New housemate

2 0 0
                                    

6:30 am - Saturday

Tunog ng tunog ang doorbell sa condo unit ni Miguel.

"Tres! Buksan mo yung pinto dali!" Sigaw ng babae habang kinakatok ang pinto.

Napabalikwas si Miguel sa kama niya ng makilala ang boses sa labas, dali daling siyang tumakbo para buksan ang pinto.

Dumiretso sa loob ang babae.

"Teka Gary... Anong..." Naguguluhang tawag ni Miguel habang tinitignan ang kaibigan na may dalang maleta.

Wala itong kibo,  dumiretso ito sa kusina at binuksan ang ref tapos kinuha ang cookies n' creme flavor na ice cream.

Napa hinga nalang ng malalim si Miguel, "Margarette, kailan kapa dumating?" Tanong nito habang kinukusot ang mata at umupo sa sofa.

"I hate my life!" Inis nitong sigaw.

Tumayo si Miguel at nag unat unat na tila bang sanay na sa pag rarant na kaibigan. Pumunta siya sa kusina at nag init ng tubig para mag kape.

"Tres nakikinig kaba?!" Sigaw ni Marga na nasa kusina na din ngayon habang kumakain ng ice cream.

Ngumiti si Miguel, "Gary, inom muna ako ng kape ha." Malumanay nitong sagot.

Gary ang tawag ni Miguel kay Marga dahil nung bata sila siga kung umasta si Marga, habang si Miguel naman ay Tres dahil the third siya.

Napa irap si Marga. Tsaka umupo sa may bar counter at inilapag ang ice cream.

"So, anong nangyari?" Tanong ni Miguel sabay abot ng tinapay na may palaman na nutella. "Here. Kumain ka muna bago mag ice cream."

Kinuha naman ito ni Marga, "Carl and I broke up." Mahinang sagot nito.

"Na naman?" Naka ngising tanong ni Miguel. Dahil sanay na siya na on and off sila dahil updated naman si Miguel sa buhay ni Marga kahit nasa US ito.

Nagulat siya ng makita si Marga na umiiyak.

Nag seryoso agad ang mukha ni Miguel.

"Sorry..." Mabilis na sabi nito tsaka tumabi sa kaibigan, "Ano na namang ginawa sa'yo ng gagong yun?" Tanong ni Miguel.

Humihikbi si Marga, "Kasi naman eh, nakita kong may kasamang babae."

"Sinabi ko na kasi sa'yo noon pa eh! Gago yang lalakeng yan" Iritang sabi ni Miguel, "Tapos binalikan mo pa?! Kulit mo kasi eh!" Pangangal ni Miguel.

Di kumikibo si Marga.

"Tarantado talaga yung hilaw na bangus na yan!" Galit na tugon ni Miguel.

Natawa naman si Marga, "Ano ba nag dadrama ako dito eh." Sagot ni Marga habang pinupunasan ang luha niya gamit ang t-shirt ni Miguel.

"Talaga naman eh, maputi lang siya at englishero! Nako wag siyang magpakita sa akin gagawin ko siyang paksiw!" Gigil na sagot ni Miguel.

Natahimik si Marga.

"So anong plano mo ngayon? Nag paalam kaba kila Tito George and Tita Marie bago umuwi ng Pinas?" Tanong ni Miguel.

"Of course they know..." Sagot nito, "Kaya nga sila pumayag kasi alam nila na dito ako mag sstay eh."

"Buti na..." Napakunot ang noo ni Miguel, "Teka, mag sstay? Dito?" Sabay turo pa, "As in dito sa condo ko?" Sunod sunod niyang tanong.

Tumango si Marga.

"Wait lang ha..." tumayo si Miguel, "Kahit mag bestfriend tayo at gusto ko okay ka, di ka pwede dito isa lang kwarto ko oh!" Mabilis na pag anggal ni Miguel. "Saan ka matutulog?!" Dagdag pa nito.

Huminga ng malalim si Marga, "Okay fine... ikaw ang una kong pinuntahan kasi akala ko welcome ako dito... yun pala ayaw mong tulungan yung best friend mo... na nag ligtas sayo nung nahulog ka sa sapa, yung best friend mo na binuhat ka nung bigla kang hinika sa daan... yung best friend mo na sinamahan ka nung nagpa tul..." Tinakpan agad ni Miguel and bibig ni Marga.

"Sabi ko nga mas masarap matulog sa sofa eh. Lagay ko na yung maleta mo sa kwarto ha?" Tanong niya habang naka ngiti.

EPILOGUE

Summer of 2004 - 6 year old Miguel and Marga

"Tara Tres!" Sigaw ni Marga na nasa kabilang dulo ng sapa. Patawid na si Miguel ng madulas ito, dali daling kinuha ni Marga ang mahabang stick at inilapit ito kay Miguel. "Kunin mo dali!" Naabot ni Miguel ang dulo ng stick at hinila siya ni Marga paakyat.

Summer of 2005 - 7 year old Miguel and Marga

"Lampayatot! Lampayatot!" Sigaw ng mga kalaro ni Miguel sa habulan. Kakalabas lang ni Marga sa gate nila ng makita si Miguel na hinihika. "Hoy! Bakit niyo inaaway si Miguel!" Sigaw nito sa mga kalaro ni Miguel. Nag sipag takbuhan sila at ng makalapit na si Marga, iniluhod niya ang isang tuhod niya at yumuko, "Tres lika na, pasanin na kita."

Summer of 2007 - 9 year old Miguel and Marga

Nakatago si Miguel sa isang malaking puno sa may tambayan nila, alam ito ni Marga dahil dito sila madalas nag tatago pag nag lalaro. "Lika na." Pag aaya nito sa kaibigan. "Ayoko... natatakot ako." Sagot ni Miguel na nakayuko. Inilahad ni Marga ang kamaya niya, "Hahawakan ko kamay mo para may makurot ka pag masakit yung injection."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

If We Fall In LoveWhere stories live. Discover now