PROLOGUE

44 2 2
                                    


"Gagi, Eya. Ang laki ng building.."



Sabi ni Callyn na namangha sa laki ng building ng company na pinagsalihan ng kuya niya. Andito kami ngayon dahil para bisitahin ang kuya ni Callyn na kaka-debut lang nila kahapon bilang isang Ppop Idol at nag-release sila ng kanilang kantang 'Go Up'. Gusto niya raw i-congratulate at surprisahin sila, eh. Sumama lang ako kasi ayaw niya daw mag-isa na pumunta dito! Ang busy ko pa naman sana, hays.




"Tara na, Cal. Bilisan na natin dito." Sabi ko pa dahil nga may gagawin pa kong plates pagka-uwi namin sa dorm. Pumasok na nga kami sa building at binati ang mga staffs. Tinanong namin kung pwede ba namin bisitahin ang SB19, yan 'yung group name ng kuya niya. Pumayag lang din naman kaagad sila dahil nagpa-kilala si Cal bilang kapatid ni Josh, yung kuya niya.




Habang papunta na kami sa nasabing floor ay para kaming mga batang naliligaw. Sino bang hindi maliligaw sa laki ng building na 'to, diba? Callyn was holding me tightly dahil nga, hindi rin alam kung san ba kami tutungo.




"Eya, what if? Haunted pala tong company building nila.." Sa kaba at takot ng kasama ko ay napa-what if nalang siya. Hindi ko na siya sinagot dahil busy ako kakatingin kung tama ba tong pinuntahan namin! Sabi nila ay nasa fourth floor daw 'yung training room ng SB19, tama naman 'yung floor namin, kaso ang laki rin pala ng floor kaya naliligaw kami kung saang room ba kami papasok.




"Wala bang workers or ibang tao dito? Kanina pa tayo lakad ng lakad, ah. Wala man lang tayong nakikitang tao para tanongin sana." Sabi ko pa. More than 5 minutes na kami na nag ikot-ikot sa lugar kaso wala talagang tao!




We decided to stopped walking at huminto sa elevator kung sana kami nanggaling, naisipan na ni Cal na i-text nalang yung kuya niya para malaman na namin kung anong room naroon sila. Surprised sana to, eh. Hindi na lang!




"Nako, Eya.. lowbatt yung phone ko." She said and showed me her dead phone. "Anak ng.." Bakit hindi siya nag-charge?! Nakakainis na talaga 'tong pagpunta namin dito!




"Hays, dito ka lang. I'll find someone who can help us." Sabi ko kay Callyn at nag-lakad na paalis, pina-stay ko siya doon para man lang maalala namin kung saan kami nanggaling. Baka kinakailangan na namin mamayang bumaba para mag-patulong sa staff kapag wala akong nakitang tao dito.




At tama nga ako, wala akong nakitang tao sa paligid! Binalikan ko nalang si Callyn doon para bababa nalang kami sa floor. But when i went back to her, wala siya doon!




"Callyn?" Tumingin ako sa paligid, kaso wala talaga siya! Napasapo nalang ako sa ulo ko at napa-sandal sa gusali. Asan na naman kaya si Callyn ngayon?




"Kapoya na oi." Sabi ko. Sino bang hindi mapapagod, ha?! Kanina pa kami naglilibot dito, tas malalaman ko pang nawawala yung kasama ko?! Nakakainis!




Aalis na sana ako para hanapin si Callyn nang biglang bumukas yung elevator at may taong lumabas. Omg! Yes, may makakatulong na sakin!




He was wearing a cap, naka long sleeves stripe shirt at pants lang siya. Nag se-selpon pa siya kaya hindi niya ko napansin kaagad. I quickly went to him para kausapin siya.




"Hello, pwede ka bang tanongin?" Pagpapa-alam ko kasi baka hindi pala to ka ano-ano sa building na 'to. He then looked at me, at parang tinignan ako galing sa ibaba hanggang sa kaduluhan ng ulo ko. Para siyang nang ju-judge!




He didn't talk, kaya nag tanong nalang ulit ako. "Alam mo ba kung saan ang training room ng SB19?"




Tumingala naman kaagad siya sa 'kin at tinignan ako sa mata. Medyo natagalan siyang sagutin ako, nagtataka siguro siya kung ano ba ang kailangan ko sa SB19.




"uh.. alam mo ba, kuya?" Ang tagal niyang sumagot! Na aw-awkward nako rito. He was really just staring at me! Nakakatakot na, ha.




"yea.. " Sabi niya at nag-gesture sa kamay na sundan siya. Yes! Mahahanap ko na din sila! Magpapakilala nalang ako sa kuya ni Callyn at ipapahanap siya sa staffs! For sure, mahahanap nila siya!




Sinundan ko siya at wala akong imik habang sumusunod sa lalaki. Linibot ko lang ng paningin yung paligid at baka mahanap ko si Callyn, pero wala talaga. Nang makarating na kami sa harap ng pintuan ng training room ng SB19, ay lumingon yung lalaki sa'kin. He looked at me with such bland eyes.




"Ngano— ay, anong kailangan mo sa SB19?" He said. Nag-stutter siya ng kaunti, at halata sa kaniya ang accent niya na hindi niya first language ang tagalog. Medyo natagalan din akong sagutin siya.




"Ano kasi.. " i was about to explain my side, but then the door open of the training room, kaya napatingin kaming dalawa sa pintuan.





"Baka andon—" The guy who opened the door stopped midway ng makita niya kami sa harapan niya. He looked shocked at kitang-kita na he wasn't  expecting us. My eyes went wide nang makita ko si Callyn sa loob ng room! Paano siya naka punta rito?!







Yung guy na nag-bukas sa pinto ay napatingin sa'kin, at tsaka nilipat ang tingin sa lalaking nakasama ko. "Uy, Ken. Late ka nanaman! Nagdala kapa ng babae!" Ani nito kaya nagulat naman ako. Hindi niya ko babae! Napalingon naman yung mga tao sa loob ng room, kaya nakita na ako ni Callyn.







"Hindi ko nga kilala yan." Sabi nong lalaki at walang pakeng pumasok sa room. Aray, ha! Kahit totoo naman na hindi niya ko kilala, ay parang ansakit parin! Pano pa kaya kung kilala niya talaga ako? masasapak ko talaga siya kapag ganoon ang trato niya sakin. Naiwan tuloy akong litong lito sa labas! Pero nang mapansin na ako ni Callyn ay tinawag niya ang pangalan ko.






"Eya?" Tawag pa niya "Eya!" She then right away run towards me at niyakap ako. Masaya akong nakita siya na ligtas, pero confused parin ako kung pano siya napunta rito.  "Nahanap ko na ang training room ng SB19!" Sabi ni Callyn at pinapasok ako sa room.







There were 5 guys inside, including the guy i came here with. Napansin ko lang na hindi sila mukhang confused. Did Callyn already talked about me with them? "Kuya! this is Athena, yung sinabi kong kasama ko! i call her Eya." Pagpapakilala ni Cal sa kanila. "Eya, i told them na nawawala tayo sa floor at nagkahiwalay. Hahanapin kana sana namin, eh. Pero buti nalang andito kana!






Kahit litong lito ako ay napangiti ako ng ayaw sa kalooban ko. Everyone was staring at me! Hindi ako sanay sa ganoon! Yung kuya ni Callyn ay grabe yung tingin sa'kin, bakit ganito?

━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

Burning Passion Where stories live. Discover now