Sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko pero kahit anong motivational words ang paulit-ulit kong sinasabi wala pa din.

Bakit ba kasi?

Ang daming nangyare kanina na nakakabigla naman talaga. Hindi ko lubos akalain na dito kami magkakaroon ng reunion.

Sa ganitong pagkakataon...

Sa ganitong lugar...

Hindi ko akalain na sa dinami-dami ng taong makukuha ako pa talaga ang naging band photographer ng grupong sikat na sikat na ngayon.

5 Seconds of Summer.

Kanina sa Sound Check nasaksihan ko mismo kung gaano na kalayo ang narating nila.

Yung magkakaibigan na ang passion ay pagtugtog ng mga instruments.

Yung magkakaibigan na nanangarap na tumugtog sa harap ng maraming tao.

Yung magkakaibigan na ang gusto lang gawin ibahagi ang talento nila sa mundo.

Namiss ko sila.

Yung sigaw ni Mikey kapag may bagay na kinatutuwaan siya.

Yung pagkwekwento ni Ash tungkol sa mga bagay-bagay.

Yung kakulitan ni Cal kapag magkakasama na silang apat.

Si Luke...

Wala siya kanina sa Sound Check nung nagsimula sila Ash kaya di ko man lang siya nakita.

I feel disappointed of course pero may parte na ayos na yon.

Bakit?

Kasi siguro nakakaoverwhelmed yung mga nangyare kani-kanina lang tapos makikita ko siya.

Makikita ko siya sa hindi inaasahang pagkakataon makalipas ang ilang taon na halos walang communicatiom.

Hindi pa ako handa...

Pero ngayon na nandito na ako hindi na malayong magkita na kaming dalawa.

Napabuntong hininga na lang ako.

Dapat ko ng ihanda ang sarili ko ngayon pa lang kasi ilang segundo,minuto o oras na lang ang bibilangin magkkrus na naman ang landas namin sa ayaw at sa gusto ko.

....................

Malamig sa venue that's for sure pero kabaliktaran non ang pakiramdam ko.

Pinagpapawisan ako na para bang lalagnatin.

Masama ang timpla ng tiyan ko dahil sa kaba.

Hindi maalis ang panginginig ng daliri ko habang kinukunan sila ng litrato sa stage.

Nandito ako ngayon nakapwesto sa gilid katabi ang mga naglalakihang bouncer at security na nakabantay sa mga fans na nasa front seat at malapit sa stage.

Nakakabingi ang hiyawan at sigawan ng mga tao na halos mabingi na ako.

Sa katagalan nakasanayan na ng pandinig ko kaya di ko na iniinda.

Yung mga ilaw sa stage lang ang nagbibigay ilaw ngayon sa buong venue.

Hawak-hawak ko yung dslr sa kamay ko at yung isa naman sa pindutan.

Finocus ko kay Ash na bigay todo sa pagdr-drums sa gitna. Siya yung isa sa nagbibigay buhay ngayon sa mga taong nakikisabay sa 'beat' na nanggagaling sa drums.

Nakakuha ako ng ilang shots at sinunod si Calum na nakatayo hindi kalayuan sa akin.

Kitang-kita ko yung 'saya' sa mga mata niya at yung pangilan-ngilang ngiti na binibigay niya sa audience lalo na yung nakapwesto sa side niya.

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon