"Sorry kung na late ako ng uwi." hinging paumanhin nito.

"Okay lang yan, halika na sa kusina." aya ko dito.

Agad rin naman itong tumalima at sumunod sa'kin, ng makita sina Mama at Papa agad itong bumati.

"Good evening po Ma'am, Sir..." bati ni Izzy.

"Ay naku hija, Tita at Tito nalang ang itawag mo sa'min masyado namang formal ang Ma'am at Sir." wika ni Mama.

"Sorry po, hindi ko lang po kasi alam kung papano kayo tatawagin." tila nahihiyang tugon nito.

"Maupo kana sa tabi ng ate mo." saad ni Papa.

Di nakalampas sa'kin ang reaksyon ni Izzy na tila kakaiba ang ngiti ng marinig ang ate.

"Sige po tita." nakangiting tugon nito.

"Tabi tayo ate ha?" sambit nito ng may nakakalokong ngiti.

"Ate ka d'yan, teacher mo ko no at di nakakatandang kapatid." reklamo ko.

"Wala naman kayo sa school ate eh." sabat ni Clark.

"Kaya nga... alangan naman po tawagin lang kita sa pangalan n'yo, nakaka walang galang naman po yun." dagdag pa nito na halata namang nang aasar lang.

"Kumain na nga lang kayo." inis na turan ko.

Nag simula na silang kumain habang palihim namang napapangiti si Izzy, kaya pasimple ko itong sinipa pero mahina lang naman.

"Wow! Ang sarap po ng sinigang n'yo tita." puri ni Izzy matapos tikman ang sinigang.

"Talaga? Nagustuhan mo? Pero si teacher mo ang nag luto n'yan." sagot ni Mama.

"Pwede kana talagang mag asawa Ma'am."

"Ang totoo n'yan malapit na s'yang ikasal hija." masayang kwento ni Mama na s'ya namang nag pawala ng gana ko sa pag kain.

Nakita kong pasimple akong ninakawan ng tingin ni Izzy, bakas sa mukha nito ang pag aalala sa posibleng maramdaman ko.

"Hmmm... i-ikaw kuya ilang taon kana?" tanong ni Izzy kay Clark.

"18 years old ate..." nakangiting sagot ng kapatid ko.

"Mag kaedad lang kayo Izzy." sabat ko at pinilit na ngumiti.

"Ay sorry akala ko ahead ka sa'kin, natawag pa kitang kuya." wika ni Izzy.

"Okay lang, maganda nga yun kuya tawag mo sa'kin ate naman tawag ko sa'yo. Tadan! May pet name na tayo..." masiglang wika ni Clark.

Napangiti naman si Izzy dahil sa sinabi ng kapatid ko.

Pagkatapos naming kumain, nag presinta si Izzy na s'ya na ang mag huhugas ng mga pinag kainan. At dahil nag papa impress ang kapatid ko, nag presinta rin itong s'ya na raw ang mag huhugas.

"Thank you, kuya. Promise bukas, ako naman." wika ni Izzy.

"Wala to ate, sisiw lang to."  pagyayabang ni Clark.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚)Where stories live. Discover now