004

2.2K 37 6
                                    

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

The next whole week wala akong ginawa kundi libangin ang sarili ko at magkaroon ng free time sa favorite hobby ko.

Dumayo pa ako sa kabilang bayan para lang makapagshoot. Nabalitaan ko kasi yung mini festival don at naging curious ako sa magiging outcome ng event na to lalo na yung mga progtams kaya dinayo ko sayang yung chance at yung experience.

Tinitignan ko sa laptop ko yung mga nakuhanan ko.


/FLASH BACK/

Kung sa baguio merong sikat yung panagbenga festival dito rin sa napuntahan kong bayad ginaganap yung mini festival ng mga roses from different shades of color nakakalat ngayon sa paligid.

Nakaka-amaze tignan yung ganda nito.

Lalo na't halos lahat ng makikita mo sa daan may touch of it's color.

Nangingibabaw yung kulay pula ganun din yung white and pink. Ang ganda talaga sa paningin at nakakarelax tignan.

At higit sa lahat ang bango pa.

Ang dami ng tao sa daan inaabangan yung mga float na pinaparada.

Nalaman kong may contest kung sino yung pinakamagandang design ng float siya ang mananalo at malaki daw ang price.

Naglakad-lakad din ako hawak ying camera ko.

Hindi ko pinapalagpas yung bawat segundo lalo na't mabilisan yung action ng mga tao sa paligid.

May mga nakangiti...

May mga katulad kong namamangha sa mga bulaklak na nakikita nila...

May mga batang naghahabulan sa tabi ng daan...

May mga 'couple' na magkahawak kamay...

May mga street dancers na nangaaliw sa mga dayo...

Hindi ko pinalagpas yung mga scene na to sa bilis ng pagclick ko sa camera.

Naghanap ako ng magandang pwesto at sunod-sunod ulit kinunan yung mga tao na naglalakad kasama ng prosisyon sa daan.

I felt someone's tugging my shirt.

Napahinto ako at binaba yung camera para tignan yung taong humihila sa damit ko at nakita yung batang babae na napakaputi, mahaba ang buhok,mapula ang labi at ang pisngi, napansin ko din yung freckles sa mukha niya na at yung magandang floral na damit.

Nagsquat ako hanggang sa mag-abot na kami ng taas at nginitian siya.

"... Hey sweetie what is it?..." I asked her softly.

Inabot niya lang sakin yung puting rose.

"... Is this really for me?..."

Nagnod siya sa akin at mas lalong namula yung pisngi niya.

Natawa ako at hinawi ang buhok niya at nginitian.

"Thank you... That's so sweet of you." Pinagmasdan ko saglit yung rose at inamoy ng may maalala.

"Can I take picture of you? If that's okay?"

Nagnod siya sakin ulit.

"What's your name sweetheart?"

"Lucia...."

Napangiti na lang ako dahil may naalala akong tao na sumagi sa isip ko agad ng marinig yon.

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Where stories live. Discover now