#1 Hopes & Wishes

829 15 0
                                    

The university, places, and events mentioned is strongly not as accurate to what is happening in real life and will never be connected with the school. The author didn't use the name of school for an advantage and will forever respect it. The author also tried their best to learn exact places and happenings throughout writing the story. But just to remind you again, this is a work of fiction. 

Ali's POV:

"Napakabagal. Pustahan, mauunahan ka pa ng pagong diyan." Lumiko yung ulo ko at pinagmasdan ang aking kapatid. Agad akong napasimangot at lumakad patungo sa kaniya.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo, Arnold Mikhael Levista." Humawak ako sa aking beywang. Tinitigan niya ako sa mata na para bang hinahamon niya ako.

"Ang sabi ko, daig mo pa ang pagong sa paglalakad, Alyssa Liezel Levista." Sinunod niya ang pagkahawak sa beywang ko at dinilaan ako. Aba—

"Hayop kang bata ka?! Bumalik ka dito dugyot! At talagang hindi mo akong tinawag na ate ha?! Mikmik!" Binuhos kong lahat ng aking boses para lang sa isang sigaw na 'yon.

"Kakagigil neto!" Inis kong sinabunutan ang buhok ko at hindi nagpatalo. Nagsimula akong tumakbo para lang mahabol siya.

"Huli kang bata ka!"

"Aghhh! Ate! Ano ba? Bakit ang bilis mong nakatakas sa putikan? Wow ha, bigla ka na lang bumibilis kapag kalokohan na. O talagang ayaw mo lang maging katulad sa pagong?!"

"What if shumut-up ka? Ikaw talaga ang itatanim ko rito sige ka!" Hinila ko siya sa tainga at pinisil ito. Agad naman siyang napasigaw sa sakit.

Ilang minuto ang lumipas at nasawa na kami sa kakabardagulan. Napagod na rin ako sa kakasuway sa batang 'to. Kaya naman, napag-desisyonan namin na kumain muna bago bumalik sa bahay.

"Kamay." Demanda ko at sinunod niya naman. May dala akong plastic bottle na may lamang tubig. Pangpunas ito sa kamay namin dahil nagtanim kami ulit ni Mikmik.

Binalik ko ang bote sa lumang basket at kinuha ko ang meryenda namin. Simple lang naman, sandwich lang na may palamang mayonnaise at tsaka maliit na juice. Heto lang kasi yung makakaya namin, lalo't na nasa probinsya lang kami.

"Op, dasal muna." Mukhang gutom na gutom na ang kapatid ko at napabilis sa pagnakaw ng pagkain. Tinaas niya kaagad ang kanyang dalawang kamay at humingi ng pasensya. Tumawa na lang ako. Pagkatapos naming magdasal ay kumain na kami kaagad.

"Ganda ng sunset ate, kita mo?" Inaabala ko ang sarili ko sa pagkain ng bigla niyang tinuro ang tanawin sa harapan namin. Patag kasi yung tinataniman namin kaya makikita namin ng buo ang sunset.

"Syempre nakikita ko kasi nasa harapan ko lang." Pangpilosopo ko.

"Baliw." Tugon niya at kinagat yung tinapay na may palaman. 'Di niya na ako agad pinansin. Halatang patay gutom siya eh. Kulang na lang kainin niya pati ang basket na dala namin dito.

"Ate," Kakagatin ko na sana yung tinapay kung hindi sana siya nagtanong.

"Ano?"

"Wala na lang pala." Sinipsip niya ang kanyang juice at binalewala yung tanong ko. Bumuntong hininga ako at napag-isipan na ituloy ang aking pagkain ng,

"Ate,"

"Mikmik ano ba?!" Inis kong saad at pinigilan niya ang kaniyang tawa.

"Calm down ate, daig mo pa ang bulkan na sasabog." Tinatipik-tapik niya ang kanyang kamay sa aking balikat at nagpapanggap na pinapakalma ako. Kunware concerned, ganon.

𝐓𝐨𝐨 𝐒𝐨𝐨𝐧 | 𝐖𝐨𝐧𝐦𝐢𝐧𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐥𝐢𝐬𝐡Where stories live. Discover now