Wala itong nagawa kung hindi ang bumuntong hininga at sinamaan ng tingin si Ashen.

"I'll go now, babe. I'll see you next time." Saad nito matapos tumayo at hinalikan ako sa labi na labis kong ikinabahala dahil nakita kong napaiwas ng tingin si Adelaide.

"O-okay."

Agad din namang umalis si Cal matapos tapunan ng masamang tingin si Ashen at nilagpasan lamang si Ade.

"Haynako, Everette! 'Yang jowa mo, ha? Wala talagang asal." Nasstress na pahayag ni Ashen at umupo sa harap ko, while Ade, sat beside me.

Agad kong nalanghap ang pabango nito na labis kong namiss dahil ilang araw ko itong hindi nakita.

Her scent smells like citrus.

"Hi." Tipid nitong bati sa akin at ngumiti.

Agad naman akong napakagat ng pang ibabang labi dahil lumabas nanaman ang dimple nito.

"Ay, grabe! Parang ngayon lang kayo nagkakilala, ah? Talaga, Ads? Hi? Akala ko ba namiss mo?" Dahil sa sinabi ni Ashen, hindi ako magkanda-ugaga sa pagbigay kay Ade ng tubig dahil bigla itong inubo habang nakatingin ng masama kay Ashen.

Uminom ng tubig si Ade matapos makalma ang sarili. Namumula na rin ang magkabilaang pisngi nito at abot na hanggang tainga n'ya.

"P-please, shut it, Lilac!" Mahina, ngunit may diin ang pagkasabi ni Ade kay Ashen.

Tumawa naman ang huli at hinampas pa ang lamesa dahilan para mapakislot ako sa inuupuan.

Parang tanga talaga 'to!

"Ashen, please, ikalma mo ang pagkabaliw mo." Sabi ko at tumingin ng masama sakan'ya.

Agad nitong itinaas ang dalawang kamay at tumayo para pumunta sa counter.

Tumingin ako kay Ade nang makalayo na si Ashen sa amin.

"Are you okay?" Mahinahong tanong ko sakan'ya na ikinatango lang n'ya.

Sinandal ko ang sarili sa sandalan ng upuan at pinagkrus ang braso sa dibdib. Tumingin ako kay Ade at ngumiti na may halong tukso.

"So, you missed me?"

FLASHBACK

"I like you, Adelaide."

Kinabahan ako dahil hindi agad nakapagsalita si Ade matapos kong sabihin sakan'ya ang nararamdaman ko.

Nakatingin lamang ito sa akin at hindi ko alam kung anong klaseng tingin iyon. Para akong nalulunod sa paraan ng paggalaw ng mata n'ya, pababa sa mga labi ko at agad naman itong napalunok.

"Iris..."

Napahigpit ang hawak ko sa gitara ko sa antisipasyon na pinapadama nito matapos nitong tawagin ang pangalan ko.

"Why do you like me?" Tanong nito na nagpakaba lalo sa akin.

Huminga ako ng malalim at nilagay sa gilid ko ang gitara. Lumapit ako ng kaunti sa p'westo n'ya at itinukod ang kamay sa kama.

"Why do I like you?" Mahinang tanong ko habang mataman na nakatingin sa mga mata n'ya.

Her facade is so soft and light. Gusto ko mang hawakan ang pisngi n'ya, pero pinigilan ko ang sarili.

Ngumiti ako ng tipid sakan'ya at kumibit balikat. Dahil sa totoo lang, hindi ko naman talaga alam kung bakit gusto ko ang babaeng ito.

I feel so comfortable around her.

I feel so secured when she hold me.

I feel so soft when I am talking to her.

Everything about her makes me like her.

"But you have a boyfriend, Iris." Mahinang usal nito at pinaglaruan ang dulo ng damit n'ya.

Ade, you're melting me!

"And ayokong magkaproblema kayo just because you like me, Iris. It's a big no talaga for me, Iris." Dugtong nito at umiling iling pa.

Napatawa naman ako ng mahina dahil sobrang cute talaga n'ya. Namumula rin kasi ang tainga niyo habang kagat ang labi.

Dahil doon, hindi ko napigilan ang sarili na patakan ng magaang halik ang labi n'ya.

"Iris! I told you!" She exclaimed and hide herself under my blanket.

END OF FLASHBACK

Matapos kasi nang gabing 'yon, hindi na kami nagkita ni Ade dahil naging sobrang busy ako sa council at plates.

Hindi ko rin ito nakikita sa campus, at minsang napadaan ako sa office ni Dean noong may ibinigay ako sakan'ya, tinanong ko ito kung nasaan ang anak n'ya, pero kumibit balikat lamang ito at nilanghap ang bulaklak na hawak n'ya, na mula sa asawa nitong kakalabas lang ng opisina nito bago ako pumasok.

Dumagdag din sa isipin ko itong si "Mysterious Rye" na may sulat nanaman na iniwan sa locker ko.

My heart is confused how Rye's words are so familiar, yet foreign. Bumalik sa ala-ala ko ang mga katagang nakasulat doon at ilang beses ko pa itong binasa.

-

Iris Everette,

You have no idea how my heart pound faster than it should everytime I had the chance to have a glimpse of you. My heart rattle by just hearing your voice. You make every beat of my heart countless, my Everette. I like you more...

Love,

Rye

-

"Yes." Mahina, ngunit nagpabalik iyon sa akin sa reyalidad.

Nakaiwas ito ng tingin sa akin at kita ko sa pwesto ko kung paano nito pigilan ang ngiti na gustong kumala sa mga labi nito.

Thinking Rye's words, ganitong ganito rin pala ako kay Ade. Laging kinakabahan kapag nakikita ko s'ya. Does that mean, I like her more?

"I know." Sabat ko, dahilan para tumingin ito sa akin na magkasalubong ang kilay.

"And how, Iris?" Takang tanong nito, still, suppressing her smiles.

"Based on Ashen's words, and..." Pabiting sabi ko at inilagay ang hintuturo sa chin ko.

"And??" She asked.

Ngumiti ako sakan'ya and I gently reached for her cheek and slightly caress her soft rosy cheek.

"I just feel that you missed me, 'cause I missed you." Mahinang sabi ko, na kami lamang ang makakarinig.

She closed her eyes and breathe.

"I miss you so much, Iris Everette." She softly mumbled.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, RyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon