Chapter Twenty

3.8K 107 2
                                    

Mr. Marasigan's POV

"Mr. Marasigan, Napatawag ka."

"Pumunta po kayo dito sa **** hospital." sabi ko sa kanila. Kailangan ko na talagang ipag-bigay alam kay King.

"Okay. Anong oras?" tanong niya.

"Ngayon mismo." sagot ko.

"Okay with 10 minutes and I'll be there."

Binaba ko na ang tawag at lumabas para sa may pinto nalang mag-hintay. Maya maya dumating na sila kasama ang mga bodyguards niya.

"Anong gusto mong pag-usapan Mr. Marasigan?" tanong niya nung makalapit na siya. Lumakad ako pabalik sa Kwarto nila Red. Sumunod naman siya at pumasok na din nung pag-pasok ko. Naiwan ang mga bodyguards sa labas.

Inilibot niya ang paningin niya at nung mag-tama ang tingin niya sa mga nakahiga sa kama ay nanlaki ang mata niya.

"Bakit nandito sila Red?" tanong niya. at nilapitan ang babaeng di parin nagigising.

"Dalawang linggo na sila dito." sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin. "Ikaw ba ang nag-pasabog ng bahay namin sa may ilog?" tanong niya.

"Hindi. Nakita lang namin sila na walang malay at malapit ng maubusan ng dugo." sagot ko sa kanya.

"Pwes bakit di mo pinagbigay alam ang tungkol dito?" tanong ulit niya. Binigay ko ang sulat sa kanya. "Nakita namin sila sa labas ng bahay namin. Hawak yan ni Alvis nung makita namin sila." sagot ko di niya binasa at nilagay sa loob ng bag niyang dala.

"Makakaalis ka na." sabi niya sa akin lumabas nang kwarto nila Red. Nung palabas na ako ng hospital ay may isinugod sa Emergensy Room nung makilala ko ito ay agad ko itong nilapitan. May isang taong lumapit sa akin at may binigay na sulat.

Tinago ko ito nung lumapit ang doktor sa akin.

"Kamusta po siya Doc?"

"I'm sorry Mr. Marasigan. Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin." sabi niya sa akin at tinalikuran ako.

Nanlumo akong umupo sa isang upuan. Binasa ko ang pinagay sa akin nung isang lalaki.

'YOU'RE NEXT'

**

Tristan's POV (Vampire King)

(After a week)

Di parin nagigising si Red. Si Alvis naman ay katulad ni Red hindi parin nagigising. Nandito na sila Palasyo dahil hindi sila pwede dun sa hospital. Pumayag naman ang mga doktor dahil kilala naman nila ako.

"Gising na ba siya?" tanong ng Chocolate Baby ko pag-pasok niya.

"Hindi padin." sagot ko sa kanya. "Si Alvis?"

"Katulad din ni Red hindi parin nagigising." tumingin siya kay Red at pinagmasdan ang mukha. "Bakit parang mag-kamukha kami?" tanong niya sa akin.

"Hindi naman ahh."sagot ko sa kanya kahit ang totoo ay napapansin ko ding mag-kahawig sila.

"Ewan ko." ginulo niya ang buhok niya at lalo pang pinagmasdan si Red. "Kailan mo ipapaalam kay Daniel na anak niya si Alvis?" tanong niya.

"Pag-balik niya dito." sagot ko at pinagmasdan na din ang mukha ni Red. Bakit parang mag-kahawig din kami? Parang pinagsamang version namin ng Chocolate baby ko. Pero kahit ganun ay di ko nalang pinansin.

"Anong balak mo ngayon?" tanong niya habang kay Red nakatingin.

"Itatago muna natin sila Red." sagot ko sa kanya. Yun ang makakapagbuti sa kay Red. Baka bumalik ang may gawa sa kanila at baka mapatay nila si Red. Tumango lang si Nex habang pinagmasdan pa rin si Red. Kailangan kong imbestigahan ang pag-katao ni Red.

**

Cynnexine's POV

Di ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko habang pinagmasdan ang mukha niya. Lahat lahat ng anggulo niya ay parang pinag-samang version namin ni Trist.

Napatingin ako kay Trist na tumayo at lumabas ng kwarto. Di ko nalang pinansin at pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko.

Nagulat nalang ako dahil bigla siyang nag-mulat ng mata niya. Nag-tama ang mga mata namin matagal bago ako umiiwas ng tingin. Nakakawala sa sarili ang mga pulang mata niya.

"Mama." mahinang sabi niya pero sapat na para marinig ko. Nagulat ako ng bigla niya ako niyakap at tinatawag. "Tita. Tita. Tita."

Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Trist. Napatingin si Red sa kanya at biglang nanlaki ang mata. Lumapit sa amin si Trist. "G-gising ka na?" tanong ni Trist pagkalapit niya.

"Tito." tawag niya kay Trist niyakap din ito. "Tito, alam mo may napanaginipan akong bad." pag-kukwento niya.

"Huh? Ano naman yun anak?" tanong ni Trist.

"Nawala daw ako. Tapos nakita ko si Alvis. Tapos bigla kaming nawalang ng malay pero bago yun may narinig akong pag-sabog." umiiyak na sabi niya. "Nasaan pala si Alvus?" tanong niya sa amin.

"Nasa kabilang kwarto. Tulog pa siya kaya bawal siyang istorbuhin." sagot ni Trist.

"Ilang oras na po ba siyang tulog?" tanong niya.

"Three weeks." ako ang sumagot.

"Ang tagal naman niyang matulog. Kailangan ko na po siyang gisingin." sabi niya at bago pa kami tumutol ay nakalabas na siya. Lumabas kami at pumunta sa kwarto ni Alvis. Nakita naming nag-tatalon si Red sa kama ni Alvis.

"Alvis, Gising ka na!!" sigae niya habang nag-tatalon. "ALVIS , gumising ka na miss na kita!!" nag-patuloy lang siya sa pag-talon. Sinaway na namin si Red dahil baka mapano siya. Kakagising lang niya.

"Red. Wag kang tumalon jan baka mapano ka kakagising mo lang." saway ko.

"Tita, ilang oras ba ako natulog?" tanong niya sa akin at bumaba na sa kama ni Alvis.

"Three weeks din." sagot ko din.

"Ganun din ka haba? Bakit si Alvis hindi pa nagigising?" tanong niya sa akin.

"Ewan ko." sagot ko

"Mama wait lang." sabi niya at lumapit kay Alvis. "Alvis, gising ka na. Ang tagal mo ng natulog kaya gumising ka na." sabi niya kay Alvis. Lumapit ako sa kanya at sinaway ulit siya dahil di niya tinitigilan si Alvis sa pag-gising. "Kumain muna tayo Red." sabi ko sa kanya.

"Tita, pero hindi pa po gumigising si Alvis." sabi niya at akmang gigisingin ulit si Alvis. "Iha, makinig ka hindi siya magigising kahit anong gawin mo." sabi ko sa kanya. Lumapit naman si Trist sa amin. Buti at may balak siyang suwayin si Red.

"Iha, Hilaka muna sa labas may ipapakita ako sayo." sabi niya kay Red. Biglang nag-bago ang mood niya at di na niya pinansin ang natutulog na si Alvis. "Ano yun Tito?" tanong niya.

"Secret. Surprised gift ko yun kaya hindi ko pweding sabihin." sagot niya. Tatalikod na sana kami ng biglang nagising si Alvis.

"Alvis, gising ka na." tuwang sabi ni Red. "Diba sabi ko sa inyo mama magigising si Alvis." sabi niya at niyakap si Alvis. Pero si Alvis ay di man lang siya niyakap pabalik. Kumalas si Red at tinignan niya sa Alvis na nag-tataka. "Alvis?"

"Nasaan ako?" inilibot niya ang paningin niya sa kwarto. "Nasa kwarto mo Alvis." sagot ni Red.

"Sino kayo?" tanong niya. Nagtaka si Red sa mga sinasabi ni Alvis. "Red." sabay na tawag namin kay Red. Lumingon si Red sa amin at parang iiwak na.

"Sino kayo?" ulit niya sa tanong niya kaning.

"Alvis, wag ka namang ganyan." paiyak na sabi ni Red. "Alvis?" tawag din namin kay Alvis. Lumapit ako kay Red niyakap.

"Sino ka?" tuluyan ng umiiyak si Red. "Sino ako?"

Chishio Academy: School of Hell [UNDER MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now