Jasmine

15 0 0
                                    

Halos hindi umuusad ang mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA. Hindi din nababawasan ang mga taong nakapila at nag-aabang nang tren dito sa platform ng MRT. Paniguradong gagabihin na naman ako nito ng uwi, sana maabutan ko pa yung sinusubaybayan kong teleserye.

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Lima!

Sa wakas nakasakay din! Walang kahirap-hirap, yung mga tao na mismo sa likod ko ang nagtutulak sa akin para makasakay sa loob ng tren.

[Tumugtog ang Supermario Game song]

Ang ganda din ng timing ng tumatawag sa akin, si mudra na siguro yun, nag-aalala na. Kahit siksikan pilit kong dinukot ang cellphone ko sa loob ng aking bag.

"Hello?"

"Hoy bakla, nasaan ka na ba?"

Si Mica lang pala. "Nasa MRT pa, Ortigas station."

"Dalian mo umuwi!"

Kung pwde nga lang, lumipad na ako kanina pa! "Bakit? Anong meron?" Nagtataka kong tanong.

"Basta dalian mo. O sige na ingat!" [End call]

Huh? Ano kayang meron at pinagmamadali nya ako? Naputol ang pag-iisip ko nang madaanan namin ang isang napakalaking billboard sa kahabaan ng EDSA malapit sa Cubao station. "Ang gwapo!" Mahina kong sambit. Bagong model siguro, ma-i-search nga sa google mamaya pag-uwi. Ganito ang eksena kapag single ka, mag-isa kang babyahe, maiinggit ka sa mga sweet-sweetang couple na kasabay mo sa tren, at pagpapantasyahan mo na lang ang mga gwapo at machong lalake sa billboard. Hashtag Forever Alone!

Nasa elevator na ako paakyat sa condo ng mag-ring ulit ang cellphone ko, this time si mudra na.

"Hello Ma! I'm almost home..." Hindi ko pa natatapos ang sentence ko.

"Honey, Your Dad and I will be leaving for Singapore tomorrow. Anything you want us to buy?"

Buti pa itong mga parents ko pa-tour-tour na lang. Married-life-goal! Wala naman akong maisip na ipabili kaya sinabihan ko na lang na mag-enjoy sila ni Papa. Kung nagkataon sigurong sembreak na namin sa school malamang kasama nila ako sa SG. Sa wakas at nakarating na ako sa mismong unit namin, naghihintay na si Mica sa loob. Ipapasok ko pa lang ang susi ko nang bigla naman bumukas ang pinto.

"There you are!" Hinatak akong bigla ni Mica papasok ng condo.

"Excited lang?"

"Actually, yes!"

Halata nga ang excitement sa mukha nya. Dumiretso ako sa kitchenette at nilapag ang dala kong bag sa countertop. "May pagkain ba tayo?" Tanong ko habang nakasilip sa ref.

"Mamaya na yan!" Itinulak nya ang pinto ng ref at hinawakan ako sa magkabilang balikat. May ilang Segundo din nya akong tinitigan, hindi man lang sya kumukurap.

"Okey ka lang?" Tanong ko sa kanya.

Nanlalaki ang mga mata nyang sinambit, "We're going to Paris!"

Nanlaki din ang mga mata ko.

"PARIS?!"

Tama ba ang narinig ko? Parang gusto kong maglinis ng tenga. Nabibingi na yata ako.

"P-Paris?" Nangangatal ang boses kong inulit ang katagang iyon.

Tumango si Mica bilang pagsang-ayon.

I totally froze!

Status Update: FangirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon