CHAPTER 15

5.8K 277 130
                                    

Kanina pa ako iritang irita sa mga ginagawa ni Cal sa akin.

"Babe! Are you even listening? Ngayon na nga lang ako nagkaoras, hindi ka pa makikinig." May himig na tampo nitong usal matapos ko itong hindi pansinin.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na Cafe near sa University. Nag text kasi ito kaninang umaga na magkita kami after lunch dahil iyon lang daw ang libre nitong oras at namimiss na raw n'ya ako.

Muli nitong sinundot ang tagiliran ko dahilan upang mainis na ako sakan'ya.

"Can you please behave, Cal? I'm doing my studies here, and you keep on annoying me. Kanina ka pa." May inis sa boses kong pahayag at bumalik sa pagsusulat.

May gulat man sa itsura nito, hindi ko na ito binigyan pa ng pansin.

"Cal? Really?" He said in disbelief.

Lihim akong napairap dahil sa kaartehan n'ya.

"You can tell me if ayaw mong nandito ako. I'll leave, Everette." Seryosong saad nito matapos kong tapunan ito ng walang emosyon na tingin.

"Then leave." Saad ko.

Bakas ang gulat sa mukha n'ya matapos kong sabihin iyon.

"Wha--"

"Eveeeeretteee!!" Naputol ang dapat na sasabihin ni Cal matapos marinig ang sigaw ni Ashen pagkapasok ng Cafe.

Sanay na ang mga crew dito sa kaingayan ng babaeng 'to kapag napapatambay kami.

Nakangiti ito habang naglalakad papalapit sa akin at hindi ko inaasahan na may kasama ito na labis na nagpakaba sa akin.

Adelaide.

Biglang uminit ang pisngi ko noong matagpuan nito ang mata kong nakatingin sakan'ya.

She's walking so beautiful, wearing a black croptop and a washed maong pants. Paired with a White Highcut Chuck Taylor Converse.

"Oh! Isara ang bunganga at baka mapasukan ng langaw!" Agad akong napakurap sa lakas ng bunganga ni Ashen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh! Isara ang bunganga at baka mapasukan ng langaw!" Agad akong napakurap sa lakas ng bunganga ni Ashen.

Epal talaga!

"What are you doing here, Cal? Aren't you busy with your work?" Mataray na baling nito sa lalaki na nakatingin sakan'ya ng masama.

"Bakit? Hindi ko ba p'wedeng dalawin ang girlfriend ko, Ashen?" Patanong na sagot naman nito.

Ngumisi lamang si Ashen at hinila si Ade na matamang na nakatingin sa akin.

How I miss those eyes!

"Cal, lunch break's over. P'wede ka nang bumalik sa trabaho mo at mag-aaral pa kami. Okay?" May pagkasarkastikong sabi ni Ashen kay Cal, at walang nagawa ang huli kung hindi ang tumingin sa akin at humingi ng tulong.

"Go now, b-babe. Busy ako today." May lambing na usal ko para hindi na umangal pa. Gusto ko na rin kasi itong umalis, lalo na't nandito si Adelaide. Ayaw kong makita n'yang nandito rin si Cal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love, RyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon