"Thank you so much for being there for us throughout these years... We appreaciate every single little thing you've done for us... To the band. We could'nt be here... In front of thousands of people living our dreams without you. We're going to play one of our old song... Hope you like it thank you."

Natapos ang sound check na masaya at nagenjoy ang lahat yun naman talaga ang main goal ng party na yon. Magkaroon ng unforgettable intimate experience ang mga fans kasama ang mga idolo nila. Ito na rin yung isang way ng pasasalamat ng banda sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanila.

.......................

Nasa backstage kami at naabutan ko don si Ashton habang nakikipagkwentuhan.

Yung isa don namumukhaan ko kasi kanina nakasalubong ko yon sa hallway.

Siya yung may highlight yung buhok.

Nginitian niya pa nga ako at sa tingin ko mabait siya ganun din yung isa niyang kasamang babae na may kulay at maiksi ang buhok.

"Gabby!" Kumaway si Ash sa akin at lumapit ako sa grupo nila na nakatayo sa gilid.

Binigyan nila ako ng ngiti at binati.

"Guys, siya yung kinikwento ko sa inyo kanina pa..." Narinig kong sinabi ni Ash.

Nakakahiya naman malaman na ako pala yung pinaguusapan nila kanina.

"... Gabby... Si Rena... Lead vocalist, Miranda.... At Casey." Pakilala ni Ash don sa tatlong kasama namin.

Oh, si Rena pala yung isa sa mga bakasalubong ko kanina.

Mukha namang mababait sila at madaling mapakisamahan. Masaya ako na may bago na naman akong nakilala.

"Sila yung makakasama natin sa ilang Show para maopening act. Hey Violet ang pangalan ng banda nila... Higit sa lahat kababayab natin sila!" Masayang sinabi ni Ash habang nagkwekwento.

"Oh... local OPM bands ang astig." Yun na lang ang nasabi ko.

Kinkwento ni Ash kung paano ba nila nahanap ang Hey Violet sa Pinas.

Sinabi niya din kung sinu-sino yung nakadiscover sa talentes na bandang ito.

Hanggang sa masabi na niya na isa sa mga rason kung bakit ang gusto nilang kunin na banda ay tiga Pilipinas para makinggan at maibahagi ang Pinoy sound sa buong mundo.

Napansin ko yung hawak na mga bote nila Casey at Ash.

Malamang beer yon.

Hindi kaya mapadami naman ang inom nila bago yung show?

"So magkakakilala na pala kayo matagal na?" Curious na tanong ni Miranda sa akin.

I nodded at her instantly.

"Sa iisang campus kasi yung pinapasukan namin. North Richmond..." Sabi ko sa kanya.

"... Bale schoolmates kami..."

"Eh sino classmate mo?" She asked.

"Sila Calum at Luke."

"Wow, ang galing pala... Nakakatuwa naman na dito pa kayo nagkita-kita sa Europe."

"Oo nga eh."

"Kamusta pala yung pagshshoot sa kanila?" Tanong naman ni Rena sa akin.

Naging mas interisado silang magtanong ng magtanong sa akin tungkol sa highschool life kasama ang 5SOS at sa photography ko.

Naexcite naman ako ng mapunta yung 'topic' don sa passion ko. Buti na lang bitbit ko na tong dslr ko kaya napakita ko na sa kanilang dalawa yung mga shots na nakuha ko last time sa stage.

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon