Natawa ako sa biglang sigaw niya chismosa talaga e. Bigla siyang na tahimik sa sinabi ko.

"Uuwi na ako." Mahina kong sabi sa kan'ya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Ang daya mo naman Zamara!"

Napapikit ako sa sigaw niya. Parang humiwalay bigla yung kaluluwa.

"Paano ko sasabihin kung biglaan?"

Narinig kong huminga siya ng malalim.

Medyo matagal kaming nag usap ni Alexis halatang namimiss ako nang sobra e.

Inayos ko na rin lahat ng gamit ko yung dadalhin ko pati na rin yung mga importante kong gamit.

Lumabas muna ako ng bahay para puntahan ang isang lugar.

Nasa tapat lang ako ng bahay ng pinuntahan ko. Bigla akong nagtago sa likod ng puno nang may biglang lumabas.

Nakita ko si Noah na may hawak ng bola. Pinagmamasdan ko lang siya habang naglalaro.

Mamimiss ko rin 'tong batang 'to.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Blake na may hawak na face towel at mukhang stress kay Noah. Bahagya pa akong natawa kasi si Noah biglang tumakbo at huminga pa ng malalim si Blake.

Nagmamadali akong umalis baka makita pa ako ni Blake.

"Zamara?" Nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses ni Blake.

Potch* naman.

Sumabay ako sa maraming tao para hindi niya ako makita at mahabol.

Halos tumakbo na ako nang hindi niya lang maabutan.

Hingal na hingal akong tumingin sa likod ko.

Hayst buti na lang.

Pumasok na ako sa loob ng bahay at umupo sa sofa. Napatingin ako sa lock screen ko.

Bahagya akong napangiti sa lock screen ko. Picture namin ni Blake no'ng nag perya kaming dalawa.

I still love you, Blake. I know it was wrong for me to leave you without a reason. But what I witnessed was enough. It was enough for me to leave you. I won't depart from the word "yesterday" we used.

Even now, I'm still confused as to why you didn't make an effort to stop me from walking away from you or at least, explain things to me.

Is what I saw.

Sinubukan kong tawagan si Lucas.

"Why?" Nagulat ako sa bungad ni Lucas sakin.

Sobrang lamig ng boses niya parang hindi siya si Lucas. Hinihintay ko pa ang sunod niyang sasabihin baka kasi mag bibiro lang pero wala.

"Magkita tayo—" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niyang pinatay.

Titig na titig ako sa phone ko buset na lalaking yon napaka bastos!

Nilabas ko na lahat ng gamit ko para mamaya deretso alis na ako. Ni lock ko na ang bahay at sa bawat habang ko.

Flashback

"Wag ka mag alala wala akong nakita."

"Promise wala, wala lang 'yong may lalaking naghatid sayo rito sa bahay promise hindi ko talaga nakita pati na rin yong pag abot ng bag sayo sabay sabing "Oh." 

——

Actually boyfriend ko si Zavier."

"K-kuya? T-totoo?"

Love Of Yesterday (COMPLETED)Where stories live. Discover now