mula nang ligawan ako ni Azul ay araw - araw na akong kumukota sa kilig.

Matapos iyon ay kumain na kaming dalawa. I cooked pancakes and hotdogs. Napanguso ako habang kumakain. Napansin yata ni Azul iyon.

"Why, what's wrong?" He asked me. Tumingin ako sa kanya.

"Kasi diba, sabi mo dati, tuturuan mo akong magluto, ngayon, alam mo nang marunong ako, hindi mo na ako tuturuan, hindi na kita malalandi. Nilagay ko pa naman sa schedule ko ang paglandi sa'yo." Wala sa loob na wika ko. Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na sinabi ko ang lahat nang iyon in a loud manner. I looked at him. He was grinning.

"So nilalandi mo pala ako. May balak ka sa akin."

"Oo, gusto ko ngang ibigay sa'yo ang virginity ko--putang ina bakit hindi ako makapagpigil!" Pulampula ang mukha ko. Si Azul naman ay tawa nang tawa. Dahil sa pagtawa niya ay nabilaukan ako. Binigyan naman niya ako ng tubig at hinaplos-haplos pa ang likuran ko. Lumipat siya sa tabi ko at inakbayan ako.

"Kukunin ko iyang virginity mo, 'wag kang mag-aalala. Papahinugin lang natin."

Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Ano iyong virginity ko? Mangga? Kailangan hinog bago kainin?"

"Oh, baby, there are a lot of things in your body that I wanna eat." Kinindatan niya ako. Hinampas ko naman ang bibig niya. Napapailing na lang ako. Kung ano-anong sinasabi niya sa akin. Matapos kumain ay naghugas ako ng plato, si Azul naman ay naligo na. Ihahatid niya daw ako pauwi sa bahay. Sinabi kong hindi naman na kailangan but he insisted. Sumunod na lang ako. Ayoko nang dagdagan pa ang disappointment niya sa buhay.

Habang naghihintay ako ay narinig ko ang doorbell ni Azul. Tiningnan ko muna siya sa kanyang silid. Wala pa siya - marahil ay nasa bathroom pa kaya napilitan akong buksan ang pintuan niya. I gasped hard when I saw King David Sandoval standing before me. Ngayon na lang kami nagkita ulit matapos ang insidente sa ospital. Tiningnan niya ako ng mata sa mata tapos ay kumunot ang noo niya.

Simoun: The Aggressive Man ChallengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon