CHAPTER 10

3.4K 227 145
                                    

Napahinga ako ng malalim matapos mailapag ang bag ko sa kama.

It's such a tiring day.

Napahiga ako at napaisip kung bakit parang dumidistansya sa akin si Ads nitong mga nakaraang araw.

Is it still about that kiss?

Ang tanga ko naman kasi para halikan s'ya nang gano'n gano'n nalang. She's Adelaide Lerson. Obviously, everyone adore her, pero hindi naman umabot sa point na hahalikan s'ya. Except from the girl she's been accompanying last three days ago.

FLASHBACK

"Pres, mamayang 3PM ang meeting 'di ba?" Tanong sa akin ni Johann noong makasalubong n'ya ako sa hallway.

Tumango nalang ako at inayos ang pagkakasukbit ng bag ko. Ashen is not around dahil nasa Cafeteria na s'ya. Doon nalang daw n'ya ako hihintayin.

"Omg! Is she the new student?"

"Dude! Ang ganda n'ya. Magiging akin 'yan in a week."

"Is she Adelaide's girlfriend?"

Nakuha ang atensyon ko dahil sa bulong bulungan ng mga estudyante rito sa hallway. Nakatingin ang mga ito sa baba kaya dala ng curiousity, napatingin din ako.

Nakita ko kung paano tumawa at higitin ni Ade ang damit ng kausap n'ya dahil sa sobrang pagtawa. 'Yung babae naman, nakaakbay lang din kay Ade at sobrang lapit pa ng mukha nang dalawa.

"Kaibigan n'yo po si Ade, 'di ba? Kilala n'yo po ba ang kasama n'ya? Ang ganda, eh. Bagay sila." Tanong sa akin ng isang estudyante na katabi ko.

Muntik ko na itong ismiran at sungitin, buti napigilan ko at naalalang President pala ako rito.

"No." I replied coldly and left.

Bagay sila? The hell!

Nakasimangot akong naglakad papuntang Cafeteria at sa kamalasan nga naman, nasa pintuan ang dalawa. Nakaakbay pa rin ang babae kay Ade at mukhang hindi mapaghiwalay.

Pag-umpugin ko pa kayo, eh!

Hindi ko na sana papansinin si Ade dahil badtrip ako, pero malakas na tinawag ako ni Ashen mula sa loob kaya napatingin ito sa akin.

"Iris." She said plainly.

Oh, pag sa akin, nawawala ang mga ngiti n'ya? Pero kapag sa babaeng katabi n'ya, todo makatawa?

"Ads, hi." Pagbalik bati ko sakan'ya at pilit pang ngumiti.

The girl beside her is staring at me from head to toe.

Napangisi ako sa loob loob ko dahil kumpyansa ako na maganda ako.

"Ads? I didn't know na commercial kana, R--" Biglang tinakpan ni Ade ang bunganga ng babae at tumawa ng pilit.

"Just shut up, Audry Gyle." Bulong ni Ade sa Audry na 'to, dahil kumakawala na ito sa pagkakahawak n'ya sa bibig.

"The fuck, Ade! Papatayin mo ba ako?" Pasinghal na sabi ng Audry na 'to kay Ade at hinampas pa sa braso.

Inirapan lamang s'ya ni Ade at binatukan na labis na ikinagulat ko. Humarap sa akin si Ade ng nakangiti at inakbayan si Audry na ikinairap ko.

"Iris, this is Audry Gyle Salgado. My childhood bestfriend." Pagpapakilala ni Ade kay Audry sa akin.

"Aw, my sweetpea." Sabat ni Audry at hinalikan pa si Ade sa pisngi ng halos tatlong segundo, na ikinatawa ng isa.

"Sweetpea mo mukha mo, Gay." Sabat ni Ade at tumingin sa akin.

Love, RyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon