#10 Library

101 10 0
                                    

Song: Simpleng Tulad Mo by Daniel Padilla

Ali's POV:

"So, there are five parts of a story. Ano nga ang mga 'yon?" Tanong ko sa kanila.

Dumating ang araw na pwede na akong mag-tutor sa mga high school students. Kinakabahan nga ako kanina kasi first day ko, kaso, napanaw ito ng nalaman kong dalawa lang sila. Ganoon talaga ngayon. Hindi na masyado uso ang tutor. Hay nako.

"Exposition... Rising action... Climax..."

"Falling action and conclusion."

"Correct!" Pinalakpakan ko sila pero agad ako napatigil dahil nasa loob kami ng Miguel de Benavides Library. Nasa baitang pito pa lang sila kaya parang trinato ko sila ng bata. Naaalala ko kasi si Mikmik sa kanila. Nako, heto naman tayo sa pagiging emosyonal.

"Sagutan niyo muna 'yan ha? Babalik lang ako." Tumango naman sila bago ako tumayo patungo sa mga libro. Wala akong chance na masilip ang parte ng library kanina, kaya gagawin ko muna habang ginagawa nila ang kanilang mga assignments. Ang tawag dito ay disakerte. Char.

Lumalakad ako pero ang mga mata ko ay nakapokus sa mga libro. Sobrang dami kasi eh, at ang laki pa. Napag-isipan ko na dito ako pupunta kapag may vacant o free time. Ang payapa dito at 'yan talaga ang gusto ko.

"Ano'ng tingin tingin mo diyan?" Agad kong binitawan ang libro dahil sa gulat. Mabuti na lang at hindi ko pa nakuha sa shelf.

Ay may pogi!

"Ezi? Ano'ng ginagawa mo rito?" Bulong ko.

"Syempre magbaba sa. Ano pa ba ang ginagawa sa loob ng library?" Pilosopo niya, dahilan para irapan ko siya.

"Eh ikaw, ba't ka nandito? 'Di ba tapos na klase mo? Namamasyal ka?"

Nakalimutan ko pala na binigay ko sa kanya schedule ko. Kaya naman alam niyang tapos na klase ko. Kamangha siya ha, alam ang bawa't galaw ko.

"Nagtu-tutor ako para makaipon ng pera." Saad ko at tiningnan ang mga libro muli. Bigla siyang tumahimik kaya napatingin ako sa kanya.

"I thought kami na ang bahala sa gastusin mo? Napag-usapan na natin 'to 'di ba?" Kumunot ang noo niya. Hay, tigas ng ulo!

"Ezekiel, kaya ko na ang sarili ko. Kahit hindi naman gaano kalaki ang babayarin sa akin sa pagtu-tutor, gagawa ako ng ibang paraan." Dahan-dahan lumambot ang ekspresyon niya.

Mabuti at naiintindihan niya na rin ako. Hindi ko naman gustong lagi akong aasa sa kanila financially. Tinuruan ako na dapat paghirapan ko talaga ang lahat. Hindi pwedeng abusuhin ang kabaitan nila. Hindi naman ako ang naghihirap sa pera nila, sila 'yon.

"Kung para matapos na ang pagtalunan natin, sige, papayag na ako."

"Mabuti naman. Salam—."

"Ilang beses na rin din kasi tayong nag e-LQ."

"Ano?!" Napasigaw ako sa sinabi niya at alam ko namang mali 'yon dahil marami akong narinig na nagsit-sitan sa amin.

"Yun ang sabi ng mga barkada ko eh. Lagi daw tayong nag-aaway mag-asawa." Nakita ko kung paano tumaas ang gilid ng labi niya. Gusto ko sana sumigaw ulit pero baka mapagalitan na talaga kami.

𝐓𝐨𝐨 𝐒𝐨𝐨𝐧 | 𝐖𝐨𝐧𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡Where stories live. Discover now